CHAPTER 11 3/4

0 0 0
                                    

CHAPTER 11 3/4: MENACE

[ Jeremy's Point of View ]

Hindi na ako kumain dahil busog na ako.. parang bibigay na ang garter ng short pants ko dahil sa paglaki ng tiyan ko. Si Gemma at ang iba ay kumakain parin hanggang ngayon. Maging si Zelda ay hindi nagpapakita ng pagka-umay.

Gabi na ngayon at madilim na sa labas.. marami ding mga taong kumakain ngayon sa restaurant. Hindi parin na hihiwa at nagagalaw ang Strawberry Cake. Ang Oden ay malapit nang maubos ni Indah at Cipta.

Parang kailangan ubusin lahat ng pagkain bago kami umuwi. Kumuha ng kutsilyo si Gemma at hiniwa ang Strawberry Cake at excited si Yami. Nag lagay siya ng isang piraso ng cake sa plato ni Yami at sa lahat, pati din sa kanya.

Sakto dahil pito kaming lahat at nahati din ang cake sa pito. Kada isa sa amin ay may isang piraso ng Strawberry Cake na tinatawag palang Daifuku. Ngayon ay matitikman ko na din ang kanina kupa gusto kainin.

Ang sarap nguyain dahil malambot. Hindi siya mahirap nguyain yung tipong didikit sa gilagid. Napaka smooth lang niya lunukin.. para siyang mahahalintulad sa sapin-sapin. Tamang tama lang ang balanse ng tamis at asim.

Sa tingin ko ay hindi siya nakakasawa kainin.. masarap siya na panghimagas. Pwede siya ipang regalo sa mga strawberry lovers. Hindi ko namalayang ubos na pala ang cake at hindi ko nalang pinahalata na gusto ko pa ng isa.

Bigla akong kinalbit ni Zelda na ngayon ay naubos na ang kanyang cake.. nasarapan siguro siya kaya nakangisi. "Ano nga yung japanese ng happy birthday?.. ano ang pangalan niya?" Bulong niya sa akin na si Yami ang tinutukoy. "Tanjōbi.. siya si Yami" bulong ko sa kanya.

"Tanjōbi Yami-san hehe" tuwang saad niya sa lahat. Ngumisi naman si Yami "Arigatogozaimashita. Hehe" masayang saad niya habang pikit ang mata at ngumisi. Napa hawak naman si Zelda sa kanyang magkabilang pisngi at pigil ang kilig.

"Kawaaii.. ang cute niya.." kinikilig si Zelda at narinig ko ang mahinang bulong niya. Nagpatuloy na si Yami sa pakikipag usap kina Gemma at kina Ligaya, Indah at Cipta. Parang wala kami dito kung mag usap sila haha.

Parang magkapatid ang turingan nila.. nang una nga ay akala ko related sila lahat pero hindi pala. Si Indah at Cipta lang ang magkapatid. Mga random na bagay ang pinag-uusapan nila at nakikinig na lang ako sa kanila. Umiinom na lang ako ng inumin na parang sprite.

Si Zelda naman ay inaantok na at parang gusto na umuwi.. teka? San nga ba siya nakatira ngayon. "Hmm.. saan ka nakatira ngayon? Sino mga tinutuloyan mo?" Takang tanong ko kay Zelda na ngayon ay tinakpan ang bibig na humikab.

"Sa dress shop.. doon ako sa bodega natutulog. Wala akong permanenteng bahay dito haha" birong saad niya sa akin. Nagulat nalang ako at hindi nagustuhan ang sinabi niya "Ano? Sa bodega? Bukas ang tahanan ni Gemma para sayo.. doon ay makakatulog ka ng maayos at kumportable.. hindi yung madaming alikabok at lawalawa" alalang saad ko sa kanya.

"Wag na.. nakakahiya.. tsaka nasanay na ako sa bulok na bodegang yun" birong seryosong saad niya. Heto nanaman siya.. tigas talaga ng ulo.. magtitiis daw sa bodega. Kalokohan. "Sige.. kung yan ang gusto mo.. pero hahanapan kita ng magandang tirahan" tuwang saad ko sa kanya.

Magsasalita sana siya pero pinigil ko "ako na bahala.. wag kana mabahala" seryosong saad ko sa kanya at hindi nalang siya nagsalita at tumahimik nalang.

[ End of Jeremy's Point of View ]

Lumapit ang isang lalaking waiter sa kanilang lahat "magsasara na po kami, ginoo at binibini" ngising saad ng waiter. Doon napagtanto ni Gemma, Ligaya, Yami, Indah at Cipta na gabing gabi na pala.

Napasarap ang usapan at hindi na napansin kung anong oras na. Tumayo na silang lahat at nagbigay galang at nagbayad sa waiter at ngayon ay aalis na sa restaurant. Ubos at walang natira sa mga pagkaing pinagsaluhan nila.

Sa pasugalan, parang dinaanan ng bagyo ang bulwagan dahil sa mga nagkalat at nasirang mga bote at lamesa. Napatay ni Mateo ang salbaheng lalaki na ngayon ay niligpit na ng mga tauhan ni Rasman at dinispatcha.

Pinatawag si Mateo at Rasman sa tagong opisina ng may-ari ng pasugalan, ngayon ay lumalapit na sila sa lamesa ng kingpin. Naka talikod na naka upo ang kingpin at nagyoyosi ng tabacco.

Makikita sa hangin ang usok na binubuga niya. "ini mereka bos" Saad ng tauhan niya at lumabas na sa opisina. Umikot ang parang swivel chair na kina-uupuan ng kingpin at hinarap sina Mateo at Rasman. Bumuga ng usok ang kingpin at tinaktak ang tabacco sa platito.

"Dia bertarung dengan sangat baik .. siapa pria ini?" takang tanong ng Kingpin at nagyoyosi parin. "Dia adalah diego.. petarungku" tuwang saad ni Rasman at nagbigay galang. Nagtaka na lamang si Mateo kung ano ang pinagsasabi nila.

"Saya akan membayar kerusakan yang dibawa pejuang saya di kasino Anda.. wag mo lang kami parusahan gembong" magalang na saad ni Rasman at humihingi ng tawad. Natawa bigla ang kingpin "Aku bosan dengan uang.haha" tawang saad.

"Teka? Ano ba pinag uusapan nyo?" Hindi na nakapag pigil si Mateo at takang nag tanong. "Nakikipag ayos ako sa kanya" bulong ni Rasman kay Mateo na naiinip. Kanina pa naka tingin ang Kingpin sa matikas na katawan ni Mateo at nagiging interisado.

"Hindi pera ang kailangan ko Rasman.. siya.. ang manlalaban mo ang kailangan ko" tusong tuwang seryosong saad ng kingpin. Naguluhan na lamang si Rasman at Mateo "Ang katulad niya ay nababagay sa labanan sa ilalim ng lupa haha" tuwang tawang saad na pagpapatuloy ng Kingpin.

Sa ilalim ng lupa, kasalukuyang may naglalaban at puro hiyawan at sigaw ang maririnig. Matira ang matibay dahil kailangan pumatay para manalo. Laban hanggang kamatayan. Hindi dapat magpakita ng awa.. dahil dapat maaliw ang manonood at ganun din ang Kingpin.

Kanina habang naglalaban si Mateo at ang salbaheng lalaki ay nasaksihan ng Kingpin ang lahat. Napapalakpak sa sobrang ligaya na lamang ang Kingpin nang tuluyang napatay ni Mateo ang Salbaheng lalaki.

Kaya pagkatapos ng malagim na insidente ay inutusan niya ang tauhan niya na papuntahin si Rasman at Mateo sa opisina niya upang kanyang maka usap. Plano niya na imbitahan si Mateo na sumali sa Underground Fight.

Isang tagong lugar ang labanan kung saan legal ang pumatay sa mata ng madla pero illegal sa mata ng batas. Hindi maririnig ng mga tao sa ibabaw ang mga sigaw at hiyawan. Matagal itong nakatago.. isang lihim.

Balik sa kasalukuyan, nilagay ni rasman ang magkabilang kamay sa gilid na bahagi ng lamesa at natuwa sa sinabi ng kingpin. Hindi alam ni Mateo kung matutuwa o mabubuysit siya.. pero sa loob niya ay gusto niya ang makipaglaban.

"Sige.. tiwala ako sa alaga ko na maaaliw ka niya ng higit pa sa inaakala mo haha" masayang saad ni Rasman. "E handa mo siya. Dahil bukas magkaroon ng labanan sa ilalim ng lupa haha" tuwang saad ng Kingpin.

Si Mateo naman ay may kung anong bumabagabag sa kanya na hindi niya ma-e paliwanag. Naguguluhan siya..

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon