CHAPTER 7 3/4: BREAKTHROUGH
Isang mapanglaw na gabi sa sentro ng bayan ng Tribo Mantul, kasalukuyang naka upo si Jeremy sa isang silya at ang suot niya ay salawal lang at mata ay nakapiring. Siya ay nasa gitna ng sirkulo na ginuhit gamit ang tinta at may nakapaligid ding mga baybayin na salita sa patag na lupa.
Kasama niya sa loob ng sirkulo ang mga mambabatik at tinatatuan ng disenyo at mga salitang baybayin ang kanyang katawan. Anim lahat ang mambabatik na nagtatatu sa bahagi ng katawan niya; magkabilang punyos at itaas na braso, magkabilang binti at ang taas ng bukung-bukong, noo, dibdib at tiyan, taas at ibabaw na likuran.
Sabay sabay ang mambabatik na nagtatatu sa katawan ni Jeremy na nasasaktan dahil sa pagtusok sa kanyang balat bagaman hindi niya pinansin at pumikit nalang. Sa labas naman ng sirkulo ay may mga babaylan na pinapaikutan sila at nagsasagawa ng spiritual na ritual.
Sinaunang wika ang sinasalita ng mga babaylan habang nagsasagawa ng ritual. May naka bantay ding mga kawal sa paligid at mga tao ay dumalo sa sinasagawang ritual. Walang sinuman ang pinalapit sa sirkulo at malayo lang ang mga tao dahil may lubid na pinaligid na humaharang sa mga tao.
Tahimik lang ang lahat ng taong nanonood at mga dasal na hindi maunawaan ang marinig sa paligid. May mga dilag din na nagpalamas ng galing sa pagsayaw ng traditional na sayaw sa paligid ng sirkulo at bahagi din to ng ritual.
Nararamdaman ni Jeremy ang bawat tinta na tumatatak at pako na tumutusok sa balat niya . Sa dibdib niya ay may tinatu na baybaying salita habang sa likod niya ay malaking bilog na may kakaibang anyo. Ang braso at binti niya ay parang paikot na disenyo ang tinatu na parang pina-ikot na tali o purseras.
Naka upo naman si Dimarumba kasama si Kalpa sa mataas na balconahe at pinapanood ang ritwal mula sa itaas. May mga kawal din siyang kasama. "Siya kaya ay isang sugo" takang saad ni Kalpa "Kung hindi man ay magiging kaisa din naman siya ng Tribo Mantul" seryosong saad ni Dimarumba.
Sa isang mataas na balconahe din ay nanonood sina Gemma, Ligaya, Yami, Indah at Cipta at naka hawak ang kamay sa barandilya. "Sana maging sugo siya para proteksyonan tayo laban sa mga halimaw" tuwang saad ng isang babae na nasa balconahe nila Gemma.
Ang lahat ay pinag uusapan ang sinasagawang ritwal at pumupusta kung magiging sugo ba si Jeremy o hindi..
[ Start of Gemma's Flashback ]
Naghatid ako kaninang hapon ng ulat kay Dimarumba tungkol sa kakatwang nangyari kay Jeremy. Ngayon ay nasa tahanan niya ako at naka upo sa silya habang siya ay sa malaking upuan niya. Kami lang dalawa ang nasa bulwagan ng tahanan niya at walang mga kawal pati si Kalpa.
"Ang mga bulong na narinig niya ay isang senyales na siya ang pinili ng Dakilang Pandaku" seryosong saad ni Dimarumba. "Hindi maari" mahinang bulong ko na hindi ko napigil. "Ano ang yong binubulong?" Takang tanong ni Dimarumba.
Ayokong maging sugo siya dahil puro kapahamakan ang naghihintay sa kanya at isusugo siya ng Pandaku sa isang paglalakbay at maraming misyon. Ang nais ko lang ay mahanap niya ang mga kasama niya at maka uwi sila ng ligtas sa pilipinas na pinanggalingan nila.
"Wala po" tugon ko naman. "Ihanda mo siya. Magsasagawa ako ng ritwal sa sentro ng bayan para sa kanya" tuwang seryosong saad ni Dimarumba. "Masusunod po" Saad ko at tumungo. "Tapos na ang usapang ito. Umuwi kana nang mapa aga ang ritwal mamayang gabi" Saad ni Dimarumba na nakatayo.
Nagbigay galang ako at nagpaalam kay Dimarumba, hinatid din ako ni Kalpa papunta sa tarangkahan at umuwi na. Dinatnan ko si Jeremy na nakikipag usap kina Ligaya at Yami. "Maghanda ka Jeremy" pambungad ko sa kanila at nagtaka na lamang sila sa sinabi ko.
Doon ay sinamahan ko na siya sa sirkulo at inalalayang umupo dahil naka piring ang mata niya upang hindi siya masyadong makilala ng mga taong bayan. "N-nasaan tayo?" Nauutal na saad ni Jeremy na parang kinakabahan. "Malalaman mo rin kapag na tapos ang ritwal. Lakasan mo ang loob mo" alalang saad ko at hinawakan ang balikat niya sa likuran.
"Ritwal? Anong gagawin sakin? Bat kailangan takpan ang mata ko at nakakahiya dahil naka salawal lang ako" nagtataka at naiilang na saad ni Jeremy. "Wag mabahala. Bahagi ito ng traditional na ritwal kaya hindi ito nakakatawa sa lahat." tawang saad ko sa kanya.
"Hindi daw natatawa. Narinig ko ang pag-ngisi mo" kinakabahang saad ni Jeremy na pinigilan ko na tumayo. "Kumalma ka nga haha. Lalaki kaba talaga" tawang biro ko sa kanya na pinapaupo ko. "Oo. Naman.. lalaki ako" naging seryoso nalang siya at umupo.
"Binibiro lang kita. Masyado ka kasing kinakabahan.haha" tawang saad ko sa kanya at hinaplos ang ulo niyang magulo. "Oo kakalma na po haha" tawang saad niya sa akin at naramdaman ko nalang na napagaan ko ang loob niya.
"Mga mamamayan ng Tribo Mantul.. Inaanyayahan ko kayo na saksihan ang ritwal para sa dumating na dayuhan" Mungkahi ni Dimarumba sa mataas na balconahe at doon ay umabante si Kalpa at nagsisimulang esalin Ang sinabi ni Dimarumba sa wikang Japanese at Indonesian.
Narinig ng mga Filipino, Japanese at Indonesian ang magandang balita at pumaroon sa sentro ng bayan na may mga taong naka tingin kay Jeremy. Naririnig siguro ni Jeremy ang mga boses ng maraming tao sa paligid niya kaya napa buntong hininga siya.
"Kumalma ka lang." Tuwang saad ko sa kanya at niyakap sa balikat. "Magiging maayos din ang lahat pagkatapos.. magkita nalang tayo pagkatapos" tuwang saad ko sa kanya at gumaan muli ang loob niya.
Doon ay nagpaalam na ako sa kanya at sinimulan na ng mga mambabatik na tatuan siya. Umakyat ako sa mataas na balconahe kung saan nandoon Sina Ligaya, Yami, Indah at Cipta.
Lumubog muli ang araw at nagsimula na ang ritwal sa pagdilim.[ End of Gemma's Flashback ]
Tumindig nalang ang balahibo ni Zelda nang pauwi siya sa shop upang maghatid ng bayad at natanaw niya ang mga taong nagdadagsaan at nagtitipon sa isang lugar. Nagtaka nalang siya kung ano ang nangyayari sa lugar na yun.
May mga grupo ng bata na nangaling sa likuran niya at papunta doon sa sentro ng bayan at mukhang nagmamadali. Pinatigil niya ang isang bata at tinanong "bakit po ate" takang tanong ng bata na kumakain ng tsokolate at ngayon madumi ang ngipin.
"Bakit nagpuntahan ang mga tao doon?" Takang tanong ni Zelda sa bata habang naka yuko. "May tao daw na magliliwanag" Saad ng batang walang muwang na parang pitong taong gulang palang. "Mauna na ako ate" tumakbo na ang bata palayo papunta sa sentro ng bayan.
Tumayo na si Zelda at naiwang nagtataka at hindi kumbinsido sa sinabi ng bata dahil hindi ito kapanipaniwala at baka nagbibiro lang. Naririnig din ni Zelda ang mga dasal kahit sa malayo at parang hinihila siya ng paa niya na pumunta. Marami ring mga tao na papunta palang doon at galak na nagmamadali.
Malapit nang matapos ang pagtatatu ng mambabatik sa katawan ni Jeremy. Naging seryoso nalang ang buong paligid at lumakas ang hangin na hinahampas ang mga dahon ng puno. Naging mataimtim at seryoso nalang bigla ang mga babaylan at sumasanib sa kanilang katawan ang kaluluwa ng pitong sagradong statwa.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Misterio / Suspenso1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...