CHAPTER 10 3/4

0 0 0
                                    

CHAPTER 10 3/4: ASPIRATION

Ang prinsesa at ang babaeng nag-aasikaso sa akin ay iisang tao lang, hindi parin ako maka paniwala sa nalaman. "Ang lalaki naman ay asawa niya, Si Akihiro na isang Samurai na nagmula sa angkan ng pamilya Yamazaki" tuwang saad sa akin ng lalaki.

Pareho silang panalo at ngayon ay sabay tumungo sa lahat, Ang sweet naman nila.. parang bonding nilang mag asawa na maglaban. Siguro nasa 19 pa ang edad ng Prinsesa nila na si Mayumi pala ang pangalan.. ang Samurai naman na si Akihiro ay parang nasa 22 na ang edad.

Habang naka tingin ako sa kanila ay nagka titigan kami ng Prinsesa.. nakakailang at nakakahiya kasi nakaraang araw ay nakita niya na umihi ako sa shorts ko. Bakit kaya ang prinsesa ang nag-aasikaso sa akin eh marami naman silang tauhan.

Bigla nalang ako tinuro ni Akihiro na kina pukaw ng diwa ko.. "Ikaw! Hinahamon kita sa isang laban. Samurai laban sa Mananabas." Manghang saad niya na ako ang tinutukoy at ang lahat ay natuwa at natawa sa sinabi niya.

"Dapat hindi mo ayawan ang hamon ng isang magaling na Samurai na katulad niya" tuwang saad sa akin ng lalaki. Sapat na ba ang nakita at nalaman ko kanina lang.. mabuti nalang at tinuruan ako ng lalaking katabi ko.

Si Mayumi ay naka ngiti lagi kaya madaming nabibighaning kalalakihan sa kanya. Ang swerte ni Akihiro dahil isang maganda at maasikasong babae ang napangasawa niya. Sana katulad niya ang future wife ko.. pero 10 years pa ang kailangan bago ako makalaya dito. Hasytt.

Biglang sumenyas ang si Akihiro sa lalaking katabi ko, at pinatayo ulit ko ng mga kawal. Saan nanaman ba kami pupunta.. nang paalis na kami ay nakita ko ang mag asawa na magka-akbay na umalis sa stage at nag-uusap. Nakaka Inggit kasi para silang matamis at malagkit na mochi.

[ End of Dale's Point of View ]

Hawak parin ng tao ang leeg ni Jeremy at tinututukan ng matalim na bagay, "Wala akong mabibigay sayo.. pakawalan mo ako" kinakabahan pero pilit kumakalmang saad ni Jeremy at mahigpit na niyakap ang brief case.

Natawa bigla ang tao "Haha. Kalma.. ako lang to" tawang saad at pinakawalan si Jeremy. Napansin bigla ni Jeremy na pamilyar ang boses ng tao at humarap sa tao at tinignan. Nagpakilala ang tao sa paglahad ng kanyang mukha at hinubad ang balatkayo niyang Scarf na bumalot sa buong ulo niya.

Ang tao pala ay si Zelda.. nasiyahan nalang silang dalawa dahil nagkita na sila. "Nagkatagpo na rin tayo. Haha" pagkamiss na saad ni Jeremy at yumakap kay Zelda. "Ako rin. Buti nalang na tyempuhan kita dito hehe" masayang saad ni Zelda.

Pumiglas sila sa pagkaka yakap at tinignan ang isa't isa. "Dami mo nang tattoo ah.. isa kanang Bordado Haha" Birong tawang saad ni Zelda. "Ba't kailangan mo pa ako hawakan sa leeg at tutukan ng shuriken nayan.. muntik na ako atakihin sa puso dahil sa ginawa mo." Naiinis na saad ni Jeremy.

"Sorry.. baka kasi mawala ka pa ulit at hindi kuna mahanap. Sinuyod ko ang buong bayan para mahanap ka" tuwang saad ni Zelda. Nakatayo lamang sila at nag-uusap usap. "Naks naman haha. Okay lang.. Ang mahalaga nagkita narin tayo sa wakas.haha" naginhawaan at sobrang saya ni Jeremy pati na din si Zelda.

[ Dale's Point of View ]

Ka harap kuna ngayon si Akihiro at wala akong nagawa kundi tanggapin ang hamon niya. Walang kasiguruhan na mananalo ako dahil ramdam ko ang malakas niyang aura. Naka upo ako sa sahig at ganun din siya at malayo ang distansya namin.

Tahimik ang mga manonood at naghihintay lang na mag-umpisa ang laban namin. Naka upo ako sa sahig at nakalagay ang kamay sa kandungan. Ginagawa siguro nila ito upang e handa ang katawan, isipan at diwa bago simulan ang laban.

[ Start of Dale's Flashback ]

Nang paalis kami kanina sa bulwagan ng dojo ay dinala nila ako sa isang silid na may mga naka display na Shinai at Bogu. Maraming mapagpipilian dahil iba't iba ang desinyo at hugis. Ang lalaking black belter ay kinuha ang Bogu na kulay itim at mint green na Gi at Hakama.

Pumili din siya ng Shinai at lumapit sa akin dala ang kinuha niya. "Kare o kafuofu" Saad ng lalaki at kinalasan ako ng mga kawal sa pagkaka-posas. Tangkain ko mang tumakas pero may mga kawal parin na nakabantay.

"Isuot mo to.." seryosong saad ng lalaki at inabot sa akin ang Gi at hakama at tinanggap ko naman at sinuot kaagad. Napaka kumportable suotin dahil magaan at malambot ang tela. Namangha ako sa sarili ko habang nakatingin sa malaking salamin.

Sinuot ko din ang brown belt sa baywang ko at tinali. Sunod ding binigay sa akin ang Bogu at nabigatan ako ng konti nang tinanggap ko. Mabigat bigat pala ang Bogu at napansin kong gawa siya sa leather at napaka pulido ng pagka-tahi.

Una kong sinuot ang Kote o ang Guantlets sa kamay, Ikalawa ay ang o ang Chestplate sa katawan ko at Pang-huli ay ang Men o ang Helmet sa ulo ko. Nasuot kuna lahat ng kagamitan na pinapa-suot nila sa akin.

Habang nagbibihis ako ay nag kukwento parin ang lalaki ng mga mahalagang impormasyon tungkol sa Kendo. Nalaman ko na ang salitang bōgu ay binubuo ng dalawang bahagi, na ibig sabihin ay protekta o pagtanggol, at Gu na ibig sabihin ay kagamitan o kasangkapan.

Mabigat bigat din pala ang dahil may bahaging gawa sa kawayan. Mga pahalang na linya ang nakikita ko sa harapan dahil sa mga kawad ng Men o Helmet. Namangha ako sa sarili ko dahil para akong nag cosplay. Kung may cellphone lang sana ako kaso tinapon ko na pala sa dagat. Hasyt.

Kung makaka-alis man kami dito sa Isla.. walang litrato o video na magiging remembrance at magiging ebidensya na napadpad kami dito. "May isang alituntunin si Akihiro na kailangan mong sundin kapag hinamon ka niya sa isang laban.. isa itong tradisyon ng pamilya Yamazaki" biglang seryosong saad sa akin ng lalaki at hawak ang Shinai.

Sa lahat ng sinabi niya sa akin ay dito ako naging interesado.."Kailangan mong matamaan ang apat na pook.. Ang Men, Kote, Do at Tsuki. Kapag natamaan mo ang apat, Ikaw ang panalo at tapos na ang laban" seryosong saad sa akin ng lalaki at binigay sa akin ang Shinai.

Doon ay pinalakad na ako ng mga kawal dahil isasalang na ako sa laban..

[ End of Dale's Flashback ]

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon