Chapter 1

532 99 74
                                    

March 2012



UNTI-UNTING dinilat ni Andy ang kaniyang mga mata nang may maramdaman siyang kakaiba. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya napagtanto na nakatulog siya habang nakaupo. Ikiniling niya ang kaniyang ulo para balingan ang katabi niya na nakaupo sa likod ng manibela at tahimik na nagmamaneho ng sinasakyan nila.

Tumingin siya sa suot nitong relong pambisig at bumuntong hininga.

"Don't worry, Sandy. Malapit na tayo." Tinapunan siya ni Mitch ng tingin na kaagad din nitong binalik sa daan. "Magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka."

Hindi siya sumagot kaya tiningnan ulit siya ni Mitch.

"Gusto mo ba ng music?" Akma sanang aabutin ng kaniyang kaibigan ang car stereo para buksan pero hindi na nito tinuloy nang mapansin na tinitingnan niya lang ito. Marahil ay nabasa nito na ayaw niyang makinig sa kung ano man ang tugtog sa radyo kaya nag-focus na lang ito sa pagmamaneho ng kotseng gamit nila na pag-aari niya.

"Ilang oras na ba tayong bumabiyahe?" tanong niya rito. Tinanggal niya ang hood ng jacket na suot niya sa kaniyang ulo at umayos ng upo.

"Less than seven hours," sagot ni Mitch. "Gutom ka na ba?

Umiling siya."No. Baka pagod ka na d'yan. Palit na tayo. "

"Hindi! Okay lang ako. Malapit na rin naman tayo."

Hindi na siya nagsalita at napabuntong-hininga na lamang bago inandig ang kaniyang likuran sa inuupuang passenger seat. Naalala niyang hindi nga pala siya pamilyar sa dinadaanan nila. Lumunok siya nang makaramdam na naman ng lamig na lumulukob sa kaniyang sistema.

Sinubukan niyang mag-concentrate para kahit paano ay mataboy niya ang mga negatibong isipin na pilit na sumisiksik sa utak niya. She rolled down the car window to inhale the fresh air. She also tried to busy her eyes on the view that their car was passing by. Pero nawawala pa rin mula roon ang kaniyang atensyon at sumesentro pa rin iyon sa damdaming umuusbong sa dibdib niya.

"Would this really help?" sambit ni Andy habang pinupukaw ang sariling atensyon sa mala-gintong palayan na nadaraanan nila.

Narinig niyang tumikhim si Mitch. "Huwag kang mag-alala. Everything will be back to normal," tila pang-aalo nito sa kaniya.

Normal? Bakit parang gusto niyang matawa sa salitang iyon? She wondered. . . Ano ba ang babalik sa normal pagkatapos niyon?

Mariing pinikit ni Andy ang kaniyang mga mata dahil sa biglang pag-iinit niyon. Siguro ang akala ni Mitch ay natutulog na ulit siya kaya hindi na ito nagsalita pa. Mabuti na rin na naisip nitong manahimik na lang upang makapag-isip siya nang maayos.

Inalala niya ang lahat. Inalala niya kung paano unti-unting naglaho ang lahat sa kaniya. At kung bakit siya naroon ngayon.

She was Andy Hernandez, a successful writer and a critically acclaimed author of several award-winning novels and books at a very young age. Panatag siya sa takbo ng kaniyang buhay. Inisip niya na walang mawawala at magbabago, ngunit sa isang iglap naglaho ang lahat. Life was indeed so ironic.

***

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Andy?" Iniwas niya ang kaniyang paningin mula kay Albert na siyang boss niya. Hawak nito ang manuscript na ilang beses nang pinapa-revise sa kaniya. Ngayon ay uulitin na naman niya iyon.

"Look at me, Andy!" utos ni Albert na sayad na ang pagkapundi sa kaniya. "Lampas na ang deadline ng libro mo. Bakit hindi pa rin 'to matapos-tapos? Natengga na rin iyong series na ginagawa mo. For Christ's sake!" Tumigil ito sa pagsasalita para titigan siya. Nabitin din ang hawak nitong manuscript sa ere.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon