HINDI alam ni Andy kung ilang oras na siyang nakadungaw sa bintana ng silid niya. Ilang beses na rin siyang nakarinig ng katok sa pinto pero ni isa ay wala siyang binalak pagbuksan. She just stood there, watching every single person, object, and other things pass before her eyes and senses.
Nang makaramdam ng pagod ay naglakad siya patungo sa kama at pabagsak na umupo sa gilid niyon. Pansin niya na halos wala siyang gana sa lahat ng bagay, ultimo oras ng pagligo niya ay nabago rin kahit sobrang mitikolosa niya sa bagay na iyon. Makailang ulit nang pumasok sa isip niya na bumalik sa pag-inom ng gamot o 'di kaya'y sleeping pills upang maibsan ang kakulangan niya sa tulog pero naalala niya ang pangako niyang iiwas na siya sa bagay na iyon lalo pa't wala pa namang rekomendasyon ng doktor.
Having relapse was never easy. Hindi niya masabi sa iba ang sitwasyon niya dahil akala ng mga ito ay maayos siya— that she's getting by. Ang tanging mapagsasabihin niya na si Mitch ay abala naman at minsan niya lang makasalubong sa loob ng bahay.
May nakausap nang propesyonal si Andy, malayo sa inirekomenda sa kaniya noon ni Vickie dahil hangga't maaari ay ayaw niyang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa babae. She had talked with her new psychiatrist over the phone, maikli lang ang naging pag-uusap nila dahil mas minabuti niya na mag-book schedule para sa session nila.
Sunod-sunod na rin ang natatanggap niyang tawag mula opisina ng kaniyang Uncle Jaime na nagsasabing kailangan niya nang bumalik para masimulan ang paghahanda niya. It's hard to admit, but the pressure is taking over her. Maraming beses na siyang tumanggi pero hindi siya tinatantanan ng mga ito, stating that it has been long due
Hinugot niya ang drawer ng bedside table saka kinuha mula roon ang isang maliit na puting bote. Matagal na iyong nandoon, kinuha niya sa travel bag ng matalik niyang kaibigan. Marahas siyang bumuntong-hininga saka iyon initsa sa gitna ng kama.
Binaon ni Andy ang kaniyang mukha sa dalawang palad, bumaling siya ng tingin tokador. Tumayo saka humakbang patungo sa tokador at tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi man kapansin-pansin sa iba, mayroon siyang dark circles sa ilalim ng kaniyang mga mata dahil sa puyat. Kinapa niya ang kaniyang hairline.
"This is not good," she gasped. Even the volume of her hair got thinner in just few days. Tiningnan niya ang hairbrush, nakabuhol pa roon ang mga nagsilagasan niyang buhok.
Kinagat niya ang loob ng kaniyang ibabang labi. Pumihit siya saka inandig ang likod sa hamba ng tokador. Nakatulala lang siya sa bukas na bintana nang pumasok sa isip niya si Ion. She'd be damned if she would not admit that she misses him. Pero bakit ganoon pa rin ang nadarama niya sa kabila ng lahat?
Maybe, she's really screwed up.
Dumaan ang ilan pang minuto bago nakabuo ng desisyon si Andy. Lumabas siya sa kaniyang kuwarto at bumaba. Nakasalubong niya sa may bungaran ng pinto si Nanay Angge na inusisa siya kung saan siya pupunta, ang sagot niya ay sa kaniyang nobyo.
Habang naglalakad papunta sa bahay ni Ion ay natanawan niya ang pamilyar na sasakyan ng tatay niya na naka-park sa labas ng gate ng bahay ng kasintahan niya. Nagtaka siya kung bakit iyon naroon, pero pinalagay na lang niya na baka bumisita ang kaniyang ama.
Hindi na siya nagtawag ng magbubukas ng tarangkahan dahil hindi naman iyon naka-lock. Malaya siyang pumasok at naglakad patungo sa front steps ng bahay. Everything seemed to be normal until she was near the front door and heard some faint voices.
Nagkamali si Andy sa pag-aakala na naroon ang tatay niya dahil malinaw na tinig ng babae ang naririnig niyang kausap ni Ion. Hindi na rin nakakapagtataka na alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Huminto siya sa parte kung saan kita niya kung paano mag-usap ng masinsinan ang dalawa habang nobyo niya ay nakaupo at ang half-sister naman niya ay nakayuko sa harap nito. She wasn't able to move. The left side of her brain told her to just leave while the right kept on telling her that she must stay and keep on watching.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...