ANDY has been staring blankly at the ceiling long enough she couldn't remember when she started. Hindi niya magawang bumangon sa kama, at lalong hindi niya magawang makihalubilo sa ibang mga tao. She's a mess.
Dumalaw sa bahay ang mga kaibigan nila pero tumanggi siyang harapin ang mga ito. Nagdulot iyon ng pag-aalala kay Mitch kaya sinubukan siya nitong kausapin pero tumanggi siyang magsalita. Sinabi niyang wala siya sa mood— na masama ang pakiramdam niya, which was true in a sense.
May narinig siyang katok sa pinto, mayamaya pa ay umawang iyon pabukas.
"Dinner time, Andy," narinig niya ang marahang tinig ni Mitch. "Naghihintay na sa baba ang pagkain."
She gulped. "I'll be there in a minute."
Andy heard sounds of hesitant retreat before hearing the door close. Bumangon siya para bumaba sa komidor at saluhan sa pagkain sina Mitch.
"Uminom ka na ba ng gamot, Andy?" tanong sa kaniya ni Nanay Angge habang naglalagay siya ng kanin sa kaniyang plato. Pansin din nito na kaunti lang ang kinuha niya. "Huwag kang magtitipid sa pagkain."
"Wala po akong gana ngayon," sagot niya na nilakipan ng pilit na ngiti.
"Pumunta po kanina si Kuya Ion, hinahanap ka," ani Mimi.
Nahinto ang kamay niya na may hawak na kutsara sa pag-scoop ng pagkain. Tumingin siya sa dalagita. "May sinabi ba sya?"
"Wala naman po. Mukha ngang napadaan lang," tugon nito sa kaniya.
Humigpit ang hawak niya sa kubyertos. Tiningnan niya ang mga kasama sa mesa bago tumikhim. "Pasensya na. Wala po talaga akong ganang kumain ngayon."
May pag-aalala siyang tiningnan ng mga ito nang magsimula siyang tumayo. Nagpasalamat siya bago tahimik na nilisan ang hapag-kainan.
Bumalik siya sa kuwarto at sinubukans libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagsusulat, pero pumatak na ang hating-gabi ay wala man lang siyang natapos ni isang pangungusap. Her thoughts were in whirlwind. Kinuha niya ang libro sa ibabaw ng bedside table, kahit walang rumerehistro na detalye sa utak niya sa makailang balik niya ng mga pahina ay pilit niya pa rin iyong binasa. Hindi na niya namalayan ang unti-unting pagbigat ng kaniyang mga talukap at pagsara ng mga mata niya.
"BA'T hindi ka pa natutulog, bruha?" tanong ni Mitch sa nakababatamg kapatid. Nasa kusina siya nang mga sandaling iyon.
"Nauhaw ako, eh." Pinanood niya ang pagpunta ng dalagita sa lalagyan ng mga braso. Lumapit ito sa refrigerator para kumuha ng maiinom na tubig.
"Anong oras na. Pagkatapos mo d'yan matulog ka na," aniya rito saka tinutok ang paningin sa screen ng laptop niya. She's working overtime.
"Opo. Ikaw ba, ate, anong oras ka matutulog?" usisa sa kaniya ni Mimi. "Need mo ba ng kape? Malamig na 'yang tinimpla mo."
Tinangnan niya ang isang mug ng kape sa tabi ng laptop niya. Tama nga ito, malamig na iyon. "'Yaan mo na ako rito. Matulog ka na," pagtataboy niya sa kapatid.
Lumabi lang si Mimi at kumamot sa ulo. "Sigurado ka?"
"Oo. Huwag ka nang makulit d'yan kundi sa 'yo ko ipapatapos itong ginagawa ko."
"Ano ba 'yan?"
Naiiritang tinapunan niya ng tingin ang dalagita. Anong oras na nambubwisit pa ito.
"Grabe ka, ate. Concern lang naman ako."
"Concern mo 'yang mukha mo!" sansala niya rito. Bumuntong-hininga siya saka malumanay na nagsalita. "Uulitin ko, Mickaella— matulog ka na dahil hating-gabi na."
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...