"YOU'RE back." Sinalubong ng mahigpit na yakap ni Andy si Mitch na kadarating lang galing sa pinuntahan nito sa Manila. "Kumusta si Uncle Mike?" tanong niya sa matalik na kaibigan.
"He's doing well, Andy." Hinarap siya nito at nahinuanan niya kaagad na may gusto itong sabihin. "Halika sa kuwarto."
Hindi na siya nag-usisa pa at sumunod agad dito paakyat sa silid na inuukopa niya.
"May problema ba?" tanong niya rito nang maisara niya ang pinto.
"Patay na ang lola mo."
Natigilan siya sa narinig. Ilang segundo muna niyang tinitigan si Mitch bago bumuka ang bibig niya. "Kailan pa?"
"Recently lang. Ililibing din daw agad sabi ni Papa."
Tumango siya.
"Hindi ka ba luluwas?"
Umiling siya saka nagpaalam dito na may tatawagan muna saglit. She called her Uncle Henry, her grandparents' adopted son. Nanunungkulan ngayon ang uncle niya bilang governor.
"Hello, Uncle Henry. It's me," bungad niya sa tao na nasa kabilang linya.
"Andy," he acknowledged. "Have you heard about the news?"
"Yes," she replied. Tumingin siya sa kaniyang kamay. "I can't go there."
"As expected. Hanggang sa huli ay iiwasan mo pa rin kami."
"Uncle. . ."
"Look," her uncle cut her off. "I'm busy."
"Oh! Sige ho." Biglang sumikip ang dibdib niya pero pilit pa rin niyang tinatagan ang sarili. Pagkatapos niyang iabot ang kaniyang pakikiramay sa buong pamilya at tinapos na rin niya ang tawag.
Huminga siya nang malalim bago umakyat sa kuwarto. Wala na roon si Mitch kaya tahimik siyang nakapagluksa. Oo nga't marami siyang pangit na karanasan sa kamay ng mapagkontrol na mga magulang ng nanay niya ngunit mabigat pa rin sa loob ang malagasan ng isang kadugo at kapamilya.
KUMUNOT ang noo ni Andy nang mababaan niya si Mimi na umiiyak. Nagtataka namang nilapitan ito ni Nanay Angge at Mitch. Ang huli ang umusisa sa dalagita sa kung ano ba ang nangyari rito.
"Magsalita ka nga!" sigaw ni Mitch na ubos na ang pasensya sa kapatid dahil puro lang atungal wala naman sinasabi. "Anyari sa 'yo?"
"S-si. . .si Pita kasi, ate."
"Ano?" Hinampas ni Mitch ang balikat ni Mimi ng mas lumakas pa ang hagulhol ng nakababatang kapatid. "Sumagot ka bago pa kita isabad. Nakakairita ka na!"
Tumigil sa pag-iyak si Mimi. "Inaway niya ako."
"Ano?!" Kung isang takuri si Mitch siguro kanina pa umusok ang ilong at tainga nito sa galit. Wala itong sabi-sabing hinila palabas si Mimi dahilan upang mataranta si Nanay Angge.
"Mitch! Saan mo dadalhin ang kapatid mo?"
"Sa bahay nina Pelita! Matitikman niya ngayon ang batas ng isang api!" pasigaw na sagot ni Mitch.
"Naku!" Pumadyak si Nanay Angge saka nilapitan si Andy. "Andy, sundan mo iyong dalawa at baka kung ano pa ang gawin n'on ni Mitchell. Takaw-gulo pa naman ang babaeng 'yon."
Hindi na siya nagdalawang-isip pa, dali-dali niyang sinundan sina Mitch. Naabutan niya ang matalik na kaibigan kasama nito si Mimi na kinakalampag ang gate ng bahay nina Pelita.
"Mitch, itigil mo na 'yan. Nakakahiya!" Pilit niyang hinila palayo ang kaibigan kasabay ng pagbukas ng gate. Ang nanay nina Pelita na si Aling Nob ang bumungad sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...