NAKANGITING lumabas si Danica sa elevator nang bumukas iyon. Karga niya ang alagang shih tzu na pinasyal niya sa pinakamalapit na parke, ngayon ay pabalik na sila sa kaniyang condo unit. Pag-angat niya ng paningin mula sa alaga ay natigilan siya nang makitang may taong naghihintay sa labas ng unit niya.
"Mom?" Surprised was written on Danica's face upon recognizing her mother, Vickie. Binilisan niya ang kaniyang hakbang upang buksan ang pinto. "Kanina ka pa ba rito?" tanong niya habang nilalawakan ang pagkaawang ng pinto para makapasok silang pareho ng nanay niya.
"Not more than five minutes," anito habang iniikot ang paningin sa living room.
Sinigurado niyang walang kalat at maayos ang lahat ng mga gamit niya. Kalilipat pa lang ni Danica mula sa dating tinitirhan dahil 'di hamak na mas malapit ang bagong condominium sa kaniyang trabaho.
"What would you like to eat, mom?" bakas ang excitement sa kaniyang tinig habang naglalakad patungo sa kusina upang ipasok sa loob ng cage ang alagang aso.
"Kahit ano, Danyx."
Ngumiti siya. Sapantaha niya ay inililibang ng kaniyang ina ang sarili pamamagitan ng pag-upo sa napakalambot na couch at pagtingin sa mga magazine na nasa ibabaw ng coffee table. Nagtimpla siya ng mainit na tsaa at kumuha rin ng isang slice ng apple pie na siya mismo ang nag-bake.
"How's your restaurant?" tanong ni Vickie habang pinagmamasdan siyang ilagay ang mga dala sa coffee table upang ubusin nito.
"Doing great." Pinanood niya ang pagtikim nito sa apple pie. She felt delighted when her mother smiled a single bite.
Pinaglandas ni Danica ang paningin sa kabuuan ng ina. Sa gayak pa lang nito ay nahinuha niya na kung saan ito galing.
"You went there," makahulugan niyang sabi.
"Of course." She took another bite of her apple pie then sipped on the tea.
Anniversary ng pagkamatay ng taong tinuring nito bilang matalik na kaibigan. Her mother never missed a year in visiting her dead friend's tomb.
"Eh, si Andy ho?" usisa niya.
Vickie sighed. "She won't come," sagot nito. Kumuha ito ng table napkin at marahan iyong pinunas sa gilid ng labi nito.
"Obviously." It was a slip of her tongue. Mahina lang din ang boses niya nang sinabi iyon ngunit rinig na rinig pa rin ng nanay niya. Nagkasalubong ang kanilang mga mata, bigla ay sumeryoso ang anyo nito.
"Muntikan ko nang makalimutan ang sadya ko rito. Salamat at pinaalala mo," wika nito.
Bahagyang tumikwas ang kaniyang mga kilay. "Mom?"
"What were you trying to do, Danica?" she asked, which made her more confused.
"Ano hong ibig ninyong sabihin?"
"Don't even try to deny it." Mariin nitong pinagdikit ang mga labi pero agad din iyong binuka. "Are you still in love with Ion?" deretsa nitong tanong sa kaniya.
Pakiramdam niya ay nabiktima siya ng ambush kaya hindi niya nagawang umimik. Umiwas siya ng tingin sa ina dahil alam niyang pinag-aaralan nito ang kaniyang anyo. Matagal na panahon na rin mula noong huli siyang makaramdam na parang nasa ilalim siya ng microscope.
"Akala ko ay matagal ka nang naka-move on sa kanya, pero hindi pa pala. I talked with Andy kanina. Wala syang malinaw na sinabi pero obvious na hindi nya nagugustuhan ang ginagawa mong pakikipaglapit kay Ion," sabi nito.
"Why? Hindi na ba ako pwedeng makihalubilo sa kanya? Ion and I were friends—" she was quickly cut by her mother's hard voice.
"Oh, quit it, Danica! Alam nating pareho na hindi lang basta kaibigan ang tingin mo roon sa tao. Once nang nagkaroon ng kayo. Minsan na kayong nagmahalan pero malinaw at kitang-kita ko kung gaano ka pa rin nahuhumaling sa kanya." Mas lalong tumigas ang pagkakatitig nito sa kaniya. "Look at me," utos nito. "Look at me straight in the eyes, Danica."
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...