Chapter 50

39 3 2
                                    

ANDY turned to look at her friends who were drunk and mindless. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi bago lumapit kay Mitch na nakasubsob ang mukha sa mesa kung saan maraming nagkalat na bote ng alak na wala nang laman. Marahan niyang niyugyog ang balikat ng matalik na kaibigan saka marahas na bumuntong hininga nang hindi niya ito nagising. Nainis lang siya lalo nang yumakap dito si Kaloy na lasing din, pati si Pelita.

"Sis." Lumingon siya nang marinig niya ang tinig ni Danica mula sa kaniyang likuran. "Nandito na si Daddy. Mauna na kami," paalam nito.

Tumango siya. "Yeah."

"Andy. . ." Nagkatinginan sila nito sa mga mata, ito ang unang umiwas ng tingin. "See you again."

Muli siyang tumango bago ito sinamahan maglakad papunta sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Si Miguel ay tulog na sa backseat.

"Andy, anak," tawag sa kaniya ni Jonathan na bumaba ng sasakyan upang malapitan siya, hindi siya nakaiwas nang yakapin siya nito. "I miss you, honey."

"Yeah," she replied. Nakahinga siya nang maluwag nang pakawalan siya nito.

"Ion."

Natigilan siya nang marinig ang tinawag ng kaniyang ama na nasa likuran niya. Kung dati halos kumawala na sa rib cage niya ang puso niya sa sobrang bilis ng kabog, nang mga oras na iyon ay parang pinipiga ang iyon. Ion stood beside her and put his other hand on her waist, pulling her close to him.

"We're leaving," wika ng tatay niya habang nakamasid sa kanilang dalawa ng binata.

"Mag-iingat kayo," paalam naman ni Ion.

Her boyfriend glanced at half sister before stepping back with her when the car started to move. Nang mawala sa paningin nila ang kotseng sinasakyang ng mag-aama ay tumalikod si Andy upang bumalik sa loob ng bakuran ng bahay nina Shonak. Ala-una y media na nang madaling araw.

Malalim pa rin ang tulog ng mga kaibigan niya dahil sa sobrang kalasingan, mukhang hindi na rin niya maiistorbo si Mitch upang umuwi. Unti-unti na siyang nakararamdam ng pagkahapo kaya hinanap niya si Aling Martha at nagpaalam rito upang umuwi.

"Salamat, Andy. Mag-iingat kayo ni Ion sa daan, ha?" Niyakap niya ang ginang bago siya humakbang paalis.

Ion joined her.

Tahimik lang sila habang mabagal na naglalakad pauwi sa tinutuluyan niyang bahay, ang binata naman ay halatang kanina pa siyang nais kausapin subalit hindi makahanap ng tiyempo. Andy was so silent kaya kinabahan na si Ion. Hindi naman sila ganoon dati. Yes, there were silent moments but not as cold as this.

Hinuli ng binata ang mailap na kamay ni Andy at ginagap iyon.

"Love," he whispered.

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa marating nila ang hanggang baywang na gate ng bahay nina Mitch. Nanatili sila roon habang pinakikiramdaman ang isa't isa.

"May problem ba, Andy? Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo," wika ni Ion habang pinagmamasdan siya sa mukha. "Ganiyan ka rin nitong mga nakaraang araw. Tell me, love, may problema ba?"

Hindi siya umimik. Magsisinungaling lang siya kung sasabihin niyang 'wala'.

"Andy. . ." May nabanaag siyang pagkabahala sa mukha ng nobyo habang nakatingin sa kaniya. May bakas na rin iyon ng pagsusumamo na magsalita siya at kausapin ito.

Andy took a deep, long breath before snatching her hand back from his grip. Ion looked at her, worried.

"Stop looking at me like that, Ion," she said.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon