LUMINGA si Andy sa open basketball court na pinuntahan nila ni Mitch. Hinanap niya sina Shonak na kanina pa sa kanila naghihintay. May paliga raw ngayon ang barangay at kasali sina Ion sa mga maglalaro. Nagsimula na rin ang laro ilang minuto pagkatapos nilang tumabi sa tatlo.
Kasama din si Mimi at Pita na kinawayan pa siya.
"Go, Fafa Ion!" sigaw ni Shonak, may hawak itong pompoms na iwinawasiwas sa ere. Todo cheer din sina Mitch at may pa-chant pang nalalaman. Lamang ng dalawang puntos ang team nina Kaloy.
Pagkaraan ng ilang sandali, sumasabay na rin sa init ng panahon ang mga manlalaro pati mga nanonood.
Cool lang sana sina Mitch kung hindi lang may sumulpot na ibang grupo sa unahan nila na mga babae't kabaklaan na ang iikli ng suot na shorts. Ang iba nama'y naka-crop top pa. Tadtad din ng kolorete ang mukha ng mga ito.
Kagaya ng grupo nila, todo rin sa pag-cheer ang mga ito sa team ni Ion at Kaloy. Hindi nagtagal ay nagkaroon na ng girian sa pagitan ng dalawang grupo. Kinakabahang tumingin siya kay Mitch, naka-attack mode na ito. Pero mas nagulat siya nang magsalita si Shonak, napakalakas ng boses nito na parang maton.
"Hoy, ikaw na babae ka!" turo nito sa isang babae na may piercing sa ilong at labi. "Akala mo kung sino ka! Eh, para ka namang isdang tinalupan!"
"Hoy, t'yanak! Nahiya naman ako sa inyo." Hinawi nito ang buhok saka ngumisi. Sumilay ang hindi pantay nitong mga ngipin na medyo naninilaw pa. "Nakakahiya naman d'yan sa mga kasama mo na mukhang langong intyek, kawayan at mangkukulam!" Isa-isa nitong tinuro sina Ching, Pelita, lumampas ang daliri sa kaniya, at kay Mitch huminto.
"Hoy, hoy, hoy!" May kalakasang tinabig ni Ching ang kamay nito na nakaturo sa kanila. Muntikan pa itong mawalan ng balanse mabuti na lang nahawakan ng katabi. Kaya naman pala dahil nakasuot ito ng high heels. "FYI, hindi po ako intyek. May lahing Koryano ang tatay ko kaya napaka-ganda kong singkit!"
"Kawayan ba 'kamo?" sabad naman ni Pelita. "Ulol! Mas malaki pa ang pakinabang ko sa inyo. Mga walang magawa!"
"Mga bruha sa banga!" sigaw naman ng bakla na nakasuot ng pink crop top. Kita ang rib cage nito dahil sa sobrang kapayatan.
Tuluyan nang napuno si Mitch at akma na sanang susugurin ang mga kaaway, mabuti na lang ay napigilan niya ito sa braso.
"Hoy, mga isdang biningwitan!" Iniumang nito ang nakakuyom na kamao sa kaaway. "Magdahan-dahan kayo sa pinagsasabi n'yo! Baka gusto ninyong maihaw ora mismo ngayon sa ilalim ng nagbabagang araw," pagbabanta nito. Hindi naman natinag ang kabilang grupo.
Nagkapalitan na ng mga salita. Kahit sina Mimi at Pita ay nakikisali na rin sa away.
"Mga panget!" sigaw no'ng baklang naka-crop top. Umalingawngaw sa buong paligid ang napakalakas nitong boses kaya natahimik bigla ang mga tao at natigil ang mga naglalaro. Kahit sina Mitch ay hindi rin nakapagsalita.
Bakit kaya?
Mayamaya pa ay naramdaman na lang niya na may nagmamasahe sa kaniyang balikat, iyon ay si Pelita. Lumapit din sa kaniya si Mitch at binigyan siya ng makahulugang tingin. Mas lalo pa siyang nalito lalo na nang hawakan ni Shonak at Ching ang magkabila niyang braso. Parang balak pa ata siyang ibala ng mga ito sa kalaban.
"W-what now?" naguguluhang tanong niya.
"Andy. Sinabihan tayong mga pangit. Payag ka ba?" bulong sa kaniya ni Pelita.
"H-ha?"
"Sa ganda mong 'yan, sasabihan ka lang na panget?" sabi naman ni Ching.
"Wait." Pilit siyang kumawala sa mga ito. "Hindi naman ako kasali d'yan. Kayo lang naman ang nakikipag-away. So most probably, kayo lang din ang tinutukoy nila." Lumingon siya nang may marinig siyang malakas na pag-ismid.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...