Chapter 36

57 6 4
                                    

This can't be. . . Andy was astonished while looking at the man standing in front of her. Ang akala niya ay nakalimutan na niya ito sa tinagal-tagal ng panahon, ngunit hindi pala.

His deep set eyes, thick eyebrows, aristocratic nose, full lips, gray hair and stubbles, and the deep lines on his forehead because of rapid aging— they were carved inside her mind.

Muling nanariwa kay Andy ang sakit na dinulot nito sa pagkatao niya. The pain he had caused when she was younger, and her resentment. Umatras siya nang humakbang ito palapit sa kaniya. Tumingin siya sa babae na tiyak ang daan patungo sa kanilang direksyon, nakatingin din ito sa kaniya at ang mga mata nito'y makikitaan ng pag-aalangan. Para siyang sinikmuraan nang tumabi ito lalaking kaharap niya at kumapit sa siko.

"Dad, hinahanap ka ni Mommy."

Andy scoffed as she watched them together.

She's having a dejà vu now. Naalala niya noong nasa fourt year high school siya at malapit na noon ang graduation day nila, wala siyang guardian na makakasama sa kaniya kaya naglakas loob siyang puntahan ang residence ng tatay niya. Ni hindi niya man lang nalapitan ito noon dahil nakita niya kung gaano ito kasaya kasama ang panganay nitong anak na babae habang nasa lawn ang mga ito at nag-uusap. The affliction she felt back then was so tormenting. Baon niya noon sa pag-uwi ang galit at inggit sa pamilya nito. And now. . .

Gusto niyang tumawa habang pinagmamasdan ang panganay nitong anak. Ate niya si Danica. She bit her lower lip as she tried to fight the strong emotion that's beginning to arise inside her chest.

"Andy." Sinubukan siyang lapitan ng tatay niya pero mabilis siyang nakaiwas dito.

"H'wag mo akong lalapitan," mariin niyang ani rito. Tumaas-baba ang dibdib niya dahil sa namumuong galit. Pumihit siya para umiwas ng tingin sa mga ito. "Oh, I hate this!" she muttered.

Nilingon niya ang mga ito at para siyang naengkanto nang makita ang babaeng lumapit at humalik sa tatay niya. Si Danica naman ay puno ng pag-aalala habang nakamasid sa kaniya.

"Seriously?" Andy hissed in disbelief. Bumaling sa kaniya ang babae at buong pagkagulat na tumingin sa kaniya. "This is a huge surprise, yeah?"

"A-Andy. . ."

"What, Tita Vickie?" Puno ng pait na tinitigan niya ito.

Unti-unting uminit ang mga mga niya dahil sa pagkadismaya. Para siyang binugbog ng isang batalyon nang gabing iyon.

"You lied to me," nanunumbat na sabi niya rito. "Nag-enjoy ka ba sa panloloko mo sa akin?"

Nakita niyang nanubig ang mga mata nito at nanginginig ang mga kamay na pilit siyang hinawakan. Marahas na tinabig niya ang palad nito palayo sa kaniya. "Andy, it's not like what you think."

She huffed. "Then what?" Humakbang siya palayo rito ng dalawang beses. "You lying conniving bitch!" she blurted out.

"Andy, honey. Please calm down," malumanay nitong sabi.

Nag-unahan sa pag-alpas ang mga luha niya. She felt betrayed and cheated on. Para siyang sinaksak nang paulit-ulit habang inaalala ang mga kasinungalingan nito sa kaniya. She grimaced in incredulity, the revelation was making her head spin. Marahas niyang tinuyo ang pisngi niya gamit ang kaniyang palad at malamig ang mga mata na sinalubong ang paningin nito.

Naninikip ang kaniyang dibdib pero pilit niya pa ring pinatatag ang kaniyang loob.

"I trusted you. Pinagkatiwalaan kita at itinuring na kadugo. Paano mo nagawa ito sa akin? All this time ikaw pala ang dahilan kung bakit ganito kamesirable ang buhay ko!" she scowled. "How could you do this to me, T-tita Vickie?"

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon