NIYAKAP ni Mitch ang tatay niya nang mapagbuksan niya ito ng pinto ng tinutuluyan nitong apartment. Hapon na sila nakarating doon ni Kaloy pero wala ito roon dahil may pinuntahan. Inabot na sila ng gabi sa paghihintay rito.
"Kumusta po kayo, 'pa?" tanong niya sa ama matapos itong umupo sa pang-isahang sofa. Umupo rin siya sa kabilang panig nito katabi ang nobyo.
"Ayos naman ako rito, anak. Kayo ng nanay at kapatid mo?"
Ngumiti siya. "We're doing just fine." Hinawakan niya ang kamay ni Kaloy at nginitian ito. "Si Kaloy nga ho pala, Papa. Boyfriend ko."
Ngumiti ang tatay niya bago nakipagkamay sa kaniyang kasintahan. "Maari ko bang makausap ng sarilinan ang anak ko, Kaloy?"
Nagkatinginan si Mitch at Kaloy bago tumango ang binata. "Sige ho. Sa kusina lang ako at maghahanda ng hapunan natin."
Nang maiwan silang mag-ama sa salas ng apartment nito ay nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang tatay niya.
"Kumusta si Andy, Mitchell?" tanong nito na nakapakunot ng kaniyang noo.
"Mabuti po. Mas naging maayos na ang lagay niya mula noong dalhin ko siya sa bahay ni Mama," sagot niya.
Muli itong bumuntong-hininga at noon niya lang napansin na nanlalalim ang mga mata nito, nakasuot ito ng itim na t-shirt na tinernuhan ng kupas na maong na pantalon.
"Patay na si Doña Guada, Mitch. Lola ni Andy," kakakitaan ng lungkot ang anyo nito nang sabihin iyon.
Mabilis na tinikom ni Mitch ang umawang niyang bibig saka tumingin dito nang deretso. "Sasabihin ko po ba kay Andy?"
Naguguluhang napatitig siya sa ama nang umiling ito.
"Hindi na kailangan. Hindi naman pupunta ro'n ang kaibigan mo kahit ano pa ang mangyari," sagot nito. "Hindi na rin naman magtatagal ang burol ng lola niya. Libing na nito sa makalawa."
"Pero—"
"Just listen to me, Mitch." Mabigat ang loob nito at batid niya iyon habang nakatingin rito. "Matagal na akong naninilbihan sa pamilya nila. Nagbulag-bulagan pa ako noon sa mga pinagdaanan ng kaibigan mo dahil sa punyetang loyalty ko."
Tumigil ito at siya naman ay walang masabi. Namayani sa kanila ang isang mahabang katahimikan. Ang tatay niya na mismo ang bumasag niyon.
"Sigurado ako na hindi gugustuhin ni Andy na bumalik sa bahay ng mga magulang ng nanay niya. Bilang na rin ang buhay ng lolo niya. Kanina. . ." Humugot ito ng malalim na hininga. "Kanina dumating ang tatay ni Andy kasama ang pamilya nito. Naaawa ako sa bata. Marami siyang hindi alam."
"Ano po ba ang ibig ninyong sabihin?" Nalilito na siya. Hindi niya alam kung saan patungo ang usapan nilang mag-ama.
"May nabanggit ba sa 'yo si Andy tungkol sa matalik na kaibigan ng nanay niya?"
Tumango siya. "Si Doctor Vickie."
"Kilala mo ba sa personal ang psychiatrist na 'yon?" usisa ng tatay niya.
Muli siyang tumango. "Siya ang kasama ko noon nang maabutan ko si Andy na walang malay sa loob ng condo unit."
Her father sighed. "I see. . ."
"Ano po bang mayroon sa babaeng 'yon, 'pa?"
Tiningnan siya nito at paunti-unti ay nagsimula na itong magkuwento. Nakaramdam siya ng panlulumo sa mga nalaman. Andy is too naive and innocent, and as her best friend, it breaks her heart. Habang nakikinig ay nahiling niya na sana ay katabi niya si Kaloy ng mga sandaling iyon.
"Handa na po ang hapag."
Sabay na napabaling ng tingin si Mitch at tatay niya kay Kaloy na galing sa kusina. Nagkatingin sila ng tatay niya saka ito tumikhim at tumayo. Nilapitan nito si Kaloy ay tinapik ang balikat ng nobyo niya.
"Masarap ba ang luto mo, hijo?"
"Syempre naman po! Nagmana ako sa nanay ko pagdating sa kusina." Nagkatawanan ang mga ito. Si Mitch naman ay nakangiti lang habang nakamasid sa dalawa.
Naalala niya si Andy at parang may tumusok sa puso niya sa bagong inpormasyon na nalaman tungkol dito.
"ANO BANG gagawin mo dito, babe?" tanong ni Kaloy kay Mitch nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng clinic ni Dr. Vickie Santiago.
Tininggal ni Mitch ang suot niyang seat belt saka dumukwang para halikan sa labi ang nobyo. "Ayaw mo ba talagang sumama sa loob?"
"Hindi na. Mabilis ka lang naman sabi mo, di ba?"
Ngumiti siya at tumango. Umibis siya sa kotse. Habang naglalakad papunta sa entrance ng clinic ay hindi nakalusot sa paningin niya ang pamilyar na black sedan. Huminga siya nang malalim saka mabilis na humakbang patungo sa opisina ng doktor na sadya niya.
She didn't mind about getting an appointment. Sigurado rin naman siya na wala pa itong pasyente dahil masyado pang maaga.
"Good morning," bati ni Mitch sa babae na nakaupo sa likod ng mahagony table. Umangat ito ng tingin at halatang hindi nito inasahan na siya ang makikita.
"Mitchell," Doctor Vickie acknowledged. She motioned for her to sit on the visitor's chair. "Ano ang maipaglilingkod ko sa 'yo?" tanong nito nang makaupo siya sa tapat nito.
"I know you." Tumingin siya sa picture frame na nasa ibabaw ng desk nito. "Nice picture you have there."
Tumingin din ito sa larawan saka tumikhim. "May kailangan ka ba? Tungkol ba kay Andy?"
"Stay away from her," their eyes met after she said the phrase.
Saglit itong natigilan at agad ding nakabawi. "Bakit?"
"As her best friend, I want to protect her."
"I mean no harm to her, Mitch."
Umismid siya. "Sinungaling." Hindi ito bumawi ng tingin sa kaniya at ganoon din siya rito. "Just stay away from her. Alam ko na pinupuntahan mo siya sa bahay. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang motibo mo sa kanya. . . Please, ayaw ko nang maulit ang nangyari sa kanya."
"As I have said, I mean no harm to her. Para ko na siyang anak kaya hindi ko magagawa ang gusto mong mangyari," tugon nito.
"At bakit?"
Tumiim ang anyo nito. "Best friend ko ang nanay niya."
She scoffed. "Really, huh?"
"What's your point, Mitch?" Vickie's eyebrows furrowed.
"You're a liar," she said.
Kumunot ang noo nito. Mayamaya pa ang lumambot ang ekspresyon ng mukha. "Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?"
"Bakit kailangan mong magsinungaling kay Andy? You mean a lot to her, pero bakit ka nagsisinungaling sa kanya?"
Nagkatitigan silang dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito bumuntong hininga at umandig sa inuupuan nitong high back swivel chair. "Matalik na kaibigan ko ang mommy niya."
"I heard that you had a relationship—" muli siyang tumingin sa picture frame at umismid, "—then it happened."
Inabot ni Vickie ang frame at pinataob iyon. "Alam mo, Mitch." Sinalubong nito ang mga mata niya. "We're just the same. Gan'yan din ako— kami noon."
"We're not the same. Literally, we're different. Hindi ako katulad mo. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lang si Andy."
"Ganoon din ako. I would do anything for her, Mitch."
"Talaga ba? Then, leave her alone."
"I can't," matatag nitong sagot.
Mariin niyang pinagdikit ang kaniyang mga labi . "Okay. Aalis na ako."
"Mitch," tawag sa kaniya ni Doctor Vickie nang akma na niyang pipihitin ang siradora ng pinto. "Thank you for being a good friend to Andy."
"Yeah, right," sagot niya at tuluyan na itong iniwan.
Meanwhile, Vickie just stared at the close door for a moment. Pinikit nito ang mga mata saka huminga nang malalim pagkatapos ay binalik sa dating ayos ang pinataob na picture frame. Malungkot nitong nginitian ang nasa larawan at hinaplos iyon.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...