"ATE ANDY! May nagpadala po sa 'yo ng bulaklak."
Nilingon niya si Mimi na may dalang isang pumpon ng kulay rosas na mga bulaklak. Tinanggap niya iyon at binasa ang nakasulat sa card. She smiled. It was from Ion. Tiningnan niya si Mimi na nakataasa ng kilay at bahagyang nakaawang ang bibig. Nakatingkayad din ito sa harap niya para mabasa rin ang note. Mabilis niya iyong tinago sa kaniyang likuran.
"Ayy, ang damot naman. Kanino po galing?" nakatawa nitong tanong.
"Basta," sagot niya saka ito tinalikuran para umakyat sa kuwarto.
Tumawa si Mimi at kinalabit pa siya sa tagiliran. "Si Kuya Ion po ang nagbigay n'yan. Siya pa nga ang nag-abot sa akin para ibigay sa 'yo."
"So? Bakit ka pa nagtanong kung kanino galing?" tanong niya rito.
"Wala lang." Kumibit-balikat ito. "Trip ko lang. He-He." Tumakbo na ito palabas ng bahay. Natanawan niya pa si Pita na naghihintay dito. Nagbulungan ang dalawa at naghagikgikan bago tuluyang umalis.
Umakyat siya sa kuwarto niya at doon pinakawalan ang kanina niya pang pinipigila na ngiti. She felt something inside her stomach. The butterflies were indeed real. Inamoy niya ang hawak na bulaklak at mas lalo pang ngumiti. It was sweet and beautiful.
Lumapit siya sa bedside table at doon nilagay ang mga bulaklak. Mamaya na siya kukuha ng vase para roon. Umupo siya sa gilid ng kama at binasa muli ang nakasulat sa note card.
"To the most beautiful woman I've ever seen. PS: I love the color of your eyes."
Kinagabihan ay nag-aya sina Shonak na gumala sa plaza. Kaagad naman siyang pumayag at sumama sa mga ito.
Binalingan niya ng tingin si Ching nang sikuhin siya nito sa tagiliran, muntikan niya pang mabitiwan ang hawak niyang ice cream cone. She looked at the back of her hand then saw the dripping ice cream. She licked it.
"Totoo ba, Andy?" tanong sa kaniya ni Ching. "Totoo bang nililigawan ka ni Ion?" dugtong nito.
"Sino'ng may sabi?" Tuluyan na niyang nabitiwan ang ice cream nang bigla siyang inakbayan sa balikat ni Shonak. Nakakagulat ang bigat ng braso nito.
"Chinika sa amin kanina nina Mimi," sagot ng bakla sa tanong niya. "Bakit hindi mo sinabi? Ilang araw na ba syang nanliligaw sa 'yo?"
Kumawala siya sa braso nito dahil nabibigatan talaga siya. "After ng panghaharana ni Kaloy kay Mitch. Kahapon," wika niya. Tumingin siya sa mamang sorbetero at bumili ulit ng ice cream.
"Ang daya naman! Bakit ang bilis napansin ni Fafa Ion ang beauty mo? Samantalang ako ang tagal ko ng nagpapapansin sa kanya, waley pa rin. Nasayang lang ang ganda kong pang-ilalim ng dagat," pagda-drama ni Shonak.
"Eh, kung lunurin kaya kita?" sikmat dito ni Ching. Inirapan lang ito ng bakla bilang tugon sa sinabi nito.
"Gusto n'yo ba ng cotton candy?" Nilingon nila si Ion na may dalang cotton candy. Tumingin ito sa kaniya at ngumiti, iyon din ang ginawa niya. Si Ching at Shonak ang kumuha ng dala nito at nilantakan.
"Kainis! Bakit ba ako sumama sa kanila?"
Sabay-sabay silang napatingin kay Pelita na hindi maipinta ang mukha. Tumabi ito sa kaniya at inagaw ang ice cream niya. Maang na pinanood niya ito habang kinakain ang dapat ay sa kaniya.
"Parang walang kasama si Mitch at Kaloy. Mga walang respeto talaga," pagsisinte nito.
"Ang bitter mo talaga, Pelita!" komento rito ni Shonak. "Kaya hindi ka nagkaka-jowa."
"Bata pa ako. At hindi ko kailangan ng sakit sa ulo," sagot nito sa bakla. Inubos nito ang kinakain kahit ang pinakadulo ng apa.
"Nasaan na ba sina Mitch?" tanong niya rito. Sinundan nila ng tingin ang nginuso nitong direksyon. Nadismaya siya sa nakita. Ngayon alam na niya kung bakit ang bitter ng isa nilang kaibigan. "I wish they wouldn't end up swallowing each other."
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...