Chapter 46

41 3 0
                                    

"ATE. . ."

Si Miguel ang nalingunan ni Andy. Mababanaag ang pag-aalala sa mukha nito nang matitigan siya.

"What?" she jerked her arm free from her half brother's grip. "Miguel?"

Pinaglapat nito ang mga labi saka lumunok. "Okay ka lang ba, ate?"

Sinalubong niya ang paningin ni Miguel bago marahang tumango.

"Dad's looking for you," anito habang hindi pa rin binabawi ang mga mata mula sa kaniya. Umiwas siya rito ng tingin at kiniling ang kaniyang ulo.

"Bakit daw?" tanong niya sa kapatid.

"Hindi ko po alam."

Andy nodded her head and pursed her lips. Huminga siya nang malalim saka pilit na ngumiti kay Miguel. "Where is he?"

"At his office." Napansin niya ang pagkuyom ng kamao nito. Guilt suddenly hit her. Huli na nang mapagtanto niya na na-offend ito sa ginawa niyang biglaang pagbawi ng braso mula rito. "He's waiting for you there."

"Yeah. See you. . ." Pinaglandas niya ang kaniyang palad sa braso nito. "I'm sorry."

"Ate Andy." She glances at the young man. "Listen to him, please."

Kahit hindi gaanong naunawaan ang sinabi ng nakababatang kapatid, tumango pa rin si Andy.

Ilang segundo rin siyang tumayo sa tapat ng nakasarang pinto ng opisina ng tatay niya nang dumating siya roon. Walang laman ang kaniyang utak ng mga sandaling iyon bukod sa narinig niyang usapan sa pagitan ni Leila at ng asawa nito. She was greatly offended and upset about what she had just heard. How could the old woman speak ill of her mother and put her in such a situation without even a pinch of any consideration.

Nanginginig ang kamay na inabot niya ang doorknob at pinihit iyon pabukas. Pumasok siya sa silid at hinanap ang kaniyang ama. She looked around the room and walked herself freely towards her father's desk. Pinadaan niya ang kaniyang daliri sa ibabaw ng mesa at napagtantong bagong linis iyon. Dumako ang paningin niya sa picture frames na nakahanay sa istante at nilapitan iyon.

Para siyang kinurot nang pinu sa may parteng dibdib nang makita ang masasayang larawan ng pamilya ng tatay niya. They had it all. Lahat ng ipinagkait sa kaniya ay nasa kanila na.

It's unfair.

Tumingala siya upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. Pumihit siya at naglakad patungo sa leather settee, and there she settled herself composedly. Inikot niya ang paningin sa buong opisina. It was dark and boring. It was a typical male office with the smell of paper and ink. But overall, she could feel nothing from being inside that room.

Bumaling siya ng tingin sa pinto nang bumukas iyon at niluwa si Jonathan. Her father had his eyeglasses on which added his charisma. She hid her grimace by showing no emotion on her face.

"Anak," tawag nito sa kaniya. Umiwas siya rito ng tingin. "Would you like any drink?" tanong nito nang maupo sa tapat niya.

She shook her head. "No. Just get straight to the point."

Tinitigan siya nito ng ilang segundo at hindi siya kumibo. Inalis nito ang salamin sa mga mata at kinusot iyon.

"Andy," simula nito, "don't you think it's time for you to settle with us?"

"Ano ho'ng ibig ninyong sabihin?" tanong niya rito.

"What I mean is, shouldn't you stay with us as a family?"

She scoffed. "You know that I will never do that."

Pagkatapos ng narinig niyang usapan sa may patio ng hardin ng bahay nito ay mas lalo lang nadagdagan ang kagustuhan niyang lumayo sa dalawang pamilya na hindi na yata pumalyang wasakin siya.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon