"MITCHELL." Kabababa pa lang ni Mitch galing sa kuwarto ni Andy nang marinig ang tinig ng kaniyang ina. "Sa'n ka pupunta?"
Kumamot siya sa likuran ng kaniyang ulo. "Sa bahay po nina Ching."
"Si Andy?" tanong nito.
"Tulog na ho."
Pinagdikit niya ang kaniyang mga labi nang maalala ang kalagayan kanina ni Andy. Nalaman na ng matalik niyang kaibigan ang tungkol sa pinakatago-tagong sekreto ng psychiatrist nito rito. Hindi niya naiwasan ang ma-guilty sa nangyari. Dapat ay kasama siya kagabi ni Andy. Dapat sinabi niya kaagad kung ano ang natuklasan niya noon sa tatay niya at sa minsanang pagpunta niya sa clinic ni Doctor Vickie Santiago.
"The damn wedding picture." She grimaced inside her mind.
"Alam kong may alam ka, Mitchell," pukaw sa kaniya ng ina. "At kilala kita. Kabisado ko ang likaw ng bituka mo, at alam ko na hindi mo ito palalampasin. Pero, anak, ngayon pa lang binabalaan na kita dahil batid ko na ayaw mo siyang mawala sa 'yo. 'Wag kang gagawa ng bagay na parehas ninyong pagsisisihan ng kaibigan mo," payo nito.
She bit her lower lip. "Wala pa ho akong ginagawa. At kung may gagawin man ako 'yon ay para sa ikakabuti ni Andy."
"Mag-isip ka muna. Sya!" Tiningnan siya nito. "Umalis ka na. Ako na ang bahala sa kaibigan mo sakaling magising."
Nilapitan niya ito at niyakap. "Salamat, Ma. Thank you for understanding."
Hinagod nito ang likuran niya bago siya pinalo. Napaigtad siya sa ginawa nito. "Aray, Mama! Palagi mo na lang akong pinapalo," nakalabing turan niya.
"Pinapalo kita kasi mahal kita!"
"Hmp! Reason. . . Aminin mo na lang na mas paborito ninyo ang bunso n'yong anak at hindi ako. Nahiya ka pa."
Kinurot siya nito ng pinu sa tagiliran bilang tugon. Umasim ang mukha niya sa sakit.
"So violent! Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit napaka-warfreak ko. Pinaglihi mo ako sa sarili mo." Tumatawang kumaripas siya ng takbo nang akma na naman sana siya nitong kukurutin.
Iiling-iling na lumabas siya ng bahay. Nang tuluyan na siyang makalayo sa kanila ay sumeryoso na ang anyo niya. Iyon ang bumungad sa mga kaibigan niya ng dumating siya sa bahay ng singkit nilang kaibigan.
*
SINARA ni Andy ang kaharap niyang laptop dahil sa narinig niyang katok sa nakasarang pinto ng kaniyang silid. Sandali niya munang tinitigan ang pintuan bago bumuntong-hininga.
"Come in!" aniya. The door opened.
"May naghahanap sa iyo, Andy. Nasa baba sila, hinihintay ka," sabi ni Nanay Angge.
Bumangon siya mula sa pagkakadapa sa kama at tumayo. "Sino po sila?" tanong niya sa ginang habang pumapanaog sa hagdan.
Hinagod nito ang likuran niya saka ngumiti nang marahan. "Tingnan mo na lang. Nasa kusina ako kung may kailangan ka."
Natigilan siya bago ito hinarap. Hinawakan nito ang kamay niya at banayad iyong pinisil pagkatapos ay ngumiti saka nauna sa pagbaba. She bit her lower lip as she descends. Tumungo siya sa sala kung saan naghihintay sa kaniya ang dalawang panauhin.
"Andy." Her father tried to get close to her but she darted him an emotionless look. Umupo siya sa pang-isahang sofa katapat ng mga ito.
"It's been a while," she said while looking at her father's wife. Pain crossed her eyes but Andy didn't mind. "Ano ang atin?" Umandig siya sa inuupuan at pinagkrus ang dalawang binti.
"I'm sorry, Andy," Vickie spoke.
"Bakit, Tita Vickie? Why did you lie to me?" tanong niya sa tinig na puno ng pait.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...