Chapter 54

22 1 0
                                    

DINALUHAN ng maraming kilalang personalidad ang lamay ni Lito Hernandez. The late politician made an impactful change to the people kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng mga tao sa naging kamatayan ng abuelo ng dalaga. Andy was silent all through out the course. Ni walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha niya na mas lalong nakapukaw sa atensyon ng ibang mga tao. She could even hear them gossip about her.

She never cried a single tear. Halos lahat ng nakakakita ay namamangha sa pagiging unbothered niya sa mga kaganapan, ang iba naman ay nagtataka.

"Ibang klase anak na iyan ni Maddie. Biruin mo, ni lapitan para silipin man lang ang lolo niya ay hindi man lang gawin."

"Sinabi mo pa!"

Isa lang ang mga iyon sa madalas niyang marinig.

She nonchalantly scoffed when she heard low whimpers. Tumingin siya sa nag-iipunang mga tao sa tabi ng kinahihimlayan ni Lito.

Andy pressed her lips together as she watches her Aunt Sara and the others pull their show.

Ganoon lang siya sa lumipas na araw ng burol ng kaniyang namayapang lolo— tahimik at ni hindi man lang malapitan ng kahit sino. Everyone won't even stop darting gazes at her direction, especially the elders.

"Miss Andy," someone called, "Señorita . . ."

She flinched when a hand tapped her shoulder. "Y-yes?"

Nalingunan niya ang isang hindi pamilyar na lalaki. "Hi."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata bago pasimpleng tumingin sa paligid. Abala ang mga tao sa kaniya-kaniyang gawain.

"You must not know me." The guy extended his other hand to her. "I'm Felix Lorenzo."

"Hello, then." She just ignored his hand then looked away.

Felix cleared his throat bago sinilid ang mga kamay sa bulsa ng suot nitong khaki slacks. "Just call me if you need something. I'll be somewhere near you."

Andy maintained her seat on the pew without uttering any word. Ilang beses na siyang nilapitan ng mga katulong upang sabihin na magpahinga ngunit hindi siya natinag. It has been a day already, at sa makalawa ay libing na ng lolo niya.

Mariing kinuyom ni Andy ang kaniyang kamao habang sinusundan ng tingin ang tiyahan niyang si Sara at ang anak nitong si Charito na nakikipaghalubilo sa mga dumalo. Puna niya rin ang madalas na pagtapon ng mga ito ng sulyap sa kaniyang direksyon kasunod ng mapang-uyam na ngisi. The audacity of those two!

Lumipas ang oras ay wala pa rin siyang pinagbago, samantalang mas tumahimik naman ang paligid lalo nang sumapit ang gabi. Nanatili sa kinauupuan niya sa pinakahuli at gilid bahagi ng magkakahilerang pew si Andy. Marami na rin ang lumapit sa kaniya upang sabihin ang pakikiramay ng mga ito na magalang naman niyang tinugon.

Ang totoo ay wala pa siyang maayos na tulog, at ang totoo ay gulong-gulo na ang utak niya dahil sa sunod-sunod na datingan ng kaniyang mga isipin. Mariin niyang pinikit ang kaniyang mata nang makaramdam ng pagkahilo. Nanatili siyang nakapikit hanggang sa maramdaman niya ang pag-iiba ng hangin sa paligid niya. Bahagya ring tumahimik ang mga tao.

Nang idilat ni Andy ang kaniyang mga mata ay may narinig siyang bulong-bulungan. Nagtatakang akma sana niyang lilingunin ang bungaran ng funeral home kung saan sila naglalagi para sa burol ng kaniyang abuelo nang makita niya sa gilid ng kaniyang mata ang paghinto ng isang bulto ng lalaki sa kaniyang tabi. Nanuot din sa kaniyang ilong ang isang pamilyar na amoy.

Natigilan siya nang matitigan niya si Ion na umupo sa kaniyang tabi. Her mouth gaped open and her eyes couldn't even hide her surprised reaction. Ilang segundo silang nagkatitigan bago siya nakabawi.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon