MULA sa sinusulat ni Andy ay inangat niya ang kaniyang paningin nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at niluwa si Mitch. Ngumiti siya sa matalik na kaibigan.
"Hi, Mitch!" Umandig siya sa headboard ng kama kasamay ng pagtabi sa kaniya ni Mitch.
"New story?" tanong nito habang nakatingin sa nakabukas na laptop.
Ngumiti siya. "In-email ko na kay Joy iyong gawa ko. At saka nag-usap kami ni Albert, pumayag siya na dito na muna tayo."
"Owws, talaga?" Umandig ito sa headboard. "Bakit ang lakas ng kapit mo sa kanya? Alam mo ba na kabadong-kabado iyon si Albert nang. . ." Kumibit-balikat ito. "Alam mo na." Ngumisi ito. "Lakas talaga siguro ng tama sa 'yo ng mokong na iyon."
Tumawa siya saka tinapik-tapik ang kamay nito na nakapatong sa hita niya. "Konti lang ang nakakaalam nito, Mitch."
Nagtatakang tinitigan siya nito habang naghihintay sa sasabihin niya.
"I own the publishing company," aniya.
Her best friend's mouth gaped at her. "No way!" hindi makapaniwalang turan nito.
Tumango siya. "Yes, Mitch."
"Hindi. . .! Paanong nangyari?"
Muli siyang tumawa. "It just happened." Pinagsalikop niya ang kaniyang kamay. "Simula bata ay nagsusulat na ako at alam mo yon, 'di ba?"
Tumango ito.
"When I turned eighteen nalaman ko na nag-iwan pala sa akin ng malaking pera si Mommy. I don't know what to do with it at saktong nakilala ko si Albert. He's nice and we became friends. Nalaman ko na mahusay siyang mamahala ng business kaya naisipan kong magtayo kami ng publishing company. And the rest is history."
Nawalan ng kulay ang mukha ni Mitch at nanlaki ang mga mata na tinitigan siya. "No way! Kaya pala ang lakas-lakas ng loob mo na hindi magpasa sa deadline at tumitiklop sa iyo kaagad si Albert kapag may hinihingi ka," bulalas nito.
"Now you know," sabi niya.
"Pero bakit ninyo nililihim?" usisa nito.
"Ayoko lang malaman ng grandparents ko. You know," she shrugged her shoulders before proceeding, "they can do anything just to stop me from reaching what's on the sky."
"And you did!" nakangiti nitong tugon sa kaniya.
"I don't want to go back there, Mitch," aniya sa mababang tinig. "Ayoko nang bumalik sa dating ako."
Mitch put a comforting smile on her lips. "You won't be. I like this new version of you, Andy. Hindi ka na aloof, though blunt ka pa rin." Tumawa ito pagkatapos ay agad ding lumambot ang anyo. Mitch cupped her face and looked at her earnestly. "This is you inside the oyster's shell. And I would do everything just to protect this precious pearl."
Ngumiti siya bago dumukwang para yakapin ito. She's grateful to have a friend like Mitchell Guzman.
"Okay lang ba kung dito ako matulog ngayon? Nagkagalit kasi kami ni Mimi kanina." Tiningala siya nito at ngumisi ng nakakaloko. "Promise. Behave lang ako, honey."
Pinitik niya ang noo nito. "Sigurado ka? Ibabalibag na talaga kita, Mitch, kapag naghubad ka pa," babala niya rito.
Tinaas nito ang dalawang kamay. "I promise, Andy. Behave lang talaga ako."
Ngumiti siya saka nilagay sa bedside table ang laptop at dumausdos pahiga. Ganoon din ang ginawa ni Mitch. Tamang-tama lang dahil inaantok na rin siya.
Tinapik niya ang braso ni Mitch na yumapos sa baywang niya ngunit hindi ito natinag. Malakas siyang napabumuntong hininga at hinayaan na lang itong yakapin siya.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...