ABOT TAINGA ang ngiti ni Andy nang masalo niya ang hinagis na mangga ni Ion. Nasa itaas ito ng punong-mangga at namimitas ng bunga. Hindi pa man niya nailalagay sa basket ang prutas ay naghagis ulit ito, hindi niya iyon nasalo at gulat na tumingin siya sa nawasak na mangga sa lupa. Sobrang hinog na iyon kaya parang itlog na nabasag. Sayang.
Tinapunan niya ng masamang tingin si Ion na nagpipigil ng tawa. Nagtagis ang bagang niya nang mapagtanto na sinadya nito iyon.
"Salbahe ka talaga!" sigaw niya rito na tawa lang ang tinugon habang bumababa sa puno. "Mukha kang unggoy," pang-aasar niya rito.
"Ang suwerte mo naman! Boyfriend mo ang pinakaguwapong unggoy sa balat ng lupa," banat nito.
She rolled her eyes heavenward. "Ang hangin dito."
"Ingat baka tangayin ka. Mahirap nang mapalayo sa akin." She sucked for breath but made a mistake. Bigla siyang nabulunan kaya siya napaubo ng wala sa oras. "'Guess someone needs my CPR. Mouth-to-mouth?" Pilyo itong ngumisi sa kaniya.
"Hindi ko alam na may tinatago ka palang kahalayan sa katawan. Can't get enough of me kaya nangmo-modos operandi ka?"
"Your lips are addictive," nakangisi nitong sagot.
"Ewan ko sa 'yo!" Tumawa ito siya, inayos naman niya ang basket na pinaglagyan ng mga mangga. Gagawing jam ang mga iyon ni Nanay Angge. Nagulat siya nang bigla siyang hinapit ni Ion sa baywang at niyakap mula sa likuran. Dinampian din nito ng halik ang balikat niya.
"You smell so good," sabi nito habang sinasamyo ang buhok niya. "Ano ba ang shampoo mo?"
"Shampoo."
"I mean, what brand?"
"Bakit interesado ka?" Pumihit siya paharap dito saka ito pinaningkitan ng mga mata. "Ikaw, ha!"
Inipit nito ang ilong niya at mabilis siyang hinalikan sa labi. "May masama ba sa tanong ko? Gusto ko lang malaman ang brand ng shampoo mo."
"Shonak asked me the same thing before." Tiningnan niya ito ng makahulugan. "Ion. . ."
"So what?"
Tumawa siya nang mabanaag ang kalituhan sa mukha nito. "Wala! Binibiro lang kita," sinabi niya rito ang brand ng gamit niyang shampoo.
Tumango ito bago inagaw mula sa kaniya ang hawak na basket ng mga mangga. Ang isang braso nito ay inakbay sa balikat niya. "Tara!"
"Ang suwerte ni Shonak. Tanggap ng mga magulang niya ang kasarian niya," aniya habang naglalakad na sila paalis sa bakuran ng bahay nila Mitch kung saan sila namitas ng mangga sa nag-iisang puno roon ng prutas. Tiningnan niya si Ion.
Ngumiti ito. "Nag-iisa lang kasi siyang anak ng mga magulang niya. Matagal bago sila biniyayaan ng supling kaya ganoon sila kay Shawn, over protective. At saka pangarap talaga ni Aling Martha na magkaroon ng babaeng anak, ang asawa naman niya ay lalaki. Kaso ayon nga. . . hindi na puwedeng magbuntis muli ang nanay ni Shawn. Ang kasarian niya ay parang biyaya na rin sa mga magulang niya. Two-in-one kumbaga. Girl and boy in one person," paliwanang ng binata.
"Close talaga kayo, 'no?" Ngumiti siya nang maalala ang naging reaksyon nito at ni Kaloy nang ikuwento nila Pelita ang nangyari sa blind date ng mga ito. Nagpupuyos sa galit si Kaloy at may balak pa atang manakit kung hindi lang napigilan ni Mitch. "Magkakapatid talaga ang turingan ninyo sa isa't isa. You're the best!"
"Kapatid din naman ang turing nila sa 'yo. Bukod sa akin dahil akin ka." Ngumisi ito nang nakakaloko saka siya ninakawan ng halik sa gilid ng kaniyang labi.
Siniko niya ito sa tagiliran. "Shut up! I only belong to myself not yours."
"Ang daya mo naman! Iyong-iyo ang lahat sa akin, my heart, my body, my soul, even my tiniest skeleton tapos malalaman ko na lang na I don't own anything from you. So unfair!" may himig hinampo na sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...