Chapter 16

104 34 6
                                    

KINAGAT ni Andy ang kaniyang ibabang labi habang ang mga kasama naman niya ay hindi maipinta ang mukha dahil sa kaseryosohan. She gritted her teeth. Talo na naman!

"Hala! Nandaya na naman si Conchita."

Tumingin siya kay Shonak na halos mabalik na ang nguso, samantalang si Ching ay hindi mapuknat ang ngisi. Nilapitan nito ang bakla saka pinitik ang tainga na nangangamatis na dahil sa sunod-sunod na pagkatalo sa laro nilang tong-its.

Binitawan niya ang hawak na mga baraha at pumuwesto nang lapitan naman siya ni Ching. Napangiwi siya. Ang sakit talaga makapitik ng daliri nito.

"Hoy, bakla!" tawag ni Pelita kay Shonak na seryoso sa pagbabalasa ng baraha nila. "Bakit hindi ka na pinapabantay sa tindahan ninyo? Hindi tuloy ako makautang. Ang damot pa naman ng nanay mo."

Hindi ito pinansin ni Shonak kaya si Ching na lang ang sumagot. "Eh, kasi. . . Sa tuwing may bumibili sa kanila ng softdrinks at pinapasalin sa plastik, nagtitira ng wanport sa bote para kanya na. Ma-modos din si Bakla!"

"At eto naman ang nasagap ko," sabad naman ni Mitch na sumalampak pa sa sahig kasama nila. "Sa tuwing may mga poging lalaki na bumubili o 'di kaya'y tumatambay lang sa tindahan nila, instant sugar mommy! Libre lahat. Sino ba naman ang hindi malulugi n'yan?"

Inis na kumamot sa ulo si Shonak. "Hoy, kayong mga panget! Tumahimik na lang kayo." Binalingan siya nito ng tingin. "Speaking of nasagap. . ." Tinaasan siya nito ng kilay. "May kumakalat ngayon na tsismis na abot hanggang kabilang barangay. . ."

Kumunot ang noo niya. Bakit ganoon ito makatingin sa kaniya?

Pinakatitigan siya nito kaya nailang siya. Umiwas siya ng tingin sa bakla ngunit nakasalubong naman niya ang mga mata ni Mitch na nang-uusisa.

"Andy!" Kinalabit siya ni Shonak at pinanghalukipkipan. "May namamagitan ba sa inyo ng Ion ko?" pang-iintriga nito sa kaniya.

Napalunok siya. "Wala!" sagot niya rito.

Si Pelita ang nagsalita. "Marami raw ang nakakita sa inyo ni Ion na naglalampungan sa ilalim ng araw habang nagbabasaan gamit ang tubig sa garden hose."

Umawang ang bibig niya sa narinig. Over naman ata iyon!

"Totoo ba, Andy?" tanong sa kaniya ni Mitch.

Alanganin siyang tumango. "Iyong part na naglalampungan kami, exaggeration lang 'yon. Nagkatuwaan lang kami ni Ion habang naglilinis sya ng pickup nya. Magkaibigan lang kami."

"So, iyong mga araw na palagi kang nasa bahay ni Ion ay dahil tinutulungan mo lang syang maglinis?"

"Oo," tugon niya kay Mitch.

"Bakit hindi mo sinabi? Sana nakatulong din kami. Ang damot mo naman sa company ni Fafa Ion," may hinampong sabi ni Shonak.

"Kasi—"

"Nililigawan ka ba ni Ion?"

Natigilan siya sa tanong na iyon ni Ching. Uminit din ang magkabila niyang pisngi. "E-ewan! " Sumusukong umandig siya sa hamba ng sofa.

"Andy Hernandez is blushing. That's new," ani Mitch. Sumimsim ito sa tasa ng mainit na kape habang hindi pa rin binabawi ang paningin mula sa kaniya.

Kahapon niya pa na hindi nakikita si Ion. Mula noong ipagtapat nito na gusto ito sa kaniya ay hindi na niya ito nahagilap pa. Hindi rin siya nakatulog nang maayos dahil doon. Sa pakiwari niya ay hindi naman ito seryoso sa sinabi dahil biglaan at padalos-dalos. She stopped. Padalos-dalos nga ba?

He's been sending her clues. Una ay iyong mga pag-iwas nito sa tingin niya at pagnanakaw nito ng tingin kinalaunan. Thoughtful din ito at palaging nererespeto ang pananahimik niya. And the painting. God. Yes, the painting.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon