Chapter 44

42 4 0
                                    

MANAKA-NAKANG sinusulyapan ng tingin ni Andy si Ion na abala sa ginagawa nitong pagpipinta. Sinara niya ang binabasang libro at pinatong sa ibabaw niyon ang dalawa niyang siko saka nangalumbaba. She kept on watching him stroking his paintbrush on the colorful canvas.

"I can't concentrate knowing that you're staring at me," he said while doing his thing.

"Why? Hindi na ba kita puwedeng tignan? I love looking at you, though."

Tumingin sa kaniya ang nobyo at ngumiti. "Pakiabot nga n'on." Tinuro nito ang isang lata ng pintura. Tinitigan niya lang ito dahilan upang magpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga. "Please, love. . ."

She smiled. Tumayo siya saka nagsimulang humakbang patungo sa kinalalagyan ng pintura at dinala iyon dito.

"Here." Umupo siya sa katabi nitong stool at pinanood ang susunod nitong gagawin.

"I would like you to have your own art gallery and exhibiton. You have a great talent, Ion."

"Yeah?"

"Hm-mm." Ngumiti siya. "Kapag nakilala ka na, I will be your number one fan and believer."

Huminto ito sa ginagawa para harapin siya. Ginagap nito ang isa niyang kamay at hinagkan iyon. "Salamat."

Muli itong naging abala sa ginagawa kaya pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa bawat art pieces na nasa loob ng attic ng bahay nito. Nakuha ng isang sketch pad at charcoal pencil ang atensyon niya kaya kinuha niya iyon at tinanggal ang alikabok na bumalot doon. She looked for a place to do her own work and settled herself beside the small and closed window.

Kahit paano ay may alam naman siya pagdating sa pagguhit. Idagdag pa na napilitan siya noong mag-enroll sa isang art class.

Lumipas ang ilang oras na naging abala sila pareho ni Ion sa kaniya-kaniyang ginagawa. Ni hindi nga nila namalayan ang oras, ngunit siya ang mas nalulong sa ginagawa.

"Wow." Ion sat beside her. Nang matapos siya ay hinayaan niya itong kunin ang sketch pad upang mas matitigan iyon. Nakailang pahina rin siya. "Ikaw ang may gawa nitong lahat?" namamangha nitong tanong sa kaniya.

"May katabi ba ako kanina habang ginagawa ko 'yan?" nakangisi niyang tugon dito.

"Nah." He kissed her on the temple. "Kuhang-kuha mo sila."

"Pero need pa ng practice. Matagal na rin mula noong huli akong gumuhit." Pinaikot niya ang hawak na lapis sa kaniyang mga dalari at ngumisi. "Amazed by me, aren't you?"

"Ang humble mo!" Inipit nito ang ilong niya at pinanggigilan. Tinabig naman niya palayo ang kamay nito mula sa kaniya at tumayo.

"Gutom na ako, Ion."

"Ah, okay. Hintayin mo ako rito. I'll go get us something to eat," paalam nito.

Tumango siya at pinanood ang paglisan nito. Kinuha niya ang sketch pad at inisa-isang buklatin ang bawat pahina niyon. Una ay may ngiti pa na naglalaro sa kaniyang mga labi ngunit habang tumatagal ay unti-unti iyong nabura lalo na nang makita niya ang mga gawa ng kasintahan niya.

Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maramdaman habang tinitingnan ang mukha ng half-sister niya na nakaguhit sa ilang pahina ng sketch pad. Huling-huli rin ng may gawa ang bawat emosyon ng dalaga. She bit her lower lip before putting down the paper. Pinuno niya ng hangin ang kaniyang mga baga saka nagpasyang bumaba para hanapin si Ion. Kanina pa ito sa kusina at hindi pa rin bumabalik.

Habang bumababa sa hagdan ay natanawan niya ang nakatalikod na bulto ni Ion sa may pintuan. Base sa bawat galaw ng katawan nito ay mayroon itong kausap. Magsasalita sana siya upang tawagin ang nobyo ngunit siya namang paggalaw ulit nito patagilid dahilan upang makita at makilalanan niya ang kausap nito.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon