NANG araw na iyon ay maagang sinundo ni Ion si Andy. Habang nasa biyahe sila ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Parang gusto niyang magback-out pero ayaw naman niyang mabigo ang nobyo na kasalukuyang masaya habang nagmamaneho ng sinasakyan nila papunta sa tahanan ng pamilya nito.
"Okay ka lang ba?" Bahagyang binagalan ni Ion ang takbo ng pickup truck nito at ginagap ang isa niyang kamay. "Ang lamig ng kamay mo, love. Kinakabahan ka ba?"
"Medyo. This is my first time meeting your parents."
"Don't worry. Hindi sila nangangagat." Dinala nito ang kamay niya sa mga labi nito at kinintilan iyon ng isang masuyong halik. Somehow, the warm gesture made her feel at ease.
"I wish I could also introduce you to my family," she said while looking at her man.
"Pero kilala na nila ako." Nilingon siya nito at banayad na ngumiti. "Mitch and friends were your family, including me."
Ginantihan niya ito ng ngiti. He's right, they are her family. A genuine family.
She turned on the car stereo to listen to some music. Parang pumalakpak ang tainga niya nang pumailanglang ang paborito niyang kanta ng bandang Backstreet Boys na "As Long As You Love Me". Mas nilakasan niya pa ang volume para mas feel ang music. Tiningnan niya si Ion na nagsisimula nang tapik-tapikin ang mga daliri na nasa steering wheel. Nagh-headbang na rin ito tulad niya.
Mariing tinikom ni Andy ang kaniyang bibig nang magsimulang sumabay sa kanta si Ion. She tried to suppress the laughter that's building inside her throat when she heard his singing voice. Guwapo ang boyfriend niya pero sintonado. Humagalpak siya ng tawa nang pilit nitong inabot ang high notes ng vocal boyband group na nasa likod ng awitin na ini-enjoy nila, mababasag pa ata ang ear drums niya ng wala sa oras. Siguro ay may naipit lang sa larynx ni Ion kaya paimpit na lang lahat ng salita na nabibigkas nito.
"Stop, Ion!" Tinampal niya ang bibig nito para awatin. Namumula na rin ang buo niyang mukha pati tainga sa kakatawa.
"Bakit? Maganda naman boses ko, ah." Nagpatuloy ito sa pagkanta at hindi siya pinansin.
Hindi na pinigilan pa ni Andy ang tone deaf niyang kasintahan at kinuha na lang niya ang video camera na nasa dashboard at tinutok iyon kay Ion. Tumigil na ito sa pag-awit dahil tapos na ang kanta. Thankfully.
"Bakit ang pangit ng boses mo?" pang-i-interview niya rito. "Kailan ka pa natutong mag-falsetto?"
He cleared his throat before looking at the camera and her. "Well, my love. Ang totoo ay child prodigy ako," pagmamayabang pa nito.
"Okay. Child prodigy ka because at the very young age ay kabisado mo na ang pagiging sintonado. Wow, magaling!" She clapped her hands in a very sarcastic way.
"Tama na nga 'yan!" Iniharang nito ang isang kamay sa lens ng video camera na nakatutok sa mukha nito. Kaagad din nitong binalik ang kamay sa manibela. "Kiss mo na lang ako. Here." Ngumuso ito sa kaniya.
"Ayoko ko nga! Masyado ka nang nawiwili sa halik ko."
"Hep! Sa atin pong dalawa ikaw ang mas adik sa kiss ko. Kaya ito na. I'm letting you kiss my lips now at baka hinahanap-hanap mo na." Inilapit nito ang mukha sa kaniya at mas lalo pang ngumuso. Tinampal niya ang bibig ni Ion para bumalik ang atensyon nito sa pagd-drive at sa dinaraanan nila.
In-off niya ang video camera saka iyon binalik sa loob ng dashboard. Dumukwang siya at hinalikan sa gilid ng labi nito ang nobyo. "I love you."
Ngumiti si Ion at naningkit ang mga mata. Bumaling ito para mabilis siyang halikan sa labi. "I love you so much!"
Tumawa siya. May mainit na bagay ang humaplos sa dibdib niya at palihim niya iyong kinapa at dinama. Her heart beating and pumping warm blood because of him and only for him.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...