Chapter 26

70 25 6
                                    

INIPIT ni Andy sa kaliwa niyang tainga ang ilang hibla ng kaniyang buhok na kumawala sa pagkakatali bago inisang lagok ang inabot ni Ching na alak na nakasalin sa cup noodles. Napangiwi siya sa pait na gumuhit sa kaniyang lalamunan. Agad niyang sinubo ang iniumang na pulutan ni Ion sa tapat ng kaniyang bibig, tiningnan niya ito at nginitian nang matamis.

"Hindi mo naman kailangan uminom kung ayaw mo," sabi nito. Hindi siya nakasagot dahil nagsalita si Pelita.

"Huwag gan'yan, Ion! Ang daya mo naman. Fair lang dapat tayong lahat dito," ungot ng dalaga.

Inayos niya ang suot na cardigan bago kumurot sa pulutan nilang pritong manok. Tiningnan niya ang isang plato ng sisig at dalawang inihaw na bangus, may mga sachet din ng mani at tsiserya. At syempre hindi mawawala ang gin bilog at emperador na pinagtutulungan nilang ubusin na magkakaibigan.

Pinuno niya ng preskong hangin ang kaniyang baga. It was a peaceful night, with happy and contented laughter filling the air. Everyone was still sober and singing along with the song being played on the guitar that Pelita was strumming. Pumikit siya nang yumapos sa baywang niya ang kaliwang braso ni Ion na nagbigay sa kaniya ng ibayong init sa lamig ng gabi.

"Ang daya mo naman, fafa Ion!"

Dumilat siya nang marinig ang matinis na tinig ni Shonak.

"Akala ko ay ako lang ang mamahalin mo. Sabi mo rin basta maghintay lang ako hanggang dulo," biro nito na hinaluan ng drama.

Umismid lang si Ion at ngumisi. Kinintilan din siya ng binata ng halik sa gilid ng kaniyang noo. Nagdabog-dabugan naman si Shonak.

"Okay lang 'yan, bakla. Ako na lang ang mahalin mo."

Sabay-sabay silang napabaling kay Ching. Nanunukol na tingin ang pinukol nila rito lalo na nang pilit itong tumawa.

"Nagbibiro lang ako! Bakit gan'yan ang tingin n'yo sa 'kin?" Kumuha ito ng tsitserya at nilantakan iyon.

Ipinilig ni Andy ang kaniyang ulo. Hangga't maaari ay ayaw niya munang bigyan ng kahulugan ang mga inaaksyon ni Ching nitong mga nagdaang araw at nang gabing iyon. Hindi na nakaligtas sa kaniya ang palihim nitong pagsulyap kay Shonak at bahagyang pamumula ng pisngi sa tuwing bumabaling dito ang bakla.

"Pabili po!" Tumingin siya kay Pita, ang nakababatang kapatid ni Pelita, na bumibili sa tindihan ni Aling Martha. Kasama rin nito si Mimi.

"Pita!" tawag ni Mitch sa bata. "Libre mo naman kami, oh! Kahit Kiss lang."

Umirap ito. "Bakit ka magpapalibre sa akin eh wala naman akong trabaho at hindi akin 'tong pera? Kung kiss lang naman pala ang gusto mo, bakit hindi mo hingan si Kuya Kaloy?"

Umugong ang mahabang "oh" matapos iyong sabihin ni Pita. Umiling naman si Mitch at kumain na lang ng pulutan nilang sisig.

"Gan'to na lang!" Tumayo si Pelita saka nilapitan ang kapatid na kunot ang noo. "Kuhanan mo na lang kami ng picture para may pakinabang ka naman." Inalis ni Pelita sa kamay nito ang mga pinamili at binigay iyon kay Mimi, pinalitan nito iyon ng camera. "Gandahan mo, ah."

Kumakamot sa ulo na humanap ng puwesto si Pita pagkatapos ay sinenyasan silang magdikit-dikit na agad naman nilang ginawa.

"Okay na?" Inayos nito ang pagkakahawak sa camera. "One. . . two. . . three. . ."

Magkakaakbay silang tumingin at ngumiti sa camera kasunod ang mabilis na pag-flash ng ilaw. Nakailang kuha rin ito ng larawan nilang magkakaibigan bago nagsawa.

"Salamat!" anila sa bata na nagmamadaling umuwi sa bahay kasama ang kaibigan.

"Inuman na!" sigaw ni Ching.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon