Chapter 2

335 79 63
                                    

NAGISING si Andy sa lugar na hindi pamilyar sa kaniya. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya napagtanto ang mga nangyari noong nagdaang araw. Sinapo niya ang kaniyang noo saka dahan-dahang bumangon at umupo sa gitna ng kama. It's already dawn.

Tinakpan niya ang kaniyang bibig nang maghikab siya at umunat ng katawan. Napasarap ang tulog niya at hindi man lang siya nagising. Hindi siya sigurado kung progress ba iyon o hindi.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpasya na siyang lisanin ang kama. Lumapit siya sa bintana at hinawi ang kurtina. She did some stretching before looking outside the window. Nagkalat pa ang hamog sa paligid pero marami na siyang nakikitang aktibidad ng mga tao.

Lumingon siya sa nakasarang pinto ng silid niya nang may marinig siyang katok doon. Naghintay siya ng ilang sandali bago niya narinig ang pamilyar na tinig ni Mitch.

"Sandy— errr, Andy. Kung gising ka na. . . Bumaba ka na lang para sa almusal. Hindi na kita aakyatan ng pagkain, so you better come down." Huminto ito para siguro makiramdam. "Huwag ka nang magkulong d'yan. Kapag hindi ka bumaba, papasukin na kita," may pagbabanta sa tinig nito.

Nanatili siya sa kinatatayuan niya.

"Are you there?"

Bahagyang umawang ang mga labi ni Andy nang mahimigan ang pag-aalala sa boses ng kaibigan. She swallowed while searching for the right words to say.

"Y-yes. I'm still here inside! Maliligo lang ako saglit. Bababa rin ako agad pagkatapos."

"Okay. Bilisan mo, ha?" tugon nito.

Naghintay muna siya hanggang mawala ang tunog ng papalayong yabag ni Mitch bago nanghihinang umupo sa gilid ng kama. She blinked away the tears that welled in her eyes. She felt guilty towards her friend. Batid niyang ito ang mas nag-alala sa nangyari sa kaniya lalo na pagkatapos ng insedenteng naabutan nito sa loob ng kaniyang condo unit.

Hinilamos niya ang kaniyang palad sa mukha. She released a long, deep sigh before deciding to take a bath. Good thing, may sariling banyo ang silid niya.

"Good morning, Sleeping Beauty," bungad kay Andy ni Mitch. Nakasuot ito ng maluwag na t-shirt at maikling maong shorts, nakatali naman ang maikli nitong buhok na hanggang balikat lang nito ang tabas.

"'Morning." Humila siya ng silya. Bago pa man lumapat ang puwetan niya sa upuan ay dumako ang paningin niya sa isang hindi pamilyar na babae, o mas tamang sabihing dalagita, na nakaupo sa kabilang panig ng mesa.

Nginitian siya nito at sumilay ang pantay nitong mga ngipin. "Hello po! My name is Mickaella, also known as Mimi, twelve years old na nagtataglay ng pinakamagandang mukha sa buong bayan ng St. Pedro!" Kumaway pa ito na parang isang beauty queen.

"Tumahimik ka d'yan, Mimi. Huwag mong agawan ng titulo ang ate mo."

Bumaling siya kay Mitch. Nakataas ang dalawang paa nito sa silya habang may hawak na isang tasa ng mainit na kape na iniihipan nito. "'Want coffee?" alok nito sa kaniya.

Umiling siya saka tumingin ulit kay Mimi na nakababatang kapatid ng kaibigan niya. Kanina pa siya nito tinitigan sa hindi niya mawaring kadahilanan.

"May sasabihin ka?" tanong niya nang mailang na siya sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya.

Tumikhim ito. "Wala po. Iniisip ko lang kung paano mo naging kaibigan itong si Ate Mitch. Eh, masyado kang maganda at panget siya." Natigilan ito nang may lumipad na kutsara.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon