TININGNAN ni Andy ang kaniyang sarili sa full lenght mirror at huminga nang malalim. She feels different while looking at herself on the mirror dahil ang totoo ay hindi naman talaga siya sanay na tumapat sa salamin.
She's wearing an emerald green off-shoulder long dress with high-slit that was paired with peach ankle strap heels and a light make up on her face. Ang sabi ni Shonak matatabunan daw ang natural niyang ganda kung kakapalan pa ang make up niya. Pelita took care of her hair, her friend made it into a messy bun.
"Perfect!" Excited na pinihit siya ni Shonak paharap dito. "Ang ganda-ganda mo talaga, Andy. Nakakaproud! Pahingi naman ng genes ninyo ng nanay mo," nakangiti nitong sabi.
Hindi niya na lang pinansin ang huli nitong sinabi at hinarap si Mitch na nakikipagharutan pa kay Pelita. Wala si Ching dahil may pinagkakaabalahan.
"Bakit ayaw ninyong sumama?" tanong niya sa dalawa. Nalaman niya mula kay Ion na naimbitahan din ang mga ito para dumalo sa party.
Kinumpas ni Pelita ang isang kamay nito sa ere. "Baka pagkaguluhan pa ang beauty namin doon. Mahirap na." Alam niya na hindi talaga iyon ang totoong rason pero hinayaan na lamang niya si Pelita.
Bumukas ang pinto ng silid na inuukopa nila at niluwa niyon si Mimi na saglit pa silang pinasadahan ng tingin ni Mitch mula ulo hanggang paa.
"Wow," nakangiting sabi nito. "Ang ganda mo, Ate Mitch."
Mitch flipped her hair. "Of course! Matagal na."
Her bestfriend was wearing a seductive red maxi dress. Nagmukha itong matangkad dahil sa suot na silver pump heels. Kinulot ni Pelita ang dulo ang maikli nitong buhok na nakapadagdag ng volume ng buhok nito.
"Mukhang ready na kayo." Tumikhim si Mimi. "Naghihintay na sa baba ang date n'yo."
"OMG!" impit na tili ni Shonak. Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila palabas ng kuwarto, ganoon din ang ginawa ni Pelita kay Mitch. Natawa siya dahil mas excited pa sa kanila ang mga kaibigan na kahapon pang hindi mapakali para sa gabing iyon.
Inalalayan siyang makababa sa hagdan ni Shonak na nagpaka-gentleman hanggang sa maabot nila ang sala kung saan naghihintay sa kanila si Ion at Kaloy. Her heart skipped a beat when she saw her man looking good on his black tuxedo. Nakatali ang mahaba nitong buhok na nangingintab dahil basa pa. He stood there with his strong aura and manly presence.
"Hey," bati niya rito. She felt giddy inside when he took her hand from Shonak's. Para siyang kiniliti nang halikan nito ang kamay niya at ngumiti nang matamis.
"You look gorgeous," he said with visible fascination in his eyes. Nagrambulan ang paruparu sa kaniyang sikmura dahil sa binibigay nitong atensyon sa kaniya. He put her hand on his arched arms. "Ready?"
Tumango siya. "Yes, Ion."
Humarap sila kay Nanay Angge na masaya silang niyakap. Nagpaalam din sila kina Shonak na hindi pumayag na hindi silang ihatid hanggang sa sasakyan nila.
"Mitchell, mag-behave ka lang, ha? Baka pati doon ay makipag-away ka," habilin ni Nanay Angge sa anak nito. Umasim ang mukha ni Mitch dahil doon.
Nagtaka siya nang makita na dalawang sasakyan ang naghihintay sa kanila. Pinagbuksan siya ni Ion ng pinto ng passenger seat ng Ford ranger nito at agad siyang pumasok. Habang nasa nakagitnaan ng biyahe ay napasin niyang hindi na nakasunod sa kanila ang sinasakyang kotse nina Mitch at Kaloy.
"They're not coming with us tonight."
Bumaling siya ng tingin kay Ion.
"May plano si Kaloy at ginamit niya lang na excuse ang invitation sa engagement party ni Ate."
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...