SINAMA siya ni Ion sa bahay ng barangay captain para sa selebrasyon ng kaarawan ng huli. Kinamangha niya ang pagdalo ng maraming tao sa dalawang palapag na bahay na yari sa bato ng kapitan at ang kasiyahan na namumutawi sa paligid. May namataan din siyang matataas na personalidad at pulitiko. She thought that it was too much for a low rank politician to have that kind of big celebration. Maliban na lamang kung likas na kasundo ng lahat ang kapitan.
Pinakilala siya ni Ion sa kapitan ng barangay and her eyes flashed with recognition. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang matandang lalaki na nakapagpainit ng kaniyang ulo noong minsanan siyang naghatid ng kare-kare kay Ion. Mukhang nakilala rin siya nito at mabilis na nakipagkamay.
"Kayo na ba nitong si Ion?" tanong nito. Tumingin siya sa binata bago ito nginitian.
"Hindi pa ho."
"Mabuti na naman kung ganoon. May pag-asa pa ang anak kong si Tisay."
Tumikhim si Ion. Inakbayan nito sa balikat ang kapitan at tumawa. "Marami po ang nagkakandarapa sa anak ninyo, Kap Tonyo. Baka isa do'n ay matipuhan pa ninyo."
"Wala nang mas babagay pa sa anak ko, Ion. Magaling naman sa gawaing bahay si Tisay at maaasahan, bobita nga lang. Naunahan lang siya ng dayong ito."
Tumiim ang anyo ni Ion ngunit pilit pa rin itong ngumiti. "Pasensya na, Kap. Happy birthday nga pala!"
Tinapik nito ang balikat ng binata. "Ay sya! Kumain na lang kayo at aasikasuhin ko pa ang ibang mga bisita. Kung may kailangan ka'y tawagin mo na lang si Tisay. Naghihintay lang iyon sa gilid." Tinanguan nila ito at sinundan ng tingin ang pag-alis para dulugin ang ibang mga bisita.
Ilang sandali rin silang nanatili sa kinatatayuan— unaware sa mga matang nakatutok sa kanila lalo na kay Andy. Maraming kinabinataan ang bumabaling sa kaniya ng tingin ng may paghanga sa mga mata at inggit naman at pagkamangha mula sa ibang kababaihan. Hindi niya iyon binibigyan ng pansin dahil nakasuot lang siya ng tight jeans at simpleng t-shirt. Nothing fancy pero nakukuha pa rin niya ang atensyon ng mga tao. Dumagdag pa na kasama niyang dumating doon si Ion.
"Gusto mo pa bang kumain?" tanong sa kaniya ni Ion.
Umiling siya. "Busog na ako." Inabot niya ang baso ng juice saka uminom. "I liked the menudo."
Kinuha nito ang baso niya at uminom sa parteng dinampian ng mga labi niya. Natigilan siya sa ginawa nito at parang may kumiliti sa kaniya dahil doon. Sila rin ang pinapanood ng mga tao na para silang isang eksena sa pelikula. May ibang kinikilig, matalim naman ang mga mata nina Tisay na nakamasid lang sa kanila sa hindi kalayuan.
Nauwi sila sa isang mahabang kuwentuhan na tipikal na nilang ginagawa sa tuwing magkasama at kapag ganoon na sila'y hindi na nila namamalayan ang paligid. Hindi na rin namalayan ni Andy ang pares ng mga mata na nakamasid sa bawat galaw niya.
"Dito ka lang. Kukuha muna ako ng dessert." Sinundan niya ng tingin ang pag-alis ni Ion. Napangiti siya nang mapansin ang mga matang sumunod din dito.
"Hi, there!"
Nilingon ni Andy ang pinanggalingan ng malalim na tinig at nakita ang may matikas na tindig na lalaki. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan at mahusay na ngiti. Puti na rin ang buhok nito ngunit kapansin-pansin pa rin ang pagiging magandang lalaki. Ngumiti siya nang makilalang ito ang alkalde ng maliit na bayan na iyon.
"Magandang araw ho," bati niya rito.
Mas lalo pang lumuwang ang pagkakangiti nito sa kaniya at sumilay ang pantay at puti nitong mga ngipin. "Kanina pa kita pinagmamasdan. You caught my attention the moment you stepped in kasama si Ion. Inaanak ko siya." Tiningnan siya nito sa mukha. "Kumusta, Miss Hernandez?"
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...