INABUTAN ni Andy si Nanay Angge na nag-aayos sa kusina. Magtitimpla sana siya ng kape ni Mitch nang tawagin siya nito.
"Andy, puwede mo bang ihatid ito kay Ion?" Pinakita nito sa kaniya ang isang tupperware na naglalaman ng niluto nitong kare-kare. "Wala kasi si Mimi, nasa bahay nina Pita. At ang kaibigan mo naman ay nagsasakit-sakitan ng likuran."
Hindi na siya nagdalawang-isip, pumayag agad siya. "Magbibihis lang po ako saglit." She was on her pajama. Tinalikuran niya ito at dali-daling umakyat sa kuwarto para magbihis.
"'Yong kape ko?" tanong sa kaniya ni Mitch na nakahilata pa rin sa kama.
"Ikaw na ang bahala roon. Nagsasakit-sakitan ka lang naman daw sabi ni Nanay Angge," sagot niya rito na mas lalo pang ngumuso. Tumawa siya.
"Ano'ng nagsasakit-sakitan? Masakit talaga!" Bumangon ito para hawakan ang 'masakit' na parte ng likuran nito at umarte sa harap niya. "See? Ikaw kasi. Napalakas 'yong sipa mo sa akin kagabi. Ayon tuloy. . ."
She snorted. "It's not my fault but yours, Bitch. Bunga iyan ng kamanyakan mo kagabi," aniya rito saka tinungo ang pintuan ng kuwarto.
"Andy. . . Andy. Andy? Andy!" Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Mitch. Dere-deretso siyang bumaba sa hagdan at tumungo sa kusina kung saan naghihintay sa kaniya si Nanay Angge.
Pagdating ni Andy sa tapat ng green na gate ng bahay ni Ion ay agad siyang kumatok doon ng tatlong beses. Walang dumulog. Tumayo siya sa tapat ng nakasarang gate habang patuloy na naghihintay hawak ang tupperware ng ulam na niluto ni Nanay Angge para sa pananghalian. Inangat niya ang kaniyang kamao at akmang kakatok ulit nang may marinig siyang humintong bisikleta sa kaniyang likuran.
Lumingon siya at nakita ang isang matandang lalaki na sakay ng lumang bike.
"Magandang araw ho," bati niya rito.
Tumaas ang kilay niya nang nginisihan siya ng matanda at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Kumamot pa ito sa ulo at base sa ekspresyon nito ay hindi nito nagustuhan ang nakita.
"Ikaw ba ang bagong manliligaw ni Ion?" tanong nito na labis niyang ikinagulat.
"H-ho?" Nanlalaki ang mga matang sabi niya habang nakaturo ang isang daliri sa sarili.
"Maganda ka. At mukhang hindi ka naman desperada para lang mapansin ng isang lalaki." Umiling-iling ito habang hindi pa rin binabawi ang paningin mula sa kaniya.
Uminit bigla ang ulo ni Andy. Ano ba ang pinagsasabi ng matandang ito?
Pumikit siya para kontrolin ang kaniyang sarili. Hangga't maaari, ayaw niyang pumatol sa matandang pakialamero. Pagdilat niya ay nakahanda na ang matandang lalaki para umalis.
"Pasensya na, hija. Mauuna na ako," paalam nito pero hindi naman ito kaagad umalis. Tumaas ang dibdib niya sa sunod nitong sinabi na muntikan nang ikasira ng buong araw niya. "Maghanap ka na lang ng ibang lalaki. Si Ion ay para lamang sa bunso kong anak."
Sinundan niya ng tingin ang pag-alis ng matandang iyon. She scoffed. Dahil sa sobrang inis ay sinipa niya ang gate ng bahay ng lalaking dahilan ng kamalasan niyang iyon. Umawang pabukas ang grills na trangkahan ng bahay dahil sa ginawa niya. Biruin mo, hindi pala iyon naka-lock?
Siya na ang nag-imbita sa kaniyang sarili na pumasok sa malawak na bakuran ng pamamahay ni Ion. Inikot niya ang paningin sa paligid at napailing sa nakita. Ang dumi ng buong paligid. Ni hindi man lang nag-abalang magwalis ang lalaking may-ari ng property na iyon. Tambak na ang mga tuyong dahon ng mangga at iba pang puno na hindi naman niya alam kung ano ang tawag.
Huminto siya sa tapat ng nakasarang pinto ng bahay. Parang gusto na niyang umatras at iwan na lamang sa tapat ng pintuan ang tupperware pero bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa ang gulat na hitsura ni Ion. Magulo rin ang buhok nito.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...