MABILIS na gumuhit ang mabining ngiti sa mga labi ni Andy nang matanawan niya sina Mitch na nagkukulitan sa tapat ng tindahan ni Aling Martha. Binagalan niya ang pagpapatakbo sa minamaneho niyang sasakyan saka sunod-sunod na bumusina upang kunin ang atensyon ng mga ito.
Hindi naging sagabal sa kaniya ang windshield ng sasakyan para makita ang pagkalito sa mukha nina Ching, Pelita, at Shonak— aside from Mitch whose face instantly brighten up when the latter recognized her approaching car.
"Si Andy 'yan, mga panget!" Pinalo ni Mitch ang balikat ni Shonak nang hindi kumibo ang bakla.
"Si Andy. . .?"
Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng mga kaibigan niya at nakangiting umibis para batiin mga ito. Hindi siya nagulat nang sunggaban siya ng yakap ni Shonak na kay lakas ng tili, sinundan naman ito nina Pelita at Ching.
"Na-miss ka namin nang sobra!" mangiyak-iyak na saad ng bakla.
She chuckled. Dahan-dahan siyang kumawala mula sa mga bisig ng kaibigan at nagpakawala ng malalim na hininga.
"So. . .!" She suppressed her grin. "Ano'ng ginagawa ninyo rito?" tanong niya.
Pasimple siyang tumingin sa suot niyang relong pambisig saka tumingala sa langit. Alas-singko y media na nang hapon, kadalasan ay sa ganoong oras talaga tumatambay ang ang mga ito.
"Nagpapahangin lang kami, Andy. Sobrang init kasi kanina," wika ni Ching na marahang hinablot ang braso niya at iginiya siya patungo sa concrete na upuan sa tapat ng tindahan.
"Dapat pinagpapahinga na natin si Andy, mga bakla. Siguradong pagod na siya sa mahabang biyahe." Binalingan niya si Pelita at ngumiti, ganoon din ang ginawa nito.
"Give me your car keys," utos sa kaniya ni Mitch, nakalahad na ang isa nitong palad sa harap niya. "Ako na ang mag-uuwi sa kotse mo sa bahay."
"You don't have to."
"Nakaharang sa daan," anito.
Umiling siya bago binigay sa matalik na kaibigan ang susi ng sasakyan niya.
Nagkumustahan muna sila nina Shonak at nang bumalik si Mitch pagkatapos igarahe ang kotse niya ay mas humaba pa ang usapan nilang magkakaibigan. Katulad ng dati ay halos hindi nauubusan ng biro at banat sina Shonak. Pakiramdam niya rin ay nabawi niya ang mga panahong nawalay siya sa mga ito sa pamamagitan ng kanilang mahabang kumustahan na nauwi sa asaran.
SUNOD-SUNOD na kinurap ni Andy ang kaniyang mga mata nang makaramdam siya ng pagkahapo. Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa basahan saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at nagpatuloy sa pagpunas sa mesa. Kakatapos lang nilang maghapunan at kasalukuyang tinutulungan niya sina Mitch sa pagliligpit sa komedor.
"Ako na d'yan, Andy. Pagpahinga ka na muna. Kaya na namin dito," ani Nanay Angge. Maagap nitong pinigilan ang kamay niya nang gagalawin ulit niya iyon upang magpatuloy. "Akin na 'yan." Banayad nitong inalis sa palad niya ang basahan at marahang pinisil ang kaniyang kamay.
"Thank you." Pero imbis na humakbang patungo sa may salas ng bahay ay dahan-dahan siyang lumapit kay Mitch na abala sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila.
"You should have gone to your room," malumanay na wika ni Mitch habang nakatutok ang atensyon sa ginagawa.
"Hindi pa ako inaantok," sagot niya rito.
"Pero siguradong umiiyak na ang katawan mo ngayon. Begging you to take a rest."
"Well, sorry. . ." She shrugged. "My mind is fully awake."
"Nahihirapan ka bang makatulog?" may pag-aalalang tanong nito. "Is it because you're still mourning?"
"I'm done, Mitch," aniya. "Hindi mo naman ako papayagan na mag-take ng sleeping pills, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...