Chapter 23

86 28 6
                                    

"ANO sa tingin mo?" Tiningala ni Mitch ang mukha ni Kaloy. Patuloy lang ito sa pagsuklay ng buhok niya gamit ang mahahabang daliri sa kamay nito habang nakaunan siya sa hita nito.

"Siya dapat ang magdesisyon niyan, Mitch. Siya lang naman ang nakakaalam sa tunay niyang nararamdaman."

Bumuntong-hininga siya.

Kinurot ni Kaloy ang pisngi at nangingiting tinabig niya palayo ang kamay nito. "Bakit?" Ngumiti ito at akma sanang kukurutin ang pisngi niya nang umirap siya.

"Alam kong cute ako, okay? Kaya tigilan mo na ang pisngi ko." Lumukot ang ilong niya nang inismiran siya nito.

"Sino'ng may sabi?" Niyuko siya nito para pakatitigan siya sa mukha. Mula sa mga mata nito, bumaba ang paningin niya sa mamula-mula nitong mga labi. A playful grin curved on his lips as he lowered his face to her. Kusang pumikit ang kaniyang mga mata habang tinutugon ang halik nito.

Umayos siya ng upo habang hindi hinahayaang maghiwalay ang kanilang mga labi. Ang isang kamay nito ay dumako sa batok niya at mas pinalalim ang halik. A soft moan scaped from her throat when his other hand lightly cupped her breast. Patuloy lang sa pananakop ang dila ni Kaloy sa loob ng kaniyang bibig. Nawawala na siya sa tamang huwisyo. Yumakap siya sa leeg nito at mas lalo pang pinagdikit ang kanilang katawan.

Kinagat-kagat niya ang ibabang labi nito until it was swollen. He claimed her mouth greedily and played with the tip of her tongue. Napuno ng mahihinang ungol ang sala ng bahay nito at hindi na nila namalayan ang pagbukas ng pinto.

Gulat na humiwalay siya kay Kaloy at tinulak ito ng malakas dahilan upang malaglag ito sa sahig nang makita niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang pagpasok ng isang bulto ng tao.

"Aray!"

"Mitch?!"

Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang babaeng nakatayo sa bungaran ng pinto. Lantad ang pagkagulat sa mga mata nito kahit nahaharangan iyon ng makapal na salamin.

"B-Bea. . . dumating ka na pala." Ika-ikang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig si Kaloy at nilapitan ang kapatid na matalim ang tingin sa kanilang dalawa. Malakas nitong hinampas ang dibdib ni Kaloy at hinila ang buhok.

"Hindi na kayo nahiya! Dito niyo pa talaga sa bahay ginawa ang kahalayan ninyo!" Mas lalo pa nitong pinanggigilan ang nobyo niya. Wala naman tigil sa pagdaing si Kaloy. "Paano na lang kung hindi ako dumating? Baka kung saan na napunta ang kaharutan ninyo! Mga walang delicadeza!"

Niyakap ito ni Kaloy mula sa likuran at grabe ang naging tili nito nang mawala sa pagkakaapak sa sahig ang mga paa. "Ibaba mo ako, Carlo! Ano ba!?" Pinaghahampas nito ang braso ng binata at pilit na kumawala. Dumausdos pa ang salamin nito sa mga mata. "I can't see properly!"

Nagkatinginan sina Mitch at Kaloy habang patuloy sa paglilitanya si Bea habang inaasikaso ang lulutuin para sa hapunan ng mga ito. Pasimple niyang siniko sa tagiliran ang nobyo.

"Let's go," she mouthed.

Tumango ito saka nilapitan ang kapatid na tumigil na sa pagsasalita. "Ihahatid ko lang pauwi si Mitch."

"Bumalik ka rito kaagad," sabi nito at tinanguan lang siya saka nagpatuloy na sa paghuhugas ng repolyo.

Nagkatawanan sila ni Kaloy nang nasa daan pauwi na sila pauwi.

"Kailangan na sigurong hanapan ng lalaki iyong Bea. Sigurado ako na magkukulong lang 'yon sa bahay ninyo." Tiningnan niya ang kasintahan na tumawa.

"Iisa lang naman ang gusto n'on na lalaki."

"Sino?"

"Si Ion."

Tumaas ang kilay niya. "Talaga?"

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon