MAHINANG sinabunutan ni Andy ang sarili nang mapagmasdan niya ang oras sa digital clock na nasa ibabaw ng bed sidetable. Hinawi niya ang makapal na kumot na nakatabing sa mga hita niya at bumaba sa kama.
Iika-ika siyang tumungo sa pintuan at pinihit ang siradora ng pinto. Mabilis niyang pinadaan ang kaniyang kamay sa magulo niyang buhok saka pumanaog. She can clearly hear the loud noises coming from the living room.
"Akala namin hindi ka na lalabas sa lungga mo," nakangising wika sa kaniya ni Ching na tumayo pa mula sa pagkakasalampak sa sahig upang hawakan siya sa braso at hilain paupo sa lapag. "Anyare sa mga mata mo?" tanong nito nang mapansin na nakasuot siya ng salamin.
"They're irritated," sagot niya rito.
"Nagkonsulta ka na ba sa optometrist?" usisa sa kaniya ni Mitch na tutok ang atensyon sa mga barahang hawak. Kasalo ng babae sa paglalaro ng tong-its sina Shonak at Pelita.
"Oo. I already asked for a prescription." Inayos niya ang salamin sa kaniyang mata bago dumukwang sa bowl ng popcorn na nilalantakan ni Ching.
Mataman siyang tinitigan ng singkit na kaibigan. Saglit pa ay nagsalita ito, "Bakit hindi ka magpa-latik surgery?"
"'Lasik'," pagtatama ni Shonak. "Bobita ka talaga."
Lumaki naman ang dalawang butas sa ilong ni Ching dahil sa huling tinuran ng bakla. Inunat nito ang isang binti at sinipa sa tagiliran si Shonak na umirap lang at tinuon na ulit ang atensyon sa paglalaro ng baraha.
"Panalo ako, mga panget!" kantiyaw ni Mitch sa dalawang kalaro nang maubos ang baraha sa kamay nito. Gumawa naman ng ingay si Shonak na hindi matanggap ang pagkatalo samantalang pabagsak at walang kabuhay-buhay na tumihaya sa sahig si Pelita. "Bumangon ka d'yan, patpat!"
"Argh!" Imbis na sumunod sa utos ni Mitch ay inis na dumapa si Pelita at binaon ang mukha sa dalawang braso nito.
Andy looked at the other three person with her, confused. She laid her eyes on Ching who pouted and just raised a shoulder for a shrug.
"Seriously," aniya. "Wala talaga sa inyong magsasalita?"
Narinig niyang tumikhim si Shonak kaya rito na lang niya tinuon ang paningin. "Kasi ngayong araw iri-release 'yong resulta ng board exam na t-in-ake niya."
"Board exam for what?"
"License professional teacher," sagot naman ni Mitch.
Natahimik siya at hindi makapaniwalang tumingin kay Pelita na bumangon na. "Wala akong ideya. . ." Isa-isa niyang tinapunan ng tingin sina Mitch na kaagad bumakas ang guilt sa mga mukha. "Bakit hindi n'yo sinabi sa akin?"
"Ganito kasi 'yon, Andy." Umusog palapit sa kaniya si Pelita at inabot ang isa niyang kamay. "Noong nag-take ako ay binilin ko talaga na huwag sabihin sa iyo. Maraming nangyari at hindi iisa-isahin kung ano ang mga 'yon."
Mapang-unawang tinango ni Andy ang kaniyang ulo at tahimik na humiling sa isip ng isang magandang balita. Pagkatapos, umayos siya ng upo sa sahig saka maiging pinagmasdan ang nagkalat na mga baraha na kasalukuyang inaayos ni Mitch para sa susunod na laro.
Seryoso niyang pinanood ang laro nina Mitch hanggang sa magsimula na ulit ang banter nilang magkakaibigan. Tulad ng dati ay malakas pa ring mang-asar si Shonak, lalong-lalo na si Mitch na walang ibang punterya kundi si Ching na tila unlimited ang supply ng popcorn dahil kanina pa itong ngumunguya.
"Ang baboy mo talaga, Conchita," komento ni Shonak nang batuhin ito ng babae ng isang pirasong popcorn na galing sa bibig nito. "Kadiri ka!"
"Hmp!" Umirap lang si Ching at pinagpatuloy ulit ang pagkain. Sa sobrang inis ng bakla nilang kaibigan ay padarag nitong binitawan ang hawak na mga baraha at hinablot ang buhok ni Ching na mabilis ang naging reaksyon at agad na bumawi.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...