Chapter 59

11 0 0
                                    

NAKANGITING binaling ni Andy ang kaniyang mga mata sa mataas na arkong gawa sa mga bulaklak at baging nang magsimula na ang processional ng garden themed wedding ng kapatid ni Ion. Sabay-sabay silang tumayo habang pinapanood ang mga kasama sa processional na siyang hudyat ng pagsisimula ng kasal.

Her face instantly lit up when she saw Ion walking down the aisle together with his partner. Nagsalubong ang paningin nila at mas lalo pang sumaya ang anyo niya nang kumindat ito at pasimple siyang kinawayan. Nilingon niya ang katabing si Mitch nang maramdaman niya ang pagsiko ng matalik niyang kaibigan sa kaniyang tagiliran.

"What?" she mouthed.

"Wala," sagot nito saka tinutok muli ang atensyon sa mga pangyayari na ginawa niya rin. "Ang guwapo ng boyfriend ko."

She snickered then slightly shook her head. Nginitian niya si Kaloy nang sinitsitan sila ng lalaki. Sinundan niya ng tingin ang pagtungo nina Ion sa kabilang side saka kinawayan ang mga ito.

They all went together at the big event but only the two men were able to walk on the aisle because it was already planned long before. Inayos niya ang nagusot na parte ng suot niyang dress bago umupo pagkatapos ng hudyat ng pastor na siyang mag-o-officiate ng kasalanan. Nasa unahan na rin ang bride at groom.

Pinanood nila ang bawat proseso at masayang pumalakpak nang dumating na sa part kung saan sisiilin na ng halik ng groom ang bride nito. They all cheered and gave their happy wishes to the newly wedded couple.

Everything was going fine until the sun went down and the evening party started. Napuno ng kantahan at sayawan ang buong venue na inupahan ng pamilya ng groom. Umulan din ng mga pagkain at inumin.

"I can't believe na ganito kayaman ang pamilya ni Ion Man. No wonder kung bakit dikit nang dikit si Kaloy." Pagkatapos iyong sabihin ay humalakhak si Mitch sabay tungga sa hawak nitong champagne flute. "This is so nice!"

"Baka lasing ka na," nangingiting sabi niya habang pinagmamasdan ang kaibigan

"Nagsisimula pa lang tayo, Andy," sagot ng bruha na kumuha pa ng dalawang inumin mula sa naglilibot na waiter.

"Hey." Nilingon ni Andy ang kumalabit sa kaniyang likuran. "It's nice to see you here," masayang sabi sa kaniya ni Danica. Hindi na siya nakaiwas nang yakapin siya ng half-sister niya.

"Thank you." Naiilang na kumawala siya sa yakap nito at pilit na ngumiti. Matagal na rin mula noong huli nilang pagkikita sa restaurant nito.

Si Danica ang ginawang maid of honor ng kapatid ni Ion. They're great friends, at kitang-kita iyon sa paraan ng pakikitungo ng buong pamilya ng boyfriend niya rito.

Sabay na dumako ang paningin nila sa dalawang lalaki na naglalakad patungo sa kanilang direksyon. Mas lalong gumanda ang pagkakangiti ng kapatid niya sa ama nang batiin ito ni Kaloy at nakipagkumustahan. Samantalang agad namang tumabi sa kaniya si Ion at pinalibot ang isang kamay sa kaniyang baywang.

"Ang ganda natin ngayon, ah!" puri ni Kaloy. "Halos hindi na kita makilala kanina."

"Salamat," ani Danica. "Pero mas maganda si Mitchell," banggit nito sa babaeng kanina pa madilim ang mukha at abala sa pag-inom.

"Truth!" Lumapit si Kaloy sa nobya nito saka hinapit sa balikat. Tanging ngiting aso naman ang naging tugon ng huli.

"So!" Danica clasped her hands. "I shall leave you now for a moment. Kailangan na ako ni Jane. See you later," paalam nito sa kanila.

"Tsk!" ismid ni Mitch habang sinusundan ng tingin ang papalayong bulto ng babae. "Kairita," anito. "Lalo ka na!" Tinulak nito palayo si Kaloy na napakamot na lang sa noo.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon