THE next couple of days weren't bad. Palagi silang lumalabas ni Ion para mag-date, minsan ay nagd-double date din sila nina Mitch. Nalaman niya ang tungkol sa away ng huli at ng nobyo nito, pero hindi na sa kaniya sinabi ang dahilan. She also accidentally learned about the fight that happened between Ion and Kaloy. Noong una ay nagalit siya dahil sa paglilihim sa kaniya ng kasintahan ngunit sa huli ay naunawaan din niya ang dahilan nito.
May mga araw rin na abala sila, ang totoo ay minsan na lang silang magkakaibigan magkita-kita . Madalas ang pagluwas ni Andy para asikasuhin ang iniwang responsibilidad ng grandparents niya sa kaniya, naghahanda na rin siya sa pagbabalik sa trabaho. Si Mitch naman ay ganoon din. Samantalang busy rin ngayon si Pelita dahil naghahanap ng mapapasukang public school, at nakatanggap na si Shonak ng tawag mula sa in-apply-an nito sa Thailand. Ching, on the other hand, was tasked by her parents to manage their little farm.
Simula na ng tag-ulan kaya aligaga ang mga tao sa bahay nina Mitch.
"May tumutulo ba sa kwarto mo, Andy?" tanong sa kaniya ni Nanay Angge habang kumakain sila ng tanghalian. Magdamag kasing umulan at ayon sa balita ay tuloy-tuloy pa iyon dahil sa bagyo.
"Wala naman po." Sumubo siya ng kanin bago tinapunan ng tingin si Mimi at Mitch na nagbabangayan na naman. Nagising siya sa tili ng nakababatang kapatid ng kaibigan dahil sa tumutulong bubong, sakto iyon sa higaan ng dalagita kaya gumising nang basa.
"Kailan mo ipapaayos ang bubong natin, 'ma?" tanong ni Mitch sa nanay nito.
"Kapag tumila na ang ulan. Masyado pang delikado umakyat lalo pa't may bagyo ngayon," tugon ng ginang. "May maliliit naman na planggana dyan, 'yon na muna ang ipangsalod ninyo sa tumutulong tubig."
"Bagal mong kumain, Andy," puna sa kaniya ni Mitch. Tapos na ang mga ito at siya na lang ang hinihintay na matapos.
"Wala akong gana ngayon," sagot niya. Kumuha siya ng isang basong tubig bago tumayo at tinulungang magligpit ng mga pinagkainan si Mimi na nakatokang maghugas.
Nang malinis na nila at dinala na ni Mimi ang mga hugasin sa lababo. Hindi pa nagtatagal nang marinig nila ito.
"'Ma, barado ang lababo!"
Andy shrugged her shoulders. Inubos niya ang iniinom na tubig saka lumapit kay Mimi. Nakita niya itong bumusangot dahil barado na nga ang lababo, dumagdag pa siya ng isang hugasin. Sinupil niya ang kaniyang tawa saka kinurot ang pisngi nito.
"Tatawag na si Nanay Angge ng aayos n'yan."
Gaya nga ng sinabi niya, tumawag si Nanay Angge ng puwedeng mag-ayos. Walang available na tubero kaya inabot pa ng alas-tres bago may dumating sa bahay. Hindi niya inasahan na si Ion ang pupunta para ayusin ang nabarang tubo. Nangingiti pa siya habang pinapanood ang binata.
"Did not expect to see you here," she said before giving him a dry towel. Nabasa kasi ito habang kinokompuni ang lababo.
Ion scrunched his nose while wiping his face. "Then, you should expect more from me," he replied zestfully.
"Hmp! Tapos ka na ba?" tanong niya. Tumango si Ion kaya inaya niya muna ito para magpahinga sa may sala. Malakas pa rin ang ulan, madilim din ang palagid na animo gabi na kahit ang totoo ay hapon pa lang.
"Nagsisimula na raw tumaas ang baha sa kabilang barangay," pagbabalita sa kanila ni Mitch. "Tinaas na rin ng PAGASA ang signal sa Southwest Luzon. Paniguradong mayamaya lang ay mawawalan na ng kuryente."
Sabay-sabay silang napatingin sa pintuan nang iluwa niyon si Kaloy na basang-basa, hawak ng isang kamay nito ang sira-sirang payong.
"Nandito ka lang pala," tukoy nito kay Ion na tulad nila ay nagtataka rin sa sadya ng lalaki. Tinawag nito ang nobyo niya at may sinabi.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...