"NAGSIMULA na ba iyong laro?" tanong ni Mitch kay Pelita na kanina pang naghihintay sa kanila sa labas ng basketball court. Maingay na rin sa loob.
Luminga siya sa paligid. "Ikaw lang ba ang nandito, Pelita? Nasaan iyong iba?"
"Hindi pa nagsisimula iyong laro," sagot nito kay Mitch at bumaling naman sa kaniya. "Si Ching, Mimi at Pita nasa loob na, naghihintay. Si Bakla, missing in action." Nagpatiuna ito sa paglalakad, sumunod naman sila ni Mitch dito.
Pagpasok nila ay nakita kaagad nila si Ching kasama si Mimi at Pita. Tumabi sila sa mga ito.
"Nasa'n si Bakla?" tanong ni Mitch kay Ching na kumibit-balikat lang. Hindi na ito nag-usisa pa dahil magsisimula na ang laro.
Naghiyawan sila nang magsilabasan ang mga manlalaro. Kaagad na hinanap ng mga mata niya si Ion. Mabilis naman niya itong nakita. Kumaway ito sa kanila at ganoon din sila rito at sa team nito.
Pumapalakpak siya at manaka-nakang sumisigaw sa tuwing nakakapuntos sina Ion. Hindi na niya napansin ang biglang pananahimik nina Mitch. Nang nilingon niya ang kaniyang matalik na kaibigan ay masama na ang timpla nito, ganoon din sina Pelita.
Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng mga ito nang masama. Hindi na siya nagtaka pa dahil dumating na ang mga nakaaway ng mga ito dati. May bago ring salta at may pa-banner pa para sa team nina Ion. At ayon nga, kinompetensya pa sila sa pag-cheer.
"Nagsama pa ng bagong kakampi. At anak pa talaga ni Kapitan!" paismid na sabi ni Ching.
"Kung nandito lang sana si Bakla. . ." bulong naman ni Pelita.
Nagsimula na rin ang pagpapaulan ng parinig ni Mitch, kahit sina Pelita. Hindi naman nagpatalo ang kaaway ng mga ito. Samantalang nanatili ang atensyon niya sa mga naglalaro at pinanood si Ion na tumatakbo.
"Hala! Sino iyong hottie player sa team nina Ion my labs?"
Gusto niyang maduwal sa sinabi ng babae na katabi niya. Kasama ito sa grupo ng mga kaaway nila Mitch. Hindi niya gusto ang amoy nito na pinaghalong matapang na perfume at asim. So gross. Kadiri!
Lumingon siya kay Ching na biglang nagsalita.
"Guys! 'Di ba si Bakla 'yon?" turo nito sa isang player na ka-team nina Ion na malambot kung humawak ng bola at tumakbo. Mukhang na-turn-off naman doon ang kabilang grupo.
Ngumisi siya. Si Shonak nga iyon.
Pumalakpak sila at sumigaw nang pasahan ng bola si Shonak at nakapuntos. Proud na proud sila sa kaibigan na tumingin pa kanilang direksyon at nag-flying kiss. Pabiro iyong sinalo ni Ching at dinala sa dibdib, nagkunwari naman ang bakla na nasusuka sa nakita.
Tumawag ng time-out ang kabilang team. Iyon na ang pagkakataon nila para asarin ang missing in action nilang kaibigan.
"Hot ka raw, Bakla. Sabi ni Fish fillet." Humagikgik si Pelita pagkatapos bumulong kay Shonak.
Tinaasan ng isang kilay ni Shonak ang babaeng tinawag na Fish fillet at umismid.
Bumaling naman siya kay Ion dahil may biglang humarang dito habang naglalakad palapit sa kanila. Iyon ang babaeng anak daw ng kapitan ng barangay. Hindi komportable si Ion sa ginawang paglingkis dito ng babae. And the slut also had the audacity to kiss his cheek!
Umiwas siya ng tingin sa dalawa at nakita naman niya si Mitch na abala sa pagpunas ng pawis ng nobyo nitong si Kaloy. She felt something digging inside her.
Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. Kinuha niya ang bottled water na nasa kamay ni Shonak na bubuksan na sana nito para uminom.
"Andy—"
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...