Chapter 58

13 0 0
                                    

NAGISING si Andy dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa may puson niya. Blangko niyang itinitig ang kaniyang mga mata sa kisame bago kiniling ang ulo sa katabi. On her left was Ion, sleeping soundly while his arm was wrapped around her waist.

Ramdam niya pa rin ang init na dulot nang nagdaang gabi. Everything was perfect, she reckoned. Her lips curved into a smile as she stares at his peaceful face.

Nang dumako ang paningin ni Andy sa nakabukas na bintana ng kuwarto ay saka lang siya natauhan. Bumalikwas siya ng bangon at kamuntikan niya pang makutusan ang sarili nang gumalaw si Ion. Akala niya ay nagising niya ito.

Sinamsam niya ang mga nagkalat na gamit at damit sa sahig at siniguradong walang matitirang kahit anong bakas ng nangyari. When Andy finally dressed herself up, she slowly tiptoed towards her sleeping boyfriend then planted a soft kiss on his forehead.

"Thank you," she whispered. "I love you."
Walang ingay na lumabas siya sa silid at bumaba.

Sinipat niya ang suot na relong pambisig saka napakagat-labi. Malapit nang mag-alas sais sa umaga, siguradong gising na ang mga tao sa bahay na tinutuluyan niya. Akala pa man din ng mga ito ay roon niya natulog.

Pagpasok ni Andy sa bahay ay natanawan niya kaagad ang nakatalikod at abalang pigura ni Nanay Angge sa kusina. Dahan-dahan ngunit may kabilisan siyang tumungo sa hagdan deretso sa kuwarto niya at tahimik na nagpasalamat na walang nakapansin sa kaniya. Maingat na pinihit niya ang siradora ng pinto ng kaniyang silid, maingat din niya iyong sinara.

"Bakit ngayon ka lang?"

Halos mapatalon siya sa sobrang gulat nang marinig ang tinig na iyon ni Mitch na nagmula sa kaniyang likuran. Pagtalikod niya ay nakita niya ang matalik na kaibigan na nakaupo sa ibabaw ng kama niya.

"Ano’ng ginagawa mo rito sa kuwarto ko?" balik tanong niya kay Mitch.

Tumayo ito saka siya pinanhalukipkipan. "Well, Miss Hernandez, kagigising ko lang po. I was about to go downstairs when I remembered you. Hindi tayo magkasabay na umuwi kaya naisipan kong tingnan kung nandito ka ba at himbing sa pagtulog." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at pabalik. Seconds later, a knowing look appeared on her best friend’s face. "Saan ka natulog? 'Yan din ang damit na suot mo kagabi kaya sigurado ako na hindi ka nagpalit."

She gulped. Should she tell her about what happened last night? Ipinilig niya ang kaniyang ulo. It’s none of Mitch’s business to pry on her life.

"It was already very late kaya hindi na ako umuwi. Isa pa ay masyado na akong pagod para umalis sa bahay ni Ion," aniya.

"Okay," sagot naman ni Mitch habang hindi pa rin binabawi ang paningin mula sa kaniya. "Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi porket kayo na— ulit— ay puwede na kayong magpadalos-dalos."

Her forehead creased. "What’s with you, Mitch? We did not break up," she clarified. "At huwag kang mag-alala, it’s not like what you think."

Tanging kibit-balikat lang ang naging tugon nito sa kaniya bago humakbang palapit sa pinto. Huminto ito sa tabi niya. "Nakita ka ba ni Mama?"

"Hindi," sagot niya.

"Maligo ka na. Pagkatapos mo ay bumaba ka para sa almusal."

"I will. Thank you."

Nang lumabas na si Mitch ay saka lang nakahinga nang maluwag si Andy. Katulad ng bilin ng matalik niyang kaibigan ay naglinis nga siya ng katawan at bumaba para mag-agahan kasama ang mga ito.

Tahimik nilang naitaguyod ang umaga at pagsapit ng hapon ay nagpatuloy sila sa kaniya-kaniyang gawain.

"Yes, I understand. . . I'll call you again next time." Hindi naitago ni Mitch ang gulat nang pagtalikod nito ay naroon pala si Andy na ganoon din ang reaksyon.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon