ALAS-KUWATRO pa lang ng umaga ay gising na si Andy. Nababaan niya sa kusina si Nanay Angge na maaga ring gumising upang mamalengke at para maghanda ng almusal nila.
"Saan ka pupunta, Andy?" tanong sa kaniya ng ginang nang lumapit siya sa refrigerator upang kumuha ng maiinom na tubig.
"Jogging ho," sagot niya rito.
Tumango ito pagkatapos siyang pasadahan ng tingin. Nakasuot siya ng sweat pants at hoodie jacket, sa ilalim niyon ay nakasuot lang siya ng sports bra.
"Mag-iingat ka." Kinawayan niya ang ginang pagkalabas niya ng bahay.
Mabagal ang takbo ni Andy habang nakikinig sa musika mula sa kaniyang ipod. Mababa pa ang hamog at kakaonti pa lang ang mga taong nakakasalubong niya sa daan. Huminto siya sa pagtakbo at tumayo sa ilalim ng nahintuan niyang puno ng talisay para mag-unat ng katawan. Pagkatapos niyang mag-stretching at uminom ng tubig ay tumingin siya sa palagid.
Naalala niya noong mga unang araw niya sa lugar na iyon. Wala pa rin naman nagbago, subalit batid niya na hindi rin iyon magtatagal at unti-unti na ring may mababawas at madagdag sa lugar.
Sinipat niya ang oras sa suot na relong pambisig bago pinuno ng preskong hangin ang kaniyang baga bilang paghahanda sa muli niyang pagtakbo.
Nang malayo-layo na ang narating ni Andy mula kaniyang pinanggalingan ay may narinig siyang busina ng kotse. Nasa gilid siya ng kalsada kaya nabigla siya nang paglingon niya'y may rumaragasang sasakyan na patungo sa kaniyang direksyon. Natuod siya sa kinatatayuan kaya hindi niya nagawang gumalaw at napapikit na lang siya.
Mabilis ang mga pangyayari. Sa isang iglap ay natagpuan na lang niya ang sarili na nakakulong sa malalaking bisig. Habol ang hiningang tumingala siya sa nagmamay-ari ng pamilyar na amoy na nanunuot sa kaniyang ilong. Umawang ang kaniyang mga labi nang makita ang madilim na anyo ni Ion. Nagpupuyos ito sa galit habang nakatingin sa humintong sasakyan.
"I-Ion—"
"D'yan ka lang." Binitawan siya ng binata at malalaki ang hakbang na naglakad ito patungo sa tumigil na sasakyan ilang dipa mula sa kanila. Kinatok nito ang bintana ng itim na sedan at sinenyasang bumaba ang sakay niyon.
Niyakap ni Andy ang kaniyang sarili habang pinapanood ang pakikipag-usap ng kasintahan niya sa binatang driver ng sasakyan. She was still dazed and her hands were slightly trembling from the shock.
"Sa susunod mag-iingat ka. Ang lawak-lawak ng kalsada, muntikan ka pang makadisgrasiya." Dinuro ni Ion ang hintuturo nito sa dibdib ng binata. "Ang aga pa para mamirhuwisyo ka!"
"Pasensya na ho, sir," paumanhin ng lalaki.
"Pasensya?"
Mabilis ang ginawang hakbang ni Andy nang akmang aambahan ni Ion ang lalaki. Pinigilan niya ito sa braso at nakikiusap na tiningnan sa mga mata.
"Hayaan mo na lang." Binalingan niya ng tingin ang binata at mapang-unawang nginitian. "Just drive safely next time. Kung nag-aaral ka pa lang, mas maiging mag-enroll ka sa driving school."
"Opo. Pasensya na ulit, miss."
Tumango siya saka ito hinayaang umalis. Ilang sandali rin silang hindi nagkibuan ni Ion bago ito nagsalita.
"Bakit hinayaan mo lang?" Bakas ang iritasyon sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
"Ligtas naman ako, Ion. At mukhang hindi naman niya sinasadya."
"'Mukhang'— parang. Muntikan ka nang masagasaan, Andy. Nakaligtas ka kasi nagkataong nakita kita. Paano kung hindi?" Hinilamos nito ang dalawang kamay sa mukha nito. Noon lang din niya napansing nakasuot ito ng running shorts at t-shirt na basa ng pawis. Kagagaling lang nito sa mahabang pagtakbo.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...