Chapter 14

110 41 12
                                    

PINAYPAY ni Andy ang isa niyang kamay sa ere nang may malanghap siyang alikabok habang naglilinis kasama si Ion.

"Okay ka lang?" tanong nito sa kaniya habang pinipigilan ang tawa.

She shook her head as she tries to avoid the dust. "Ilang taon ka na bang hindi naglilinis, ha?"

"Months pa lang naman."

"Ilan nga?"

"Mga twelve months."

Inis na hinagis niya rito ang walis tambo at lumipat naman sa ibang lugar ng loob-bahay.

Dalawang araw rin ang ginugol nila sa pagpalilinis ng bahay nito at hindi pa tapos. Sa katunayan ay nagtataka na sina Mitch kung bakit palagi siyang nasa bahay ng binata dahil wala naman siyang pinagsabihan ng totoong dahilan. Ang alam lang ng mga ito ay nakikitambay siya.

Kasalukuyan sila ngayong nagri-repainting ng pader sa may sala ng bahay nito.

"Don't look at my ass!" saway ni Andy kay Ion na hinahawakan ang tinatapakan niyang hagdan para hindi gumalaw.

"Hindi ako tumitingin," sagot nito na totoo naman dahil nakalihis ang paningin nito mula sa kaniya.

"Huwag kang bibitaw," aniya habang dahan-dahang bumababa sa hagdan. Success naman siyang nakababa at walang nangyari.

"Tapos na?" Tumingala ito para tingnan ang naging resulta ng ginawa niya. Wala naman itong naging reklamo.

"May pintura ka sa mukha," turo niya sa pisngi nito. Pinigilan niya ang kaniyang sarili na matawa nang imbis na mabura ay mas lalo pang nadumihan ang pisngi nito ng pahirin nito iyon gamit ang kamay na punong-puno ng pintura.

"Ikaw din naman, ah!" Huli na bago siya naka-iwas dito dahil pinahiran na siya nito sa magakabilang pisngi niya.

Ngumisi siya bago kinuha ang ginamit niyang paint brush. Aalis na sana ang punterya niya mabuti na lamang ay mabilis ang kaniyang mga kamay.

Tumawa ito at ganoon din siya. Nagkatinginan sila at alam na niya kaagad na hindi ito magpapatalo sa kaniya. Pinigilan siya nito sa pamamagitan ng pagyakap sa kaniya mula sa likuran nang akma siya kakaripas ng takbo. Pinahiran siya nito sa buong mukha ng pintura. Tawa lang ang naging tugon niya habang ginagawa nito iyon. Hinarap niya ito at tinulak sa mukha.

"Sandali! Tama na. . ." hinihingal na sabi ni Ion habang hindi pa rin tumitigil sa pagtawa tulad niya.

Pinagsalubong niya ang kaniyang mga mata at benilatan si Ion. Tanging halakhak naman ang naging tugon ng binata sa kaniya.

Pareho silang habol ang hininga nang maupo sa sahig at umandig sa pader na mabilis natuyo ang pintura.

"'Kapagod. . ." usal niya habang sinisipat ang kamay at braso na puno ng kulay pati ang suot niyang damit.

"Ikaw kasi, eh. . . Pati tuloy buhok mo napinturahan," anito habang sinusubukang tanggalin ang tumigas sa pintura sa buhok niya. "Maligo ka na nga lang!" anito nang walang nangyari.

Natigilan sila at nagkatinginan. Noon lamang nila napagtanto na masyado silang malapit sa isa't isa.

Naiilang na dumistansya siya rito. "Puwede bang. . . m-makiligo?"

Bahagyang umawang ang bibig ni Ion habang nakatingin sa kaniya. "Y-yeah. Oo naman." Kumamot ito sa batok saka tumayo. "Sandali. May kukunin lang ako." Umalis ito at pagbalik ay may dala ng malinis na damit na pagpapalitan niya at tuwalya.

"Salamat." Tumayo siya at tinanggap ang inabot nito. Tiningnan niya ang damit at napansing pambabae iyon at mukhang kasyang-kasya sa kaniya.

"Sa ate ko 'yan. Naiwan niya rito nang bisitahin niya ako," sagot ni Ion na tila nabasa ang tanong sa isip niya.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon