Chapter 51

30 3 0
                                    

HUMIGPIT ang pagkakahawak ni Andy sa manibela ng minamaneho niyang sasakyan nang matapat siya sa napakalaking arched gate ng mansyon ng grandparents niya sa mother side. Isang security personnel ang lumapit at kumatok sa bintana ng minamaneho niyang coupe. She was forced to rolled down the window.

"Good day, ma'am. May—" nahinto ito nang mapagmasdan siya. Alanganin itong humakbang paatras bago nagsalita sa walkie talkie na hawak nito, pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya at bahagyang yumuko.

Walang emosyon ang mga matang minasid niya ang pagmamadaling mabuksan ang napakalaking gate ng dalawang tauhan na in-charge sa seguridad ng pamilyang naninirahan sa malawak na kalupaan. Andy sighed before driving her car on the longest driveway she had ever known. She tried to fancy herself by looking at the most familiar and unchanged scenery. Sa gilid ng driveway ay may mga nakatanim na iba't ibang klase at kulay ng mga rosas. Some were even high breed and imported from Europe. There was also a hedge maze, where she recalled hiding from when her grandmother lashes at her. Her face grimmed at the memory.

Everything looks so expensive. From landscape to architectural designs. Dumako ang paningin niya dwarf pine trees na matiyagang hinugis ng hardinero, naiinis ang lola niya kapag hindi maayos at presentable ang mga iyon. Sa unahan ay natatanawan na niya ang tatlong fountain na ilang metro ang layo sa bawat isa. Pinakamalaki ang nasa gitna kung saan may imahe pa ng Greek goddess buhat ang biyak na banga kung saan lumalabas ang tubig. Iyong dalawa na nasa kaliwa't kanan ay imahe naman ng batang kupido na may piring ang mga mata.

Hininto ni Andy ang sasakyan sa tapat ng pinamalaking fountain na siyang sentro ng lupain ng mga Hernandez. Bumaba siya at tiningala ang malaking baroque style mansion. It was designed by a famous French architect in mid 80s.

Naalala niya noong doon pa siya naninirahan, halos buwan-buwan ay nagpapa-party ang grandparents niya. Invited lahat ng mga kaibigan ng mga ito sa politika at alta sociedad, and everyone would say high praises and show envy for the couples' properties.

She brought one of her hands to her face to block the sun's rays that dazzled her eyes. Ipinilig niya ang kaniyang ulo bago sinulyapan ang kaniyang sasakyan. May nakatayo na sa tabi niyon na nakaunipormeng lalaki.

"Take the car." Binigay niya rito ang susi ng coupe para dalhin sa garahe. Muli niyang tiningala ang mansyon saka humugot ng malalim na hininga. Nagmumukha iyong kastilyo sa gitna ng konkretong kagubatan.

Pinanhik niya ang hagdan patungo sa malaking main door. Kasya na roon ang higante at sa gilid naman ay tinted glass. Her grandparents were filthy rich, lalo na ang lola niya. Sayang lang dahil babae ang naging solong anak ng mga ito at babae rin ang bastardang apo. She grimaced inside her mind. What a sarcasm, she thought.

Hindi niya naitago ang pagkamangha nang bumukas ang pinto pero wala naman siyang nakitang tao roon. Instead, she was welcomed by the rich furnitures, shining ceiling, and floor. Mahilig sa baroque design ang lola niya kaya pati mga kasangkapan ay ganoon din. Everything was deep with emotion. The huge chandelier hanging on the almost 30 feet height ceiling, even the display porcelain jars screams wealth and power. Napailing siya. Ni sa panaginip ay hindi niya sukat akalaing minsan na iyon naging empyerno at bilangguan niya noong pagkabata. Being there again suffocates her.

Umangat ang paningin niya sa life-sized portrait ng tinaguriang reyna ng buong kabahayan na iyon, kung tagurian naman ng iba ay Doña Guada, na nakasabit sa dingding ng punong hagdan.

Her grandmother was a female business tycoon who married a well-known politician. The two dominated the business and politics world together until that time. She remembered hearing about how wide her grandmother's business empire was. Marami na ring napabagsak ang nasirang matanda, partikular na ang mga Santiago— her father's family. Kung may kinatatakutan man ang malalaking negosyo mapa-lokal man o abroad, ang lola niya na iyon.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon