Chapter 33

61 8 5
                                    

ANDY cleaned herself thoroughly and made herself presentable as much as possible. She wore a simple sundress and flat shoes. Pagkatapos niyang ayusan ang sarili ay lumabas siya sa maranyang silid na ang sabi ni Nanay Sabel ay pag-aari ng nakakatandang kapatid ni Ion. Namamanghang naglakad siya sa grand foyer at pinagmasdan ang mga mamahaling chandelier na nakasabit sa kulay gintong kisame. Hindi na bago sa kaniya ang makapasok sa ganoong karanyang tirahan, not to mention her family also owned a mansion in Forbes park village, pero mas warm at homey ang pakiramdam niya sa mansyon ng pamilya ni Ion.

Mas lalo pa siyang namangha nang tumingala at nakita ang historical painting sa vaulted ceiling. She stared at the artwork until she was able to name it.

"The Raft Of The Medusa," she mumbled.

Lumapit siya sa isang napakalaking larawan sa itaas ng grand brown and console table. It's a family portrait painting. Puro naka-formal attire ang mga nasa larawan at unang beses niyang nakita sa ganoong kasuotan si Ion na charcoal americana. Mas bata pa roon ang boyfriend niya na sa kanyang tansya ay sixteen pa lang. She giggled. He's really cute and handsome at the same time. Tumingin siya para sa pangalan ng artist na gumawa ng portrait na naka-sign sa ibabang parte. Lumubo ang puso niya sa nang makita ang pangalan na nakasulat. It was Ion's masterpiece.

"Nagustuhan mo ba?" Lumundag ata palabas ng kanyang rib cage ang puso niya dahil sa biglang paghawak ni Ion sa magkabila niyang balikat mula sa kaniyang likuran. She could smell his manly scent and expensive perfume he always wear. His mouth was very close to her left ear. "Tell me you liked it, my love."

Pumihit siya paharap dito at ngumiti nang matamis. "Pero mas gusto ko 'yong gumawa."

"Gano'n ba?" Nilapit nito ang mukha sa kaniya. "Nasaan yung patunay sa sinabi mo?"

Mas lalo pa siyang ngumiti nang makita ang pagkislap ng mga mata nito. She chuckled as she pinched his nose. "I love you!"

"Mas mahal kita." Humalik ito sa kaniyang noo at ginagap ang isa niyang kamay at iyon naman ang ginawaran ng halik. "Tara na! Naghihintay na sa atin sina Mama."

Inakay siya nito papunta sa dining area kung saan naghihintay na sa kanila ang mga magulang nito. Unang lumapit sa kaniya ang ina ni Ion. Ion's mother is a very beautiful woman, she has this sweet smile on her face and approachable look. Matangkad itong babae at halos hindi sila nagkakalayo ng height, which is 5'7.

"I'm so happy to finally meet you, Andy!" Nabigla siya nang yakapin siya nito nang mahigpit at hinagkan sa magkabilang pisngi.

She was too stunned to speak until Ion's father neared her and offered a hand to shake. She took it. He has this formal expression on his face but it became sweet when he suddenly smiled while taking her hand and squeezed it gently. "You're beautiful just as what our son said you were."

Flattered siyang ngumiti. Guwapo ito katulad ni Ion. Dito namana ng huli ang kulay ng mga mata at buhok.

"I'm Robert, by the way." Hinawakan nito ang kamay ng asawa na bakas ang excitement sa mukha. "And this is my beautiful wife, Jesse. Call us 'tito' and 'tita'."

Tumango siya. "Opo. Nice to meet you."

"Very nice!" Ion's mother cupped her face. "I love the color of your eyes. What are they?" The lady was gazing at her intently.

"Golden brown po."

"Very pretty. Nag-try ka na bang maging model, Andy."

She giggled. "Nope. The job's not for me."

"Mas bagay sa 'yo ang maging mysterious writer." Jesse lifted her chin.

"Tama na 'yan, Ma." Hinawakan siya ni Ion sa siko at bahagyang nilayo sa nanay nito. "You're being weird again."

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon