HUMINTO sa paghakbang si Andy nang matanawan niya ang ilog sa lugar na pinagdalhan sa kaniya ni Mitch. May nakatayo ring open cottage na gawa sa kawayan at nipa hut na malapit lang sa tabing-ilog, may nakita rin siyang aktibidad ng mga tao roon.
"Bruha!" Dumako ang mga mata niya sa may kapayatang babae na yumayap kay Mitch.
"Kompleto na ba?" tanong dito ng matalik niyang kaibigan.
"Wala pa sina Kaloy." Tumingin sa kaniya ang babae saka ngumiti nang matamis. Matangkad ito at may straight at makintab na buhok. "Ikaw si Andy, 'di ba? Madalas ka sa 'ming maikuwento nitong si Mitch sa tuwing umuuwi rito," sabi nito.
Bumaling siya kay Mitch na alanganing ngumiti sa kaniya. "Tina-topic mo ako sa kanila?"
"Isang beses lang kita nabanggit. Niloloko ka lang nito." Pabiro nitong tinulak palayo ang payat na kaibigan. Tawa naman ang tinugon ng huli.
Nagsimula na rin silang maglakad patungo sa kinatitirikan ng open cottage. Ang kuwento sa kaniya ni Mitch ay sila-sila lang na magkakaibigan ang nagtayo niyon noon.
Pagpasok nila roon ay sinalubong sila ng isa pang babae na maputi at medyo singkit ang mga mata. Katabi nito ang isang gay person na kumaway sa kanila ni Mitch. Disente ang suot ng bakla hindi katulad ng mga nakikita niya sa siyudad. Napag-alaman niyang Pelita ang pangalan no'ng unang sumalubong sa kanila, Ching naman ang tawag sa singkit, at Shonak naman iyong bakla. They were all friendly and accommodating towards her .
"Na-miss kita, sis." Niyakap ni Shonak si Mitch at nakipagbeso. Ganoon din ang ginawa nito sa kaniya. "Ang pretty mo, girl. Kakagigil!"
Awkward na ngumiti si Andy sa bakla saka umiwas ng tingin.
"Andy, gusto mo ng mangga?" alok sa kanya ni Pelita. Ang isang kamay nito ay may hawak na hilaw na mangga, ang isa naman ay tasa ng kulay brown na hindi niya alam.
"Bagoong," bulong sa kaniya ni Mitch. Tumango naman siya.
"Ito na lang ang tikman mo," suhestiyon ni Ching na may hawak na mga dalandan. "Ninakaw pa namin 'to sa pananim ni Mang Kanor— aray!"
Hinimas ng singkit ang tuktok ng ulo nito na biglang pinalo ni Pelita. Tumingin ito sa kaniya saka bumungisngis, nawala tuloy ang mga mata nito.
"Biro lang iyon, Andy! Huwag mong seryosohin 'yong huli kong sinabi," anito saka binitawan ang hawak na prutas.
"Sino si Mang Kanor?" usisa niya rito.
Saglit itong natigilan at bahagya pang umawang ang bibig na para bang hindi makapaniwala sa kaniya. Tumingin ito sa mga kasama nila. Narinig naman niya na nagtawanan sina Mitch at tinukso ang dalaga.
"Iyan kasi, Ching. Tigilan mo na ang pagtirador sa mga prutas ni Mang Kanor. Guilty ka na, eh," sabi rito ni Pelita. Bumaling naman sa kaniya ang huli. "Tiyuhin ni Shonak si Mang Kanor na may-ari ng taniwan na malapit lang dito. Walang takot do'n si Ching at palaging nangunguha ng mga pananim na prutas ng matanda."
"Oyy! Nagpaalam kaya ako kanina sa kanya nang kinuha ko 'yang mga dalandan. Good girl na ako, noh!" depensa naman ni Ching.
Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Kaloy na may dalang mga pagkain at inumin.
"Hello, Andy!" bati sa kaniya ni Kaloy. As usual, nakangiti na naman ito.
"Hi." Tumingin siya kay Ion na may dalang balde na ang lamang ay yelo at softdrinks. Tinanguan lamang niya ito.
"Fafa Ion. Let me help you with that." Lumapit si Shonak sa binata at kinuha ang dala nito.
Umiwas na siya ng tingin mula kay Ion saka nagpatuloy sa pagkain ng mangga with bagoong. Nagustuhan niya iyon kahit pa maselan ang tiyan niya.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...