TINULAK ni Andy pabukas ang gate ng bahay ni Ion. Dere-deretso siya patungo sa garahe kung saan niya naabutan ang nobyo na may pinaliliguang malaking aso. Isa iyong golden retriever na malakas kung tumahol. Natigil siya sa paghakbang sa pag-aalalang baka bigla na lang siya nitong sakmalin.
"Kailan ka pa nagkaroon ng aso?" tanong niya kay Ion.
"Ngayon lang. Hiniram ko muna si Bart sa ate ko," sagot nito habang sinasabon ang malaking aso. "Stop, Bart!" saway nito sa hayop na panay ang kawag ng buntot at galaw. Nakalabas din ang dila nito habang nakatanaw sa kaniya. "You liked that pretty lady, huh?" Tumawa ang nobyo niya nang dumamba si Bart dito.
Matapos paliguan ang aso ay tinanggal ni Ion ang nakakabit na kadena sa colar nito para hayaang tumakbo. Kaagad na lumapit sa kaniya si Bart at kiniskis ang basang balahibo sa binti niya. Natuwa siya lalo na nang kinawag nito ang buong katawan dahilan upang tumilamsik ang tubig mula sa basa nitong katawan. Nagtatakbo ito sa bakuran ng bahay at gumulong-gulong sa bermuda grass.
Ion neared her and hugged her tightly. He also planted a light and feathery kiss on her lips.
"Now. Bakit ka nandito? Akala ko ba may gala kayo nina Mitch?" Hinawakan nito ang isa niyang kamay at iginiya siya sa bakuran at umupo sa damo. Naglalark naman si Bart sa hindi kalayuan.
"Wala akong kasama sa bahay. Umalis sina Mitch at Kaloy para gumala nang sila lang. Si Nanay Angge at Mimi naman ay may pinuntahan," sagot niya kay Ion.
"I thought you were busy writing your manuscript."
"Tapos na ako. I'm up with my new story kaso wala pa akong maisip."
"Maisip na?"
Tiningnan niya ito. "Storyline."
"Bakit?"
Kumibit-balikat siya. "Gusto kong magsulat ng bago."
"What do you mean by that?"
"I want something new. A thing that I never tried writing before. Like romance," she replied.
"You want new and fresh ideas?" Tumango siya. "Gusto mo bang maglibot kasama ko?"
"Saan?"
"Marami akong alam na magagandang lugar na tiyak na magugustuhan mo." Ngumisi ito. "Sigurado ako na maraming idea ang papasok sa isip mo na parang agos ng tubig kapag nakapamasyal ka rito."
Kunwari niyang pinag-isipan ang sinabi nito bago ngumiti ng pagkatamis-tamis dahilan upang matunaw ang puso ni Ion sa pagkagiliw. "Okay. I'm in!"
"I promise that you would enjoy everything with me." His face descended to claim her lips with a soft kiss. Her eyes vonluntarily closed to savor his sweet flavored lips.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay nakaramdam sila pareho ng pagkabitin. Kaya naman nang dalhin ni Ion ang isang palad nito sa kaniyang batok ay agad niyang sinalubong ang mga labi nito. They kissed passionately. Parang naglaho ang lahat ng nasa paligid habang hinahagkan nila ang isa't isa. Tumigil lang sila nang kailangan na nilang sumagap ng hangin ngunit nanatiling magdikit ang kanilang noo at malapit ang kanilang mga labi. Ion laughed as he happily cupped her face to give her a quick kiss on the forehead down to the tip of her nose.
She grinned. Gamit ang kaniyang hintuturo ay tinusok niya ang gitna ng dibdib nito dahilan upang mapaigtad ito sa pagkagulat.
"You—!" Hindi na niya napigilan ang tawa na nakulong sa kaniyang lalamunan ng pupugin nito ng halik ang kaniyang buong mukha. Mariin din siya nito hinagkan sa mga labi. "You naughty woman!" anito sa pagitan ng paghalik sa kaniya.
Tinugon niya ng kaparehas na intesidad ang halik nito. And they were lost again in their own world. Kung hindi pa dahil sa malakas na tahol ni Bart ay hindi pa maghihiwalay ang kanilang mga labi. Habol ang hininga na tiningnan nila pareho ang tinatanaw ng aso.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...