HINDI makapag-focus si Mitch sa ginagawa dahil sa biglaang pagdaloy ng kilabot sa mga ugat niya. Tumingin siya sa labas at bumuga ng hangin nang makita ang malakas na buhos ng ulan. Hinilot niya ang kaniyang sintido dahil sumasakit iyon.
"Oy, Mitchell!" Nilingon niya ang kumalabit sa kaniya na si Ching. Nakikitambay muna siya sa bahay ng singkit na kaibigan kasama sina Pelita at Shonak, pati ang kaniyang nobyo. "Bakit hindi mo sinama dito si Andy? Masama pa rin ba ang pakiramdam nya?"
Tumango siya.
Pansin niya ang pananamlay ng matalik niyang kaibigan nitong mga nakaraang araw. Hindi naman siya tumigil sa pang-uusisa kay Andy pero ito na mismo ang umiiwas na sagutin ang mga tanong niya. Minsanan na siyang nagising sa kalagitnaan ng malalim na gabi para tingnan ang kaibigan niya sa kuwarto nito at narinig niya ang pagduduwal nito sa loob ng banyo. May bumangong hinala sa isip niya, at ang hinalang iyon ay ang pilit niyang tinataboy nang paulit-ulit.
Well, hindi naman siguro, 'di ba? Walang nababanggit sa kaniya si Andy tungkol sa sekswal na aktibidad nito. At ayaw naman niyang manghimasok.
Kumamot siya sa kaniyang ulo at pumalatak nang matindi na ikinagulat naman ng mga kasama niya. Kiniling niya ang ulo siya sa pintuan at nakita si Mimi na tumatakbo papunta sa kanila hawak ang luma nilang payong upang panangga sa ulan. Halos wala naman iyong pakinabang dahil nabasa pa rin ang kapatid niya.
Tumaas ang kilay niya nang mapansing umiiyak ito. "Ate. . ."
Hindi siya nakapagsalita dahil tulala lang siya rito. Muli siyang nilukob ng kilabot sa kalamnan dahil uri ng tingin ng kaniyang kapatid.
"Bakit ba, Mimi?" tanong dito ni Ching. Nag-aalala na rin ang iba dahil patuloy lang ito sa pag-iyak.
"May nangyari ba?" tanong naman ni Pelita.
"S-si Ate Andy. . ."
Iyon ang nagsilbing hudyat niya upang lumusong sa gitna ng ulan. Tinawag siya ng mga kaibigan niya pero hindi niya pinansin ang mga ito at patakbo siyang umuwi sa bahay nila.
"'Ma?" tawag niya agad sa nanay niya pagpasok niya sa kanilang tahanan. "'Ma!" Nakita niya ang hinahanap na pumapanaog sa hagdan. Galing ito sa kuwarto nila.
"Mitchell," gulat na anas nito sa pangalan niya nang mapagmasdan ang kaniyang hitsura. Basang-basa siya dahil sa ulan.
"Si Andy ho?" Akma sana siyang aakyat nang pigilan siya ng ginang sa braso.
"Umalis na siya," sagot nito.
"Ho? Bakit hindi nyo pinigilan?" tanong niya rito.
"Mahirap pigilan ang taong buo ang desisyon. Nakiusap ako pero mukhang wala namang naririnig."
"Bakit. . ." nanghihinang sambit niya.
"Lumabas siya at pagbalik ay iyon na. Uuwi na raw siya."
Sinabunutan niya ang sariling buhok bago kinuha ang cellphone niya sa loob ng bulsa. Pabalik-balik siya sa sala habang sinusubukang kontakin si Andy pero walang sumasagot.
"Saan siya pumunta, mama?" tanong niya sa ina habang patuloy na tinatawagan ang numero ng kaibigan.
"Kay Ion."
"Punyeta!" sigaw niya niya dahil puro dial tone at service voice lang ang naririnig niya sa kabilang linya.
Pabagsak siyang umupo sa sofa saka binaon ang kaniyang mukha sa dalawa niyang palad. May bumangong galit sa dibdib niya nang matapos niyang iproseso sa isip ang naging sagot ng nanay niya.
Galing si Andy sa bahay ni Ion. What could possibly happened that made her friend go away? Anything.
"Na-contact mo na ba?" tanong sa kaniya ni Pelita na tinabihan siya at hinagod ang likod niya. Kanina pa sila naghihintay pero wala pa rin.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...