Epilogue

22 0 0
                                    

Hindi alam ni Andy kung oras, araw, o linggo na siyang nananatili sa mala-paraisong lugar na iyon. Mula noong magkamalay siya ay tila nakatali na siya roon.

Everything in the place was so beautiful and magical. The river was so clear, and it flowed backwards; the sun never set on the horizon; and flowers bloomed in different shapes and colors. She felt so tranquil while inhaling the fresh breeze.

Nakakatakbo at ikot siya sa berdeng damo na kay-gaan sa tuwing itatapak niya ang kaniyang mga paa. Kailanman ay hindi siya nakaranas ng ganoong katahimikan at kapayapaan sa tanang buhay niya. Sinusunod ng hangin ang bawat gusto niya animo isa siyang prinsesa.

Everything was perfect until she heard a familiar voice calling her name continuously.

"Andy. . ." para siyang hinehele ng masuyong tinig na iyon ng isang babae. "Baby."

Lumingon siya nang may humawak sa kaniyang kamay. Her hazy vision slowly became clear, and she saw the familiar face. "Mom. . ."

Her mother feathered her face. "You look so pretty, Andy." Bakas ang katuwaan sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya sa mukha.

Pinisil niya ang kamay nito na may hawak sa kaniya bago sabik na niyakap ito. Sa gulat niya ay bigla na lang itong naglaho at nagbago ang kaniyang paligid.

Naging kulay dugo ang buong pagilid niya at hindi rin niya magawang gumalaw. She felt extremely suffocated. Tumingin siya sa kaniyang unahan at sa kaniyang pagkalito ay nakita niya ang galit na mukha ng grandparents niya.

"Madeliene, what have you done? You got yourself impregnated by a married man!" Ang mukha ng Lola Guada niya ay nanggagalaiti sa galit. "Isa kang disgrasyada! A disgrace in this family!"

She couldn't speak, she couldn't breathe either. May luhang pumatak sa kamay niya subalit sigurado siya na hindi iyon kaniya. Tumingin ulit siya sa unahan, nagulat siya sa sunod na narinig mula sa Lolo Lito niya.

"Babalik ka sa U.S. at ipapa-abort mo ang batang 'yan, Maddie."

Nilukuban siya ng takot. She waited for her mother to speak and felt relieved when she did.

"Hindi ko 'yan magagawa. This is my only hope to get my man back to me at hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito—" nakadama siya ng matinding sakit nang makatanggap ng sampal ang nanay at nabuwal ito sa sahig.

"You crazy desperate bitch!" muli sanang uundayan ng sampal ni Lito ang nanay niya ngunit agad itong napigilan ng asawa nito. Dinuro nito ang noo ng mommy niya saka mariing sinabi, "Jonathan will never have you back, naiintindihan mo ba? Keep this child, sige! Pero binabalaan kita, Madeleine. . . kukunin namin sa 'yo ang batang 'yan once gumawa ka na naman ulit ng kalokohan."

Narinig niya ang malakas na pagtutol ng nanay niya ngunit nauwi lang iyon sa mga taingang kawali. Umiyak ito nang umiyak habang yakap ang sariling tiyan.

Andy closed her eyes and when she open them again, her surroundings have changed. Nakatitig lang siya sa makulay na kisame na may iba't ibang disenyo at hugis pambata. Ngumiti siya. Iyon ang kaniyang nursery room.

"Oh. . . my baby's finally awake!" She felt herself being lifted by two careful hands. "Ang ganda talaga ng anak ko." She giggled when a soft finger booped and touched her nose. Narinig niya rin ang hagikgik ng kaniyang ina na tuwang-tuwa habang kalong siya.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon