Chapter 49

42 3 0
                                    

It should be a normal day for her, subalit hayun siya't hindi magawa ang bagay na dapat ay nakatutok ang kaniyang atensyon. Nakahiga lang siya sa ibabaw ng kama habang unti-unting nanlalabo ang kaniyang paningin dahil sa matagal na pagkakatitig sa kisame.

Andy thought that she was losing it again. It will never be normal for her, she reckoned. Tumaas ang dibdib niya dahil sa pagdagsa ng kaniyang mga emosyon. Marami nang bumabagabag sa kaniya at may dumagdag pang isa. Their relationship should be her solace, yet look what she's going through right now. Dinala niya ang kaniyang palad sa mukha niya at sinupil ang sariling luha.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama at sinuot ang pares ng tsinelas saka lumabas ng kaniyang silid. Huminto siya sa ikalawang baitang nang makita niya si Pelita sa pinakaibabang parte ng hagdan.

"Hello, Andy!" masigla nitong bati sa kaniya. "Ngayon ang birthday ni Bakla. Magpapaulan daw siya ng alak mamayang gabi kaya dapat present tayo na besties niya."

Tumango siya nang maitapak niya ang mga paa sa tabi nito. "I will be there."

"Let's get drunk tonight, Andrea." Tinapik nito ang balikat niya bago nagmamadaling umalis.

Andy just stood there for awhile. Kiniling niya ang kaniyang ulo nang marinig ang pamilyar na tunog ng telepono. It has been days, and that telephone call never falters to bother her in the middle of her day. She took a long, deep sigh bago siya tumungo sa kinaroroonan ng telepono. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya sa kung paano nakuha ng mga taong iyon ang numero ng bahay ng matalik kaibigan.

Dinala ni Andy ang kaliwa niyang kamay sa kaniyang sintido at hinilot iyon habang nakikinig sa taong nagsasalita sa kabilang linya. Kinagat niya ang loob ng kaniyang ibabang labi saka mariing pumikit.

*

"SHOT pa, guys!" sigaw ng birthday celebrant na si Shonak.

Tinanggap ni Andy ang inabot sa kaniya ni Ching na canned beer at binuksan iyon. Tumulo pa sa kamay niya ang bula at kaunting alak nang gawin niya iyon.

Marami-rami rin ang dumalo sa selebrasyon ng kaarawan ng bakla nilang kaibigan. May mangilan-ilan pang mula sa call center company na pinasukan nito nang dalawang taon. Pansin niya na nag-e-enjoy ang lahat kaya pilit siyang nakisama roon kahit pa maraming siyang isipin na ayaw siyang tantanan.

"Ayan na si Lover boy mo, Andy." Mahina siyang siniko ni Ching sa kaniyang tagiliran. Sinundan niya ng tingin ang tinuro nito, nakita niya si Ion na naglalakad palapit sa kanila. Ngumiti siya pero agad din iyong nabura nang makitang kasama nito ang half-sister niya. Kasama rin ng mga ito si Miguel na agad lumapit sa kinaroroonan nina Mimi at Pita sa may videoke, kumakanta.

"Hi, love." Hinayaan niyang halikan siya ni Ion sa gilid ng kaniyang labi habang may naka-plaster na ngiti roon.

"Bakit kasama mo sila?" tanong niya sa nobyo nang tumabi ito ng upo sa kaniya.

"Invited sila ni Shawn."

"I know. What I mean is bakit kayo magkasabay na dumating?" aniya. Kahit paano'y nagawa niya pa ring itago ang kaniyang pagkairita.

"Sumaglit ako kanina sa bahay namin at saktong nandoon sila, binisita si Mama. Kaysa mag-convoy kami, I offered them a ride here," paliwanag nito.

She pressed her lips together. So, ibig sabihin ay ihahatid din nito pauwi sina Danica. Biglang pumait ang panlasa niya sa naisip.

"Tito Jonathan will fetch them later," sabi ni Ion na tila nabasa ang nasa isip niya.

Tumango siya bago tinabi ang hawak na canned beer. Wala pa siyang ganang uminom dahil alas-sais pa lang nang gabi. Lumapit sa kanila sina Mitch at ang boyfriend nitong si Kaloy, Pelita, at Ching. Si Shonak ay busy pa sa pag-intertain sa iba nitong bisita, partikular na kay Danica na magiliw ritong nakikipag-usap.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon