"I'M SORRY, Ion." Tiningnan ni Andy ang katabi nang makalayo na sila sa kanilang mga kaibigan. Nagtaka siya nang mapansin na iba ang daang tinatahak nila. "Bakit dito tayo dumaan? 'Di ba doon ang daan pauwi sa bahay nina Mitch?" tanong niya rito.
"Dahil gusto pa kitang makasama nang matagal," kaswal nitong sagot sa kaniya. Bumagal din ang bawat hakbang nila.
Bumaba ang tingin niya sa magkahawak nilang kamay. May munting init na dala iyon sa kaniyang dibdib. Ngumiti siya. "Hindi ka ba galit?"
"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" Tiningnan siya nito at ngumiti.
"Dahil sa ginawa ko. Naantala ang selebrasyon n'yo nang dahil sa akin." Huminto ito kaya ganoon din siya.
"Correction. Hindi lang dahil sa 'yo kundi dahil din kay Tisay."
"Bakit? Ano ba ang meron sa kanya?" curious na tanong niya rito. Nagpatuloy ulit sila sa paglalakad.
"Wala naman. Obsessed lang ng kaonti sa kaguwapuhan ko." Ngumisi ito dahilan para muling sumingkit ang mga mata.
Mas lalo pa siyang ngumiti. Guwapo naman talaga ito.
Huminto sila sa ilalim ng isang street light. Binitawan nito ang kamay niya at hinarap siya. "Andy."
"Huh?"
Tinitigan lang siya nito.
"Bakit?" tanong niya. Sa hindi niya malamang dahilan, nawala ang atensyon niya sa guwapo nitong mukha at napunta iyon sa magaganda nitong mga labi. His lower lip was fuller than the upper part. It looks lusciuos as a decade year old red wine.
She bit her lower lip then looked away. Tumikhim siya. "Bakit ba tayo huminto rito?" tanong niya.
"Gusto lang kitang pagmasdan," sagot nito.
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakatingin sa akin?" pagbibiro niya. Her smile faded when he nodded his head. Damn it!
Muli silang nagpatuloy sa mabagal na paghakbang. Pinagmasdan niya si Ion habang naglalakad, ang mga kamay nito ay nasa bulsa. Nang gabing iyon ay marami siyang napupuna rito. Una na ang mga labi nito. Pangalawa ay matangos nitong ilong na napakaganda kapag naka-side view. Pangatlo, ang malapad nitong balikat. Ang magandang nitong tindig at buhok. Oo, maganda ang buhok nito na medyo mahaba at wavy. Papasa itong modelo. No wonder, maraming babae ang nagkakandarapa rito.
"Ion. . ." Huminto ulit sila. "Have you ever fallen in love?"
Tinitigan siya nito bago kaswal na ngumiti. "Oo."
"Tell me. Bakit ka na in love?"
"Nangyari lang. Hindi ko naman ginusto. . ." nagpatuloy ito sa pagsasalita.
Her eyes continued to gaze at his moving lips. She even had a glimpse of his teeth. Why the hell this man seems to have all of the beautiful physical aspects a woman would ever want to find at their opposite sex? Tao pa ba ito?
Pilit niyang ipinilig ang kaniyang ulo. Epekto siguro iyon ng sampal ni Tisay at naalog ang utak niya na mukhang nahihirapan sa pag-function. Humakbang siya paabante. Nakailang hakbang na siya nang may biglang humila sa kaniyang kamay. Nilingon niya si Ion.
"Dito ang daan," sabi nito. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
Tumawa siya na parang tanga. Deretso lang ang lakad nila ngunit lumilipad pa rin ang isip niya. She wondered. . . What does his lips tastes like?
Nagulat siya nang matigilan ito. Naisa tinig niya ang nasa isip niya! Umiwas siya rito ng tingin dahil sa labis na pag-iinit ng kaniyang pisngi bunga ng pagkapahiya. Humawak siya sa kaniyang batok. Ang sarap talagang kutusan ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...