PABAGSAK na umupo si Mitch sa tabi ni Kaloy at umandig sa balikat ng kaniyang nobyo. Tinutok niya ang paningin sa nakabukas na telebisyon ngunit hindi pa rin niyon nakuha ang lumilipad niyang diwa.
"Mitch," kalabit sa kaniya ni Kaloy.
"Hm?"
"Gusto mo ba talaga ang pinapanood natin?" tanong nito. "Puwede ko namang palitan. Marami pa namang DVD dito na tiyak na pasok sa panlasa mo." Akma sana itong tatayo upang palitan ang pelikula na pinapalabas sa tv subalit mabilis niya itong pigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito.
"Huwag na lang kaya tayo manood," suhestiyon niya.
"Ano ba ang gusto mong gawin?" Inabot nito ang remote control at pinatay ang tv. Umayos ito ng upo at niyakap siya sa baywang. Kasalukuyan silang nasa living room ng bahay nito. "Mitchell. . ."
"Usap na lang tayo," aniya. Hinalikan siya nito sa balikat bago tumango bilang tugon. "May tanong ako, Kaloy."
"Ano 'yon?"
"Pansin ko kasi na close ka rin sa half-sister ni Andy. . ." Tiningnan niya ito.
"Si Danica?"
She nodded her head. "What do you know about her?"
Tumikwas ang kilay nito at lumuwag din ang pagkakayakap sa kaniya. "Bakit bigla mong natanong?"
"Bawal ba?"
"Hindi!" Tumawa ito saka ginagap ang isa niyang kamay at nilaro-laro iyon. "She's a nice woman," sagot nito sa tanong niya.
"And?"
"Okay! Iku-kwento ko sa 'yo." Umayos ito ng upo ngunit nanatiling hawak nito ang kamay niya. "She's a transferred student sa high school na pinasukan namin ni Ion."
"Which is private. Ang yaman n'yo kasi!" Pabiro niya itong siniko sa tagiliran. Kung gaano siya kabilis tumawa ay mas mabilis pa roon ang pagseryoso ng kaniyang anyo. "Then?"
Lumunok si Kaloy. "Mabait siya. . ."
"Kaloy." Hinagilap niya ang paningin nito na naging mailap sa kaniya. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tumaas ang isa niyang kilay nang makita na namumula ang mukha nito. "Kaloy. . .!"
"U-uhm. . . Babe, huwag kang magagalit sa akin." Dinala nito ang isang kamay sa batok nito at kinakabahang ngumiti dahil blangko ang naging ekspresyon niya.
"Hindi naman na big deal dahil matagal na 'yon. Pero sa tingin ko naman ay deserve mo naman malaman."
"Ang alin?" tanong niya. Unti-unti na siyang kinakabahan sa sasabihin nito dahil grabe ang pa-suspense.
"Sya ang first kiss ko."
Nagsalubong ang kilay niya. Her mouth formed into an O-shape. Kumurap-kurap siya saka pumalatak. "Seriously?"
Tumango ito.
"Akala ko sa pisngi mo lang siya hinalikan noong sinubukan mong galitin si Ion."
Sunod-sunod itong umiling.
"Ano'ng lasa ng labi niya?" nakahalukipkip niyang tanong dito.
"H-ha?! Bakit tinatanong mo pa?" Kumamot ito sa ulo. "Siyempre masarap— aray!"
"Sumagot ka pa talaga!" nanggigigil niyang sabi habang pinipingot ang tainga nito.
Nang mahimasmasan siya ay seryoso niya itong hinarap. "Wala naman akong pakialam kung siya ang first kiss n'yo ni Ion." Marahas siyang bumuga ng hangin. "Just tell how their relationship went. Gusto ko lang malaman." Tiningnan niya ito at nakita ang mabilis na pagdaan ng pagdududa sa mukha nito. "Babe," tawag atensyon niya sa nobyo.
BINABASA MO ANG
The Depth Within
General FictionTo her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shattered when she had a writer's block. Her editor-turned-best friend, Mitch, saved the day by taking he...