Chapter 15

104 37 10
                                    

"MARUNONG ka ba talaga d'yan sa ginagawa mo?"

Binalingan ng tingin ni Andy si Ion na nakahalukipkip sa gilid. Binitawan niya ang kinukusot na puting kobre kama saka tumayo at pinamaywangan ito.

"Tumulong ka kaya! At para sa kaalaman mo, hindi po talaga ako naglalaba. May washing machine ka naman kasi bakit ayaw mong gamitin?"

Tumawa ito. "Nagtitipid ako sa kuryente," sagot nito. Kinuha nito ang hose at hinugasan ang paa hanggang binti. Kumunot ang noo niya nang lumapit ito at sumakay sa batya na puno ng sabon at labahin. "Use your mind, Andy," sabi nito saka nagsimulang magmartsa sa batya.

"Seriously, Ion?" Nakaawang ang bibig na pinanood niya ito sa ginagawa.

"This is relaxing. Try mo kaya?" Nilahad nito ang isang kamay sa kaniya. Nang hindi niya iyon tinanggap at hinila siya nito papasok sa malaking batya. Nagtalsikan ang mga bula sa ginawa nito. "March," utos nito.

Nagsimula nga siyang magmartsa. Paminsan-minsan ay nilalakasan niya ang kaniyang padyak para tumalsik ang bula at tubig. Hindi niya pinansin ang pagyuko ni Ion kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang pahiran siya nito ng bula sa mukha. May natikman din siya.

"Pweh!" Pinandilatan niya ito ng mga mata at nang tumawa ito ay yumuko na rin siya at kumuha ng bula. Dinala niya iyon sa baba nito at gumawa ng parang balbas. "Looks better," aniya.

"You look the best." Tiningnan niya ito sa mga mata. It was a trap. Winisikan siya nito mg tubig.

"Damn! My eyes." Ipinilig niya ang kaniyang ulo at pumikit ng mariin.

"Okay ka lang?" Hinawakan siya nito sa baba at dahan-dahang pinilig ang kaniyang ulo paharap dito.

Dumilat siya. Nahigit niya ang kaniyang hininga nang mapagtantong nakatingin ito sa mga labi niya. Lumunok ito nang kumibot iyon.

"M-magpatuloy na tayo," sabi niya at nagsimula na muling magmartsa. Tama ito. Nakakarelax nga iyon.

"PWEDE na ba 'yan?" tanong ni Andy kay Ion na gumagawa ng sampayan sa likod-bahay.

"Oo," sagot nito bago lumapit sa kaniya para buhatin ang laundry basket na naglalaman ng mga isasampay nila.

"Ion, stop that," saway niya sa binata na patuloy sa pag-pagpag ng basang damit sa may direksyon niya. Basa na siya dahil sa mga wisik ng tubig.

"Bakit? Pinapagpagan ko lang naman ito para kaagad matuyo," painosenteng sagot nito habang hindi pa rin tumitigil.

"Basang-basa na ako." Reklamo niya. Sinubukan niya rin umiwas dito pero sinusundan pa rin siya nito. "Sabi kong tama na!" Nainis na siya. Tinaas niya sa ibabaw ng ulo nito ang hawak na basang damit at piniga iyon. "Satisfied?"

"Yeah. So refreshing!" tugon nito habang hinihilamos ang tuyong palad sa nabasang mukha nito. "Sobrang init, eh."

Hinampas niya ito at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Next time, find a woman who can help you with this. Lalo na sa ibang household chores," wika niya habang iniipit ang puting punda.

"Nahanap ko na siya. Kasama ko na nga ngayon," sagot nito.

Binalingan niya ito. "What I mean is iyong panghabambuhay. Pangmatagalan."

"You mean, wife?" tanong nito.

"Oo. Find one," tugon niya.

Tumabi ito sa kaniya. Akala niya'y may itatanong lang iyon pala ay magpapagpag na naman ng damit sa harap niya.

"Hindi ka ba talaga titigil?" Nang hindi ito sumagot ay lumipat na lang siya sa kabilang sampayan at doon nagsampay. Tumawa naman ito. "Magsampay ka na! Dalhin mo na rin dito iyong iba," utos niya rito. Kaagad itong tumalima.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon