DAYNE'S POV
Isang gabi sa isang tahimik na bar, nakaupo ako sa gilid habang tinitingnan ang lalaking kanina pa lasing na lasing. Hindi maikakaila na may itsura ito.
Ang musika sa background ay mabagal at malungkot. Tulala si Kaelus habang pinagmamasdan ang baso. Paunti-unti niyang iniikot ito sa mesa, pinagmamasdan ang pag-ikot ng yelo, na para bang doon niya iniuukit ang bawat alaala ni Raya.
Tumayo si Kaelus at umupo sa sulok, hawak ang isang baso ng alak. Mula sa malayo, kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Alam ko rin ang reason kung bakit siya ganyan ka sad. I was there, I saw them talking. I saw how his eyes glimmer with happiness. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Rinig na rinig ko ang kanyang mga sinasabi.
“Ang sakit pala… ang sakit makita siyang ikasal sa iba. A-akala ko, hindi ako masasaktan. P-pero ang sakit sakit pala." Saad n'ya, rinig na rinig ko ang hapdi sa kanyang boses.
Why kasi siya lang ang kaya mong e-love? I'm here naman kasi eh. I saw how sunod-sunod ang mga tagay niya. Hindi niya alintana ang pait ng alak. Sa bawat lagok, parang pilit niyang nilulunok ang sakit.
"Raya...bakit hindi ako ang pinili mo? Well, it's my fault din kasi hindi ko sinabi sayo na mahal na mahal kita. Na kaya kong ipagpalit sayo ang lahat." Nagpanting ang tenga ko, pati ang dibdib ko sumakit dahil sa kanyang sinabi. Grabe, that's how he loved ate Raya? Well, I fully understand him. Ganyan din ang gagawin ko for him.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya, I just want to ask if he is okay. Siguro pamilyar ako sa kanyan pero nakita niyang sobra nitong lungkot kaya I decided na umupo sa tabi nito. I asked him.
"Kuya… ayos ka lang ba?" Kahit alam ko naman na hindi.
Tumingin si Kaelus sa kanya, maluha-luha ang mga mata, at parang biglang sumabog ang damdamin sa sakit. Super magulo na ang straight na buhok nito, malayong malayo sa Kaelus na kilala ko.
"Hindi... hindi ako ayos. Mahal na mahal ko siya… si Raya. Mula pa noon, siya lang… siya lang talaga. N-ngayon, hindi ko na siya kayang kunin kasi ayokong malungkot siya. Kitang kita ko kung gaano n'ya ka mahal ang asawa n'ya." He said while crying. He looks hopeless, he looks vulnerable right now.
Natahimik ako. Sa nakikita ko, hawak niya ang baso pero mas mahigpit ang kapit ni Kaelus sa alaala ni Raya. Grabe naman pala magmahal ang taong ito.
"Lahat ginawa ko… pero hindi naging sapat. Pinanood ko siyang maglakad papunta sa altar, hindi sa akin… kundi sa iba." Saad n'ya ulit. Hinayaan ko siyang maglabas ng saloobin sa akin. Kahit masakit din.
"Alam mo ba kung gaano kasakit 'yung ngumiti ka sa kanya kahit ang totoo, wasak ka na sa loob?" He asked me. Napatingin siya sa akin at humahagulgol.
Watching someone I deeply love battling through the pain of unrequited love for a person. It's a difficult situation to navigate, because even though I can see the toll it's taking on them, I can't do anything to change the situation. Watching the person I care about suffer because of someone else is heart-wrenching. I long to take their pain away and help them move on, but all I can do is be there for them and offer a listening ear. It's hard to watch someone you care about go through so much pain, especially for someone else.
"Hindi ko na alam kung paano kalimutan ang babaeng minahal ko ng buo kong pagkatao." Hinayaan ko lang siya kasi ano nga ba ang magagawa ko? Wala. Wala akong magagawa.
"Alam mo… kung ilang taon ko siyang minahal? Ilang taon kong inalagaan 'yung damdamin ko para sa kanya. Anim na taon ko siyang pinili araw-araw… kahit hindi niya alam. O baka alam niya… pero wala lang talaga akong halaga."
Ininom niya ang laman ng baso, saka muling tinungga ang bote. Hindi niya alintana ang pait. Hindi na rin niya iniinda ang bigat sa dibdib he looks sanay na roon.
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...
