SPECIAL CHAPTER-LAST (KAELUS)

659 10 2
                                        

DAYNE'S POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kaelus, pinili kong manahimik. Hindi ko sinabi agad kay Rocky. Gusto ko munang iproseso lahat—ang dami kasing emosyon na naghalo: gulat, kaba, tapang… at ‘yung takot na baka guluhin na naman ni Kaelus ang kapayapaan kong unti-unting nabubuo.

Kinagabihan, dumating si Rocky sa apartment ko. May dala siyang bags ng pagkain lechon manok, pancit, cake pa nga.

“Hoy, grad celebration part two! Kung ayaw mo, sa ‘kin na lang ‘tong cake.” Natawa ako sa sinabi n'ya.

“Sira ka talaga. Pero sige, tara, luto tayo ng konti pa, gawin nating special ‘to.” Mabilisang saad ko. Hindi ko maipagkakaila na sumaya ako sa pagdating n'ya.

Habang nagluluto kami, punong-puno ng tawa ‘yung kusina. Si Rocky, nagsusuot pa ng apron na may nakasulat na "Chef ng Buhay Mo." Ewan ko kung saan niya nakuha ‘yon, pero nakakatawa sobra. Pinagsasabay namin ang pagbabantay sa nilulutong ulam at pagku-kwentuhan ng mga kalokohan namin sa school.

Tapos, biglang may kumatok. Napatingin kami pareho sa pinto.

Pagbukas ko, si Kaelus. May hawak din siyang supot ng pagkain—mukhang galing sa isang resto. Medyo hinihingal, parang nagmadali.

“Ah… dinalhan sana kita ng dinner. Celebration din… graduation mo.” Dahan dahang saad nito.

Napatingin siya kay Rocky na kasalukuyang naghahalo ng ulam sa kawali, may suot pang apron. Napakunot ang noo niyaalatang nagulat. At hindi natuwa.

"Palagi ba siyang nandito?" Tanong nito sa akin.

“Rocky? Oo. Madalas siya rito. Tumutulong siya sakin… lalo na ngayong, alam mo na.”
Sinadya kong hindi banggitin ang "buntis"—masyado nang obvious.

“Hindi ko alam na ganito na kayo ka-close.”Mabilisang banggit n'ya.

“Matagal na. Simula pa nung iniwan mo siya. Hindi ko siya pinabayaan—at hindi ko rin plano gawin ‘yon kahit kailan.”

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Parang biglang lumamig ang hangin sa apartment. Tension. Tahimik.

“Guys, please… ayoko ng gulo. Kaelus, salamat sa pagkain, appreciate ko." Lumunok ako pagkatapos kong sabihin iyon.

Tahimik si Kaelus. Kita ko sa mata niya ‘yung sakit—at ang selos na pilit niyang tinatago. Nagpaalam si Kaelus na aalis na lamang siya kaya kahit gusto ko siyang kasama hinayaan ko siyang maglakad paalis.

Noong pagka alis n'ya, akala ko tapos na ang eksena. Pero bigla siyang huminto sa paglalakad. At bago ko pa maisara ang pinto, lumingon siya at may sinabi na ikinagulat ko.

“Pwedeng makausap kita? Hindi dito sa labas. Sa loob, kahit saglit lang.”

Hindi ko agad nasagot. Nagkatinginan kami ni Rocky. Kita ko sa mata niyang nag-aalangan, pero tumango siya. Kaya pinapasok ko si Kaelus.

Pagkapasok niya, agad niyang inilapag ang dalang pagkain sa mesa. Pero hindi iyon ang pakay niya. Halatang may bumabagabag sa kanya.

Diretsahan na tumingin si Kaelus kay Rocky. “Pwede bang kami muna lang mag-usap?”

“Kung tungkol ‘yan sa anak niya, may karapatan akong makinig. Wala akong balak makialam sa bagay na hindi akin, pero hindi rin ako aalis para lang makapag-pamacho ka rito.” Firm yet calm na saad ni Rocky.

“Ano bang papel mo dito, ha? Bakit nandito ka? Hindi mo naman anak ‘yan!”  Pasigaw na saad ni Kaelus. Nagulat ako sa nagiging resulta ng pag uusap na ito.

“Tama. Hindi ko anak. Pero tinanggap ko siya—at siya—nung panahon na iniwan mo sila. Hindi mo kailangang maging ama para gampanan ‘yung papel ng isang tunay na lalaki.” Balik na saad ni Rocky. He is clearly mocking Kaelus. Kita ko kung gaano nagliyab ang mga mata ni Kaelus sa galit.

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon