SPECIAL CHAPTER (KAELUS)

977 5 0
                                        

SPECIAL CHAPTER

KAELUS' POV

"Raya Elfora, do you take this man to be your husband, to live together in holy matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?" Saad ng padre,  tumingin ako sa kanila at nakita kong unti unting pumatak ang kanilang mga luha dahil sa labis na saya.

"I do." Pumatak din ang luha n'ya sa naging sagot  ni Raya.

"Gozu Ildefonso, do you take this woman to be your wife, to live together in holy matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"  Napakaganda ni Raya sa suot n'yang bridal gown.

"I do."

"I pronounce you husband and wife, you may now kiss the bride."

Witnessing the love of your life say "I do" to someone else is heartbreakingly difficult. Every moment becomes a reminder of the love and future you should have had together. Instead, you are left to watch as another man receives the love and commitment you thought was yours. Is she even mine to begin with? Hindi, she was another mans' possession, hindi sa akin. Kaya ano ba ang karapatang kong masaktan?  Watching the love of your life smile and laugh with another man is a pain that cuts deep, creating a sense of helplessness and despair. The hurt lingers, leaving behind a profound sense of loss and unrequited love.

The experience for me, is really overwhelming and traumatic that leaves lasting emotional scars. The pain is constant, a reminder of what might have been, and the happiness that was so close, yet ultimately out of my reach. It brings me the feelings of loss and emptiness that are hard to shake, and it leaves me questioning the nature of love and destiny. It feels like everything is wrong and that love was never supposed to be this complicated, this painful. Nang maghalikan sila, ipinikit ko kaagad ang mga mata ko. No ayokong makita. It's heartbreaking to see the one you love in the arms of another, and difficult to accept that they are now beyond my reach.

"Hey, you okay?" Lumingon ako sa katabi ko, she is petite a cute woman to be exact. She is in a sky blue dress since sky blue ang theme at sobrang puti at singkit ng mga mata. She is very pretty, parang isang k-pop idol. Is she half chinese?

"Yeah, why?" I asked her pabalik. Umiling iling naman siya. "Nah, I saw you making the pikit pikit thing when ate Raya and Kuya kissed." She's conyo. I can see that. Siguro isa siya sa kaibigan o kapamilya nila.

"Wala, I was just thinking about something." I replied back. Binalik ko ang tingin ko sa harap. Kahit masakit, pinanood kong ikasal ang babaeng mahal na mahal ko. Ang saya nilang pagdamasdang dalawa, kung sana ako nalang ang nasa tabi n'ya.

Ako dapat 'yan eh kasi ako ang kasama niya noong mga panahong halos mawalan na siya ng pag-asa, noong nalaman niyang may leukemia siya, ako ang tumayo sa tabi niya. Ako ang nag-alaga sa kanya sa bawat araw na puno ng sakit at pagod. Ako ang nagbantay sa kanya sa ospital, ako ang humawak sa kamay niya sa bawat chemo session at sa mga oras na 'yon alam kong napamahal na siya sa akin kaya umiyak sa mga oras na nakikita ko siyang nanghihina, pero hindi ko ipinakita, dahil gusto ko siyang palakasin na sabihin sa kanya na nandito pa ako para sa kanya na hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya iniwan, kahit buong mundo halos ay tila tinalikuran na siya. Ako ang nagdasal para sa kanya gabi-gabi. Ako ang nagpakumbaba, nagtiis, at kumapit sa pag-asang magiging maayos ang lahat. Mahal na mahal ko siya, at akala ko, sapat na 'yon.

Akala ko, pag gumaling siya,  ako rin ang pipiliin niya. Pero sinabi ko bang mahal ko siya? Hindi, at kasalan ko rin ito dahil hinayaan ko siyang bumalik sa bahay ng asawa n'ya nang di man lang n'ya nalalaman na mahal ko siya. Nang bumalik ang lakas niya, nang muling ngumiti ang mundo sa kanya iba ang pinili niyang makasama habambuhay. Hindi ako. Hindi 'yung taong dumaan sa impyerno para sa kanya. Ako ang kasama niya sa sakit, pero iba ang kasama niya sa kasal. Ang sakit. Pero kahit masakit, nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papano, naging parte ako ng buhay niya. Kahit hindi ako ang ending. Kahit hindi ako ang nakatuluyan basta masaya siya, masaya na rin ako.

IGNORED WIFE (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon