DAYNE'S POV
Tahimik.
Ilang segundo kaming walang imik. Tumingin siya sa paligid, baka may nakikinig. At nung sigurado siyang walang makakapansin, sinabi niya nang mababa:
“Alam mo namang... hindi ko kayang ibigay ‘yung gusto mo, ‘di ba?”
Parang lumamig ang paligid. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Pero ngumiti pa rin ako. Ganoon ako ka-desperado siguro.
“Okay lang,” sagot ko. “Hindi ako humihingi ng kahit ano. Gusto ko lang na... kahit papaano, maalala mo na nandito lang ako.”
Pinilit niyang ngumiti. ‘Yung tipong polite lang. Walang emosyon. Tapos binalik niya ang tingin sa duty niya.
At ako?
Tumalikod na lang.
Bumaba ako ng ospital nang hindi ko namalayang tumutulo na pala ‘yung luha ko. Bitbit ko ‘yung kapalit ng pride ko isang maliit na ngiti mula sa taong ayaw sa akin.
Pero kahit ganun, balik ako sa kanya. Kahit pa alam kong hindi ako mahal, kahit pa rebound lang ako, kahit pa alam kong sa dulo, ako rin ang talo.
Kasi minsan, ang puso hindi marunong magtira para sa sarili. At kahit ilang beses itong masaktan, umaasa pa rin na baka... baka lang... magbago ang lahat.
Ilang araw ang lumipas, I got my phone and dialled his number.
Alam ko kasi ‘yung schedule niya—Monday to Thursday, 6AM to 2PM. Lagi ko ‘yong sinusundan noon, kahit hindi ko inaamin. Nakasanayan ko na. Parang automatic na siyang parte ng araw ko.
Nag-ring ng ilang beses bago niya sagutin.
“Hello?” boses niya, pagod pero buhay pa rin sa pandinig ko.
“Hi,” sagot ko, medyo nag-aalangan pero excited. “Off mo na, ‘di ba?” Baka kasi ayaw n'ya, nakakahiya naman.
“Oo, pa-uwi na rin. Bakit?”
“Gusto mo sumama sa amusement park?” tanong ko, diretso. “Libre ko. Sagot ko lahat.”
Tumahimik siya saglit. Akala ko tatanggihan na naman niya, pero sabi niya:
“Sige. Kailan?”
“Ngayon. Sunduin kita?”
Nagkita kami sa may terminal, naka-jacket siya at may backpack pa. Pagkakita ko pa lang sa kanya, bumilis agad ang tibok ng puso ko. Sa dami ng araw na umiwas siya, sa dami ng beses na ako lang ang lumalapit, ngayon—kasama ko siya. Pumayag siyang makasama ako and I am so happy because of it.
At sa loob ng amusement park, para kaming bata. Sumakay kami ng Ferris wheel, tawa kami nang tawa sa bumper cars, napasigaw kami sa roller coaster. Umorder ako ng cotton candy at kinuhanan ko siya ng litrato habang sinasabi niyang “ang corny ko.”
Pero kita ko sa ngiti niya—masaya rin siya.
“Bakit ngayon ka lang pumayag?” tanong ko habang nagpapahinga kami sa bench, may hawak siyang softdrink, ako naman may fries.
“Ewan. Siguro pagod lang ako sa work. Gusto ko ng kasama,” sagot niya.
Hindi niya sinabi kung ako ba talaga ang gusto niyang kasama. Pero pinili kong maniwala na ako nga. Kahit kalahating sagot lang ang binigay niya, buong damdamin ko ang ibinigay ko.
Dahil simula noong araw na ‘yon, naging routine na kami.
Araw-araw kaming nagkikita pagkatapos ng shift niya. Kahit late na, kahit saglit lang. Minsan coffee lang, minsan dinner, minsan sa overpass lang kami nag-uusap habang dumadaan ang jeep sa ilalim. Wala kaming label, pero ramdam ko—may “kami.” Syempre, rebound n'ya lang ako.
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomansaTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...
