Simula

1.9K 30 2
                                    

Amarie

 "Okay class!"

Who can give me the different kinds of dance?"tanong ni ma'am Anna sa klase kaya agad akong nagpataas ng kamay na siyang ikinapalakpak ng mga kaklase ko.

"Okay, Amarie? give me the different kinds of dance."

"Ma'am the different kinds of dance are, Ballet, Ballroom, Contemporary,Hip Hop, Jazz, Tap Dance, Folk Dance, Irish Dance.

"That's good, and what is the most popular dance in the Philippines?"

"The most famous dance in the Philippines ma'am is that, Tinikling
It is one of the most famous dances in the Philippines. The movements of this Filipino folk dance imitate the movements of the tikling bird as it walks around through tall grass and between tree branches. People use bamboo poles to perform this Filipino traditional dance."sagot ko sa kanya na ikinapalakpak ulit ng mga kaklase ko pinaka hate ko talaga ang Mapeh, at hindi ko alam kung bakit kailangan may MAPEH pa rin kami kahit out campus na namin next week as if naman Mapeh ang ituturo namin, eh Filipino Major kami duh.

"I'm impress Amarie, talagang pinapatunayan po talaga kung bakit karapatdapat kang maging sumacomlaude."saad ni Ma'am Ana na ikinayuko ko.

Akmang magsasalita pa sana si Ma'am Anna ng biglang magpataas ng kamay ang kaklase kong si Clarise.

"Yes Clar?"

"Ma'am ask lang, bakit kailangan pa namin pag aralan ang Mapeh eh, out campus na namin next week tsaka isa pa po Filipino major po kami."

"That's the thing, dahil ang Mapeh ang masasabing pinaka unique na subject sa lahat at isa pa, class don't worry dahil hindi niyo ituturo ang Mapeh, siyempre inline pa rin ang ituturo niyo sa course na kinuha niyo kaya lang namin ito sinali sa inyo ngayon upang handa kayo kung sakaling sasayaw kayo sa mga school assigns niyo. Understand?" Aniya sabay tango namin lahat.

"Yes po ma'am."

"Good, anyways any questions? You can ask now, especially regarding about your out Campus next week don't hesitate to ask me, or your Major Adviser okay?"

"Ma'am."tawag ni Alexa kay Ma'am na ikinatingin ni Ma'am sa puwesto namin dalawa, dahil kami ang magkatabi ngayon sa upuan.

"Yes Alexa?"

"Marami po bang gwapo?"tanong ni Alexa kay Ma'am na ikinatingin namin lahat kay Alexa at dahil ako ang mas malapit sa kanya pinalo ko siya agad sa kamay niya.

"Bakit ba, sabi naman ni Ma'am ask anything, so yon ang tanong ko."

"Yes, Alexa marami, tsaka hindi lang majors niyo ang makakasama niyo sa mga schools kung saan kayo ma aassign marami pang iba."

"Like what Ma'am?"tanong naman ni Aljean isa rin sa mga kaklase ko.

"Mapeh, English, Math, AP, Science."sagot ni Ma'am na ikinatili ni Aljean kaya lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya.

"Seryoso Aljean?"

"Nagulat lang po, may MAPEH kasi, baka same school kami ni Lecster."sagot niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Lecster Jade?"takang tanong ni Ma'am.

"Yes Ma'am, Crush daw ni Aljean sabi niya." Saad ni Cassi kay Ma'am na ikinataas ng kilay ni Aljean.

"Hoy hindi ah! Hindi niyo lang kasi alam sikat yon duh, hindi kasi kayo aware."sagot naman ni Aljean.

"Wala naman kasi kaming Oras diyan."saad ulit ni Cassi sa kanya habang ako tahimik lang na nakikinig sa usapan nila.

"Anyways, saan ka nga ulit na assign Aljean?"putol ni Ma'am Anna sa kanila na ikinatingin namin lahat sa kanya.

"Sa Elster High School Ma'am."sagot ni Aljean sabay tango ni Maam sa kanya.

"Okay, Valencia right?"

"Yes Ma'am."

"Sayang, ang alam ko sa BEN High School na assign si Lecster kasama ng mga iba niyang classmates and you're right, sikat nga si Lecster, running for Suma comlaude rin siya sa Major niya."Aniya na ikinasimangot ng mukha ni Aljean.

"Hala! Puwede pa lumipat Ma'am?"tanong nito kay Ma'am.

"Gaga, kahit lumipat ka girl, hindi ka mapapansin no'n high class yon."biglang sagot ni Daniela sa kanya kaklase rin namin.

"What ever, kahit na atleast nakikita ko pa rin siya."sagot naman ni Aljean, magsasalita pa sana siya ng bigla na siyang putulin ni Ma'am.

"Okay, that's enough class, let's continue this tomorrow, you can go now."Aniya sabay tayo namin lahat.

Nauna kaming lumabas ni Alexa para umuwi sana ng bigla siyang nagyaya pumunta sa canteen kaya wala akong choice kundi sumunod sa kanya.

"Sure ka ba talagang walang bibilhin?"tanong niya sa akin.

"Ikaw na lang, busog pa ako."

"Yong totoo? Tara na kasi alam Kong gutom ka."pilit niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi sumama sa kanya sabay kaming luminya para kumuha ng order namin nauna ako sa linya at nasa likod ko siya samantalang nasa unahan ko naman ang Isang lalakeng matangkad na tila pang basketball player ang height, natapos na ang lalake sa pag order kaya umusog siya sa gilid para kumuha ng pambayad niya kaya pumunta na ako sa harap para mag order at ng magbabayad na ako ay doon ko lang napagtanto na wala akong dalang cash kaya agad akong nagpatingin kay Alexa.

"May 70 ka? Wala akong dalang cash."tanong ko sa kanya sabay lingo niya.

"Nah, 50 lang rin cash ko dito."sagot niya na ikinatigil ko akmang kakausapin ko na lang si ateng tendera na I gcash na lang ang ibabayad ko ng biglang may nagsalita sa gilid ko na ikinatingin ko doon.

"Here Ate, pakisama na rin yong bill niya."saad niya na ikinatingin ko sa kanya at ramdam ko naman ang kamay ni Alexa na biglang humawak sa kanang kamay ko at do'n ko lang napagtanto kung sino ang lalake na nasa harap ko.

Lecster Jade Rigor.

Tama sila. Totoong gwapo talaga siya. His face was oval with delicate features and graceful neck. He had a straight nose na talagang bagay sa kanya. His lips were full and plump with a natural pink color. He also had a masculine athletic body. No wonder, bakit maraming baliw sa kanya.

"Kasali rin yong sa kanya Jade?"tanong ng tindera sa kanya sabay tango niya.

"Yes."

Pag abot na pag abot ng sukli ng tendera kay Jade ay agad kong binigay ang cellphone ko sa kanya kaya taka siyang tumingin sa akin.

"Para saan yan?"

"Para sa pagkain ko."walang gana kong sagot sa kanya na ikinangisi niya.

"Don't worry Miss, count me in, libre ko na yan, parang yan lang."sagot niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.

"H-hindi may pera naman ako sa gcash, send mo na lang sa akin number mo para ma send ko sayo ang bayad."saad ko sa kanya.

"No need, sagot ko na talaga yan."Aniya sabay walk out sana ng bigla ko siyang hawakan sa kamay niya para pigilan agad naman siyang napatingin do'n kaya dahil sa gulat ay agad kong nabitawan ang kamay niya.

"Ayaw ko mag kautang ng loob, kaya tanggapin mo na lang sana puwede."saad ko ulit sa kanya na ikinatingin niya ulit sa akin habang nakangiti.

"Fine, if you insist, pero wag muna ngayon, tsaka ka na lang magbayad pag sinabi ko na, puwede?"

"Per...

"No more pero, basta sasabihin ko na lang sayo."putol niya sa sasabihin ko.

"Paano mo sa sasabihin?"

"Malamang hahanapin kita, hindi ka naman mahirap hanapin lalo na at nakuha mo na agad ang atensyon ko, at sigurado akong magkikita pa ulit tayo, so, paano?  see you soon Ma'am."sagot niya sa akin habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi na siyang dahilan ng kaba ko.

What is happening? Anong nangyayari, panaginip na 'to? The way he smiles, the way he talked, ibang iba, nakakatunaw, nakakakaba.

Hart Moon

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon